Twenty-eight

1.8K 99 43
                                    

28.

DELA GENTE

"Babagong tapos lang kami ng senior highschool noon, bata pa. Siguro kung sa ganitong edad nangyari 'yon, kaya naming manlaban dahil marunong na rin kami humawak ng baril. Pero dahil halos wala pa kaming ideya sa pamamaril noon ay wala kaming nagawa kundi matakot at sundin ang gusto ni Bronze," Lix explained.

"We can't seek help because it's our company, lives, and families that are at stake," dagdag ni Rave. "Masyadong madami at malawak ang mga koneksyon ng pamilya Lirezas. At hindi palabiro si Bronze, kapag sinabi niya ay tototohanin niya."

Matapos marinig mula sa kanila ang totoong nangyari noong taong 2019 ay natutop ko ang aking bibig dahil hindi talaga ako makapaniwalang kaya iyon gawin ni Bronze. At gaya ng sabi nila, katatapos lang nila ng highschool noon. Halos bata pa talaga. Pero sa murang edad ay ganoon nang kalaki ang nagawa ni Bronze.

I also can't help but feel bad for accusing Xerxes of everything when in fact, it is him who made a big role on keeping Serena and kuya Aeign safe.

And the reason why he couldn't fight back is because Aleezah's life depends on it. He loves his sister so dearly that he's willing to do everything just for her.

"Why didn't you just kill Lirezas para tapos ang problema?" asik ni Arlszent.

"Nasa pali-paligid lang ang mga tauhan ni Bronze, isang maling gawa lang namin ay pwede na iyon kaagad makarating sa pamilya nito. Makukulong kaming tatlo o kaya naman ay mas malala pa ang mangyayari," paliwanag ni Lix.

"Makukulong din naman talaga kayo kahit hindi kayo kumilos," Arlszent scoffed before pointing his finger at kuya Aeign. "Kidnapping ang ginawa niyo dito."

"Makukulong kami sa salang kidnapping kung kakasuhan kami ng kidnapping," Xerxes snapped. "And I doubt that would happen because the reason why we kidnapped and hid Aeign is to keep him safe."

"You have a point," I murmured.

My voice was too low and soft when I said that but I know that all of them heard it. From my peripheral view, I even saw Xerxes raised a brow at me and he even pursed his lip, trying to stop his lips from forming into something.

["Consider everything done, Mr. Dela Gente. The warrant of arrest for Bronze Hajin Lirezas is now with Police Inspector Mike Duero."]

"What was that?" nanlalaking mata na tanong ni Lix, halatang gulat.

Ngayon ko lamang napansin na hawak ni Arlszent ang telepono niya at may ongoing call doon, it's a close friend of uncle Lorellus who's a prosecutor and like us, he's here in the Philippines and we asked him before to help us with this mission. Nasisiguro kong palihim na tinawagan ito ni Zent kanina upang marinig nito ang pagsasalaysay nila Xerxes ng kwento.

"Thank you, Arleigne and I owe you. And please, don't tell uncle or any of our family relatives about this. Especially mom," ibinaba ni Arlszent ang tawag at tinago ang kanyang telepono bago humarap sa gawi nila Serena.

"Wakas ang problema niyong lahat. Ipapakulong na si Bronze," Arlszent casually said. "Kailangan na lang ay mahanap siya."

"H-how is that even possible?" Rave asked, shocked as well.

"Kaya nga kami nagpunta dito ng kakambal ko, kasi kami ang magpapakulong sa talagang may sala. Kailangan lang namin ng may magsasalita o kaya pruweba. At kapag meron na, huhulihin na kaagad siya at magkakaroon lang ng isang harapan sa korte."

"Paano ang pamilya niyo o kaya business niyo kung meron man? Pwede niya iyon wasakin," nag-aalalang tanong ni Serena.

"Airlines ang business namin. Sa ibang kamag-anak ng nanay namin, malalaking kumpanya ang meron sila at walang relasyon sa kahit anong kumpanya ng mga Lirezas." Arlszent just flashed a small smirk. "Pinagmamalaki niya ang laki ng koneksyon niya, e mas malawak ang koneksyon naming mga Sierra."

Splendiferous (Legazpi #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon