Chapter 4 - Past

45 2 0
                                    

Pagkatapos ng interview ni Anayeli kay Niel ay agad siyang nagbalik sa opisina nina Teng at Cora. Agad naman siyang pinapasok ng gwardiya sa CT tower. Wala ng mahaba pang paliwanagan dahil kilala na siya nito kanina.

Hindi inaasahan ni Teng na babalik siya sa office nito. Gayon pa man ay isinama muli nito si Anayeli sa office ng Ate Cora nito. Dahil nabanggit agad ni Anayeli na may importante siyang sasabihin sa magkapatid tungkol sa deal nila.

"Kumusta ang interview mo sa kapatid namin?" agad na tanong ni Cora kay Anayeli nang makapasok na ang dalawang dalaga sa office nito.

"Not good po," malungkot na tugon ni Anayeli.

"Huh? But why?" sabay na sambit ng magkapatid na nakakunot ang noo. Palagay na kasi ang mga ito na magiging smooth ang interview ng dalaga.

"Impossible na hindi ka magustuhan ng utol namin. Tipo mo ang gusto niya," singit ni Teng na may pagtataka.

"Binabawi ko na po ang deal natin. Hindi ko na po itutuloy kahit na makapasa pa ako sa interview na yun," diretsahan niyang sabi sa magkapatid na medyo nahihiya. Dahil baka isipin ng mga ito na wala siyang isang salita.

Nagkatinginan naman ang magkapatid sa sinabi niya.

"But why? We are not yet started," si Cora. May himig pa rin ng pagtataka.

"I know po, sorry po talaga pero ayoko na pong simulan yun," may paninindigang pahayag niya.

"Bakit nga. Please explain to us. We want to know your reason."

Nagkatinginan muna silang tatlo sa isa't-isa. Bumuntong-hininga muna si Anayeli bago sinagot si Corazon.

"Dahil ex ko po pala ang kapatid nyo," hindi na napigilang pag-amin niya sa mabait na magkapatid.

Napaawang agad ang labi ng magkapatid dahil sa pagkabigla. Agad nila parehong naisip na kung ex ni Niel si Anayeli. Ibig sabihin ay ito pala ang naging dahilan kaya naging palikero si Niel. Ibig sabihin ay mas maganda nga na magtuloy si Anayeli sa deal nila dahil ito ang sumugat sa kapatid nila. Kaya sigurado sila na ang dalaga din ang gagamot kay Niel at hihilom.

"So you mean, ikaw yung first girlfriend ni Niel?" paninigurong tanong ni Teng.

"Opo, noong college po kami. Hindi ko naman po inexpect na isa pala siya sa anak ni Mr. CT. All I know is nagkataon lang na kaapelyido nyo siya. Saka during that time, Mr. CT at Morfe lang naman po ang nababalita na bilyonaryo. Today ko lang nakumpirma sa inyo na Alcazar pala talaga ang apelyido ni Mr. CT. Pero hindi ko pa rin po nai-connect si Niel sa apelyido nyo kanina."

"Bakit, dahil ba tricycle driver lang siya noon at pobre? O dahil nakalimutan mo na siya?" tanong ni Teng sa kanya na tila nanunukso.

Hindi na nakasagot si Anayeli kay Teng. Para sa kanya ay totoo naman kasi na imposible na maging bilyonaryo ang isang tricycle driver. Kaya hindi talaga niya akalain na may ganoon pala sa tunay na buhay, parang fairytale lang. Naisip niya mapaglaro nga naman ang kapalaran, hindi din naman niya akalain na biglang mababaligtad ang buhay nila ni Niel.

Pero nakalimutan na nga ba talaga niya si Niel? O talaga lang naging abala siya sa panibago niyang buhay. Nawindang na siya sa agarang paggulong ng kapalaran sa kanilang pamilya.

Sino ba naman ang hindi mawiwindang. Dati ay sila ang pinakamayaman sa lugar nila. Pero biglang naging mas mahirap pa sila sa daga. Kaya hindi na kailanman pumasok pa sa isipan niya si Niel. Dahil matapos nilang mag-break ay nagsunod-sunod na ang dagok sa kanilang pamilya.

Ayaw niyang alalahanin pa yun. Pero dahil nagbalik si Niel galing sa nakaraan. Muli na namang gumuhit sa alaala niya ang biglaang pagguho ng mundo nila ng pamilya niya.

Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon