Chapter 22

101K 8.2K 4.2K
                                    

Chapter 22: Emotions

Tinuon ko ang atensyon sa mga binti habang naglalakad pabalik. Ramdam ko ang nanunuot na lamig sa loob dahil basa ang mga pang-loob ko na tinakpan lang ng pang-labas.

Narinig kong suminghap si Brix.

"Can I insist again?" he asked.

"Sa bungad lang ng gubat, Brix. We can't get out of here together."

"Damn." He sounded so upset. "I can't be proud of you even in my own kingdom. What a shame."

That's when I looked at him. Seryoso lang ang tingin nito sa daan. Wala itong pang-itaas na damit. Nabasa kasi ang damit niya at ang katwiran nito'y mas lalamigin siya kapag sinuot pa 'yon.

"That was fun..." I smiled.

He grumbled and said, "Don't say that."

"Why?" I chuckled.

Bumaling siya sa akin. Magkasalubong ang kanyang mga makapal na kilay. Ilang sandali pa ay sumimangot ito at muling tinuwid sa daan ang atensyon.

"Next time will be more fun..." he mumbled.

"Sure."

Huminto na ako nung nasa bungad na kami palabas ng kagubatan. Dito na ang hangganan ng paglalakad namin nang magkasama. Marami nang maaaring makakita sa amin paglabas dito.

Hands inside the pocket of his pants, Brix turned to me. He stared at me for a moment before a dashing smile formed on his lips. Without saying anything, he moved forward and embraced me.

"Forget what I've said earlier..." he whispered on my ear. "I wouldn't die for you."

"Oh. You regret it now?"

"No." Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa kanya. "I will live for us, Astra."

Those were the sincerest words I've ever heard from him.

Lumapad ang ngiti ko. If only I could stop the time here and be with him longer. Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa balikat ko at hanggang sa binitiwan na niya ako.

I sniffed. "See you around, S."

"I am always around, Lady Astra."

Tumitig ako sa kanya nang ilang segundo bago tumango. Nilagpasan ko na siya. Hindi lumingon pabalik, nagawa kong makabalik sa tinitirahan namin.

Hahawakan ko na sana ang busol ng pinto pero nakaawang na ito nang kaunti. Umakyat sa dibdib ko ang kaba dahil siniguro kong nakasarado ito nang iwan kanina.

Someone got inside my room before me.

I gulped and opened the door. Sumalubong sa akin si Erikson na nakaupo sa kama ko, nakasandal sa ulunan at nagbabasa ng libro. Nanatili itong nakatingin sa libro, hindi ako nilingon.

I stepped inside with a lump in my throat. Dahan-dahan na sinarado ko ang pinto na tila takot na mahuli ng mga magulang dahil ginabi ng uwi. Nanatili akong nakatayo.

"Basa ka. Magpalit ka na ng damit," aniya nang hindi ako nililingon.

Tumango ako bago lumapit sa cabinet. Kumuha ako ng pantulog at dali-daling pumasok sa loob ng CR. Napabuga ako ng hangin nang makandado ang pinto.

Shit. He really waited for me here. Pakiramdam ko ay nahuli ako ng parents ko galing sa galaan. He's giving me that over protective parents vibe.

Nagbanlaw ako sandali at mabilis na nagpalit ng damit. Tumikhim ako bago binuksan ang pinto at lumabas ng CR. Naabutan ko si Erikson sa kaninang posisyon.

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon