Chapter 25

83.3K 7.8K 2.7K
                                    

Chapter 25: Never Better

Kinabukasan ay nagsimula nang bumigat ang mga nangyayari. Narinig ko ang mga kawal ng Hezueras Clan na nag-uusap tungkol sa biglang pag-anib ng kanilang pinuno sa Severus Clan. Maging ang ibang clan ay pinag-uusapan din ang tungkol dito.

Brix successfully snatched some of the alliances of Nightfall Clan and it was starting an uproar between the clan members.

"Saan ka na naman galing?" Salubong sa akin ni Erikson nung pabalik na ako sa kwarto ko. Nakatayo ito sa gilid ng pinto at halatang iritado. "Huwag mong sabihin na nakipagkita ka na naman kay S?"

Mabilis na umiling ako. "Kumuha lang ako ng mansanas sa kusina." Pinakita ko sa kanya ang dalawang hawak. "Gusto mo?"

Umirap ito pero kinuha rin ang isa.

Pumasok ako sa kwarto ko at sumunod si Erikson. Nanatili ito sa gilid ng pinto habang ako ay umupo sa kama.

"What's up?" I asked him. Kumagat ako sa mansanas.

"Pwede bang iwasan mo muna ang pakikipagkita kay S?" tanong nito habang hinahagis-hagis ang mansanas sa ere. "He's starting to cause trouble again."

"I know..." Bumagal ang pagnguya ko.

Ang totoong rason sa paglabas ko ngayon ay hindi lang dahil para kumuha ng mansanas. Hindi ako mapakali sa silid na ito. Pakiramdam ko ay may nakakaligtaan akong pangyayari.

Damn. I'm being paranoid.

"May alam ka ba sa plano ni Brix?" sunod na tanong ni Erikson.

Nagkibit-balikat ako. Hindi ako pinatulog ng mga nangyari kagabi. Whenever I remember Oscar's reaction, how terrified he was while talking to Brix, I knew that it was that serious. It shouldn't be taken lightly.

"You were together last night, right?" he questioned again.

Bahagya akong tumango. Hindi ko na nakain ang mansanas. Nag-uumpisa na naman akong kabahan.

"Come on, Astra. Can you share something to me?" nag-angat ng mga kilay si Erikson. "I am clueless. Alam kong meron ka namang nalalaman kahit na kaunti..."

Lumunok ako. "He will start soon..."

"Start what?" Naalarma ang reaction ni Erikson.

"Building a kingdom..."

"A kingdom?" Nangunot ang noo niya.

Tumango ako. That's all I know.

"Alam ba 'to ni Lord Oscar?"

"Yes..."

"Alam mo ba kung ano ang tingin niya sa gustong mangyari ni Brix?"

Suminghap ako nang mahirapan na namang huminga. Sobrang apektado ako ng kung ano mang plano ni Brix.

"He was opposed to that idea," I responded.

"As he should. Nahihibang na ba si Brix? He has his own clan now. Bakit kailangan niya pa 'yon?" Bumuntonghininga si Erikson, tila nagpipigil ng galit.

I know. Why kingdom? That's what confused me, too. What's the purpose of that kingdom and why is it essential for him?

Lumapit sa akin si Erikson at umupo sa tabi ko. Humiga siya sa kama habang ang mga binti ay nakababa sa sahig. Ako naman ay natulala na lang sa hawak na mansanas.

"A kingdom?" dinig kong banggit ni Erikson.

"Why is it possible to build a kingdom?" I asked.

"It's just not possible," sagot nito.

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon