Chapter 31

83.2K 7.3K 5.3K
                                    

Chapter 31: Pouring Memories

I couldn't wrap my head around everything I've heard. Pumunta ako rito para itanong kung ano ang liwanag na nakita ko kanina at kung bakit tila kami lang dalawa ang nakakita noon.

I've got the answer. That cryptic man was one of the witches. Tanging may dugong manggagamot lang ang makakakita sa kakayahan ng isa pang manggagamot. Tanging manggagamot lang din ang makakakita sa hiwaga ng isa pa.

"Your father, Errold, was a good witch," Elder Entiango added. "Hindi man siya ang pinakamatino sa amin, kadalasan ay sakit sa ulo, pero gagawin niya ang lahat para mailigtas ang kanyang mga kasamahan. He was one of the strongest candidates to be a leader."

Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa pisngi. Tumango ako at pilit na ngumiti.

"W-wala ako gaanong alam tungkol sa kanya..." sambit ko, nanginig din maging ang aking boses. "Gusto man kitang guluhin pa tungkol sa kanya, alam kong mas gusto mong makapagpahinga."

"Patawad, Astra. Hindi kayo kailanman nagkaroon ng pagkakataon para magkita."

"Isang tanong na lang, Elder Entiango." Huminga ako nang malalim. "Ang hiram na kakayahan ni Brix ay maglalaho, hindi ba? Hindi ba ito makakaapekto sa kanya?"

Tumitig ito sa akin. "Siya pa rin ang iniisip mo..."

"Paano ang anak namin?" sunod kong tanong. "Wala naman sa kanilang dalawa ang manganganib, hindi ba? Babawiin lang ng anak ko ang kakayahan, gano'n ba?"

"Walang epekto kay Brix ang pagkawalan niya ng kakayahan sa hamog. Hindi niya na lang ito magagamit." Bumuntonghininga ito nang dumapo sa leeg ko ang kanyang tingin. "Nagkita na rin pala kayo ni Lola."

"K-kilala mo ang nagbigay sa akin nitong kwintas?"

"Si Lola, nakatatandang kapatid ni Rold. Isa ang anak niya sa mga nasawi nung araw na 'yon..."

"Okay." Tumango ako. I don't think I still want to hear what he's about to say. "Salamat sa pagsagot sa mga tanong ko, Elder Entiango. Magpahinga na po kayo."

"Alam kong may lamat ang nakaraan ninyong dalawa ni Brix. Ngunit sana ay alalahanin mo ang anak mo, Astra. Isantabi mo muna ang nalaman dahil may mas mabigat kayong kalaban."

"Alam ko po. Salamat."

Tumalikod na ako at lumabas ng silid na 'yon.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita si Erikson sa gilid ng pinto. Base sa kanyang reaksyon ay alam kong narinig niya ang lahat ng pinag-usapan namin sa loob.

"A-Astra..."

Nilagpasan ko na lang siya. Dirediretso akong lumabas pero mabilis din niya akong nahabol. Sinubukan niya akong iharap sa kanya kaya mabilis akong yumuko.

He suddenly pulled me into a tight hug.

It felt like that was a signal for me to break down.

I was given so many signs but I ignored them all. Maybe I kind of hoped things would be different in other words. Maybe I just didn't want to accept it. Or maybe because... out of all... I couldn't accept it's him.

"Damn. I'm sorry..." Erikson whispered.

Kinailangan ko lang nang ilang segundo para pahupain ang nararamdaman. Kumawala rin ako agad sa yakap at inayos ang sarili. Wala akong panahon sa ganito.

"Wala bang nasaktan sa pagsabog?" tanong ko.

"A-Astra..."

"May bago tayong dapat abangan. Not just The Cloaks. Witches will join the force, too." I couldn't hide how anxious I was. "Malamang na alam na 'to ngayon ni Brix."

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon