Chapter 10

95.4K 7.8K 5.1K
                                    

Chapter 10: No Tears

Unfortunately, I don't have any clothes that will conceal my neck part. Patago ko na lang na hiniram sa drawer ni Lola ang kanyang pang make up. I put a skintone powder on the scar and I think it worked well. Hindi naman ito gano'n kalaki gaya ng kay Lady Grenda.

Nang makuntento ay dumiretso ako sa kusina kung saan nadatnan ko na nakaupo lang ang halos sa mga kasamahan ko. It's Sunday, halos lahat ng leaders ay nasa kani-kanilang teritoryo pa rin kaya malamang na wala gaanong trabaho.

"I received an order from Prince Nigel Hezuera of Hezueras Clan." Umatras ako nang pumasok din si Lady Lena. Napatayo naman ang mga kasamahan ko. "We need to go the battle arena and watch a fight."

Awtomatikong nagkaroon ng tensyon sa paligid. Maging ako ay kinabahan. Ano naman ang papanuorin naming labanan sa battle arena? Bakit kailangan andoon din kami?

"P-para saan Lady Lena?" kabadong tanong ng isa. "Hindi naman ito labanan, hindi ba? Manunuod lang kami. Hindi kami sasabak sa kung ano mang labanan."

"Lady Lena naman e!"

"Humilera na lang kayo at sumunod sa akin," utos ni Lady Lena.

Wala na ring nagawa ang lahat. Pumila na ang mga babaeng tagapagsilbi kaya gano'n na rin ang ginawa ko. I could still feel the fear circulating around while we were heading to the battle arena.

Napatingin ako sa panibagong hilera na dumikit sa amin. Ito ang mga babaeng tagapagsilbi sa ibang panig. Napansin ko agad si Blessy na nakayuko lang.

"Pst. Blessy..." tawag ko sa kanya.

Umangat ang tingin nito at hinanap kung sino ang tumawag sa kanya. Ang matamlay na mukha nito ay unti-unting lumiwanag nang makita ako.

"Astra! Buhay ka!"

I see. That's why she looked so sad.

"Yeah. I'm fine."

She got teary-eyed next. "A-ano ang ginawa nila sa 'yo?"

"Ssshh. Quiet girls!" suway sa amin ng pinuno nila.

I mouthed, "Nothing. I'm good."

Binigyan ko pa siya ng matamis na ngiti. Hindi pa rin ito mukhang kumbinsido sa sagot ko pero kahit papaano ay nakahinga ito nang maluwag. Malamang na kanina niya pa iniisip ang biglaang pagdakip sa akin.

After a few more moments, we finally entered the battle arena of Nightfall Clan. I sniffed when a familiar sensation suddenly clogged in my chest. The odd feeling brought chills to me. This is where the history happened. I was here. I was a witness.

Isa-isa na rin kaming umupo sa mga bakanteng upuan. Nang makapagpahinga ay saka ko lang napansin ang dalawang kabayo sa pinakaharap at ang nakabukas na tarangkahan sa dulo.

Shit. They really took it seriously?

Mas lalong tumahimik nang pumasok si Lady Grenda. May babaeng tagapagsilbi na nagpapayong sa kanya para hindi masinagan ng araw at may isa ring nagpapaypay sa kanya. Umupo ito sa nakahandang upuan sa taas ng entablado.

"We gathered here today to witness a horse racing competition between the son of Lord Hezuera of Hezueras Clan, Prince Nigel Hezuera!" The announcer paused a minute when a roaring clap filled the battle arena. "And..." Napakapa ito ng sasabihin. "Lady Celeste of Nightfall Clan!"

Anim lang yata kaming pumalakpak para kay Celeste... ang dalawa roon ay galing pa sa amin ni Blessy na dinig na dinig ko kahit na nasa malayo. "Whooo. Kaibigan 'yan ni Astrang mabait!"

Napailing ako. She really reminds me of Dahlia.

The two competitors finally entered the scene. There goes Nigel, wearing a fatigue green coat buttoned-down shirt, brown jeans, and black knee-high boots. He was holding his belt while walking towards the horse assigned to him.

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon