Chapter 12

125K 9.3K 9.2K
                                    

Chapter 12: The Impact

We were ordered to go back to our respective shelters. It's frightening how I could hear the silence when that happened. The silent cry of Behemoth Clan is haunting me.

One of the leaders has been decapitated.

Kailangan bang humantong sa ganito ang lahat?

"Astra..." Suminghap si Blessy saka niya uli niyakap ang mga braso ko. "Tinakot kasi ako ni Lady Grenda na sasaktan ka pa niya kapag sinabi kong siya ang nanakit sa 'yo. Sorry."

Lumipat ang tingin ko kay Lola na nakaupo lang sa kanyang kama habang malalim din ang iniisip. Sa aming narito, sa tingin ko ay siya ang mas maraming alam sa mga maaaring maganap.

"Hindi ko inakalang ganito kalalim ang digmaan na mangyayari," ani Lola bago bumuntonghininga. "Isa sa mga pinuno ng mataas na pangkat ang nasawi."

"Patay na rin si Lady Feera," ani Blessy na nagpupunas ng mga luha. "N-natatakot na talaga ako, Lola. Paano... paano kung ikaw na pala ang susunod?"

Umangat ang tingin ni Lola. "Manahimik ka nga, Blessy. Hindi ka nakakatulong."

"Salamat nga pala, Lola," banggit ko. "You stood up for me, too. Isa ka sa mga naglakas nang loob para patunayan na isa rin akong biktima sa marumi nilang laro."

"Wala naman 'yon. Mas binigyan diin ko lang ang mga sinabi ni Lady Vienzara."

Pinakawalan ako ni Blessy para lumapit kay Lola. She wrapped her arms around her and said, "The best ka rin pala, Lola. Dati akala ko ay multo ka lang."

Mabigat man ang didbib ko dahil sa mga nangyayari ay nagawa akong patawanin ni Blessy. Though I still have lots of questions. Alam kong mabigat ang nangyaring pagkamatay ni Lord Behemoth. Hindi ko lang alam kung gaano kabigat. Ano na ang gagawin ngayon ni Lord Oscar? At para saan ang Unus?

The door suddenly opened and Erikson got in. May mga dala itong pagkain.

"You haven't eaten anything yet," he said as he put the tray on my bed. Saka siya umupo at bumuntonghininga. "Please, eat, Astra. Pagkatapos ay magpahinga ka na rin."

"What's happening outside?" I couldn't help but to ask.

He shook his head. "Wala. Pakiusap naman, Astra. Pagpahingahin mo naman ang utak at katawan mo. So far... nothing is happening yet. Wala kang dapat na ipangamba."

"What's the Unus for?"

Erikson gave me the warning look.

"Fine." Kinuha ko ang tray at sinimulan nang kumain. Lumapit din sa akin si Blessy at nakisalo. Inalok ko rin si Lola pero ang sagot nito ay wala siyang gana.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang magsalita si Lola. "Hindi lang tayo ang kinakalaban ni Brixton. Dahil sa ginawa niya ay nagsimula rin siya ng digmaan sa mga nakakataas."

Hindi umimik si Erikson.

"Ano ang ibig mong sabihin, Lola?" tanong ko.

"Baka may mas matangkad pa na kalaban si Brixton. Kakampi rin ba natin sila, Lola?" tanong ni Blessy na puno pa ang bibig.

Hinintay kong sumagot si Lola pero humiga lang ito sa kama at tumalikod sa amin. Mukha rin namang walang balak na sagutin ni Erikson ang tanong ko kaya tinikom ko muna ang bibig ko.

Lumipas ang ilang araw nang sobrang tahimik. Mahigpit ang seguridad pero wala na akong narinig na balita sa mga kilos nila. Hindi na rin kami naghahatid ng pagkain sa mga pinuno.

The silence is disturbing because it doesn't mean stillness. It means... preparation. I think the war has already been started. This is part of the process.

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon