Chapter 37

75.3K 7.5K 6K
                                    

Chapter 37: The Final Wave

It's been a long  and exhausting night. Though the sky was still dark, I knew it won't last anymore. The sun will illuminate this world again and I hope that war has ended by that time.

Isang malaking pagbabago ang naghihintay sa lahat sa pagsikat ng araw.

"How did you know?" tanong ni Brix.

Hinawakan ko ang kwintas na suot. "This is not just a pass, Brix. Binigyan ako ng kwintas na ito ng liwanag para makita ang mga bagay na kinukubli ng dilim. I found the truth through the help of this."

"But what if—"

"I would still believe in you," I cut him off.

Umihip ang malamig na hangin na gumalaw sa kanyang buhok. We stood there for a moment, just staring at each other. It felt like everything was just a dream.

"Wala naman akong pakialam kung hindi nila ako paniwalaan," sambit niya sa akin. "Hindi naman bago sa akin 'yon. Hanggat naniniwala ka sa akin, wala akong pakialam sa mga hindi."

I closed the distance separating us. Tumingala ako para salubungin ang kanyang tingin. "Trusting you is the best decision I've ever made. You are free now, Brix."

"Damn. My eyes..." He tilted his head.

Someone behind us faked a cough. Nung makilala kung sino ito ay nagpaalam muna ako kay Brix na hahanapin si Celeste. Bago ako tuluyang makalayo ay binalikan ko ng tingin sina Brix.

I smiled when Oscar hugged Brix.

Finally, the Cardinal brothers are back again.

This is where Lord Severo lost.

Imbes na si Celeste ang makita ko ay natagpuan ko si Nathalia. Nakasandal ito sa puno at pinaglalaruan ang mga damo sa kanyang paa.

Huminga ako nang malalim bago siya nilapitan.

"How's Brix?" she asked.

"I'm sorry..." I said.

"It's my fault," she mumbled. Hindi pa rin niya ako tinitingnan. "Masyado kong minaliit ang galit ni Mama kay Brixton. Isa ako sa dahilan kung bakit mapait ang naging nakaraan ni Brix. Ano'ng klase akong kapatid?"

"Hindi lang ikaw. It feels like..." I felt something got in my throat. "The world failed him. But it doesn't matter anymore. Ngayon na alam na nating lahat ang totoo, unti-unti na ring lilinis ang pangalan niya."

"I-I don't know what to say..." That's when she looked at me. Nanginig ang mga mata niya na pinaliligiran ng luha. "Nahihiya ako kay Brix. H-hindi ko alam kung paano siya haharapin."

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Hindi ko inakalang mahihiya ang isang Nathalia Cardinal. Sa dami na ng mga ilaw na sumilaw sa 'yo sa iba't ibang panig ng mundo, mga magazine na pinagbidahan... ano pa ang kailangan mong ikahiya?"

Tumitig siya sa akin. Ilang sandali ay natawa ito.

"You don't make sense, Astra. This is something else."

"Kinausap na ni Oscar si Brix," sambit ko. "Ikaw na lang ang kulang."

Binawi niya ang kamay sa akin para punasan ang mga luha. Sa dami na ng nangyari ay hindi man lang nagalaw ang ayos ng kanyang mukha.

"Go on, Lady Nathalia. The world is waiting for the Cardinal Siblings to be at peace with each other once again."

She hugged me. "Thank you for believing in him. You saved my brother, Astra."

"Wala 'yon sa mga nagawa niya sa akin."

Kumawala na ito sa yakap. "Thank you, Astra."

Tumango lang ako at pinagmasdan siyang puntahan ang mga kapatid.

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon