Kabanata 1

119 10 3
                                    


"Hindi ka ba napapagod Claire? kanina ka pa paikot-ikot diyan," reklamo ng matalik kong kaibigan na si Bea. Nandito kami sa maliit na library ng bahay nila dahil manghihiram ulit ako ng panibagong libro na babasahin. Mahigit isang oras na yata akong pabalik-balik sa mga nahahawakan kong libro at ibinabalik ko rin agad sa mga kinalalagyan nila.

"Wala ka na ba talagang mga historical-fiction? Lahat na yata ng mga libro mo sa Spanish Era nabasa ko na," saad ko sa kaniya. Mahilig magbasa si Bea at ang pamilya nito. Madali kaming nagkasundo dahil pareho kaming mahilig magbasa ng mga aklat na historical-fiction.

Napakasarap kasing tuklasin ang sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino. Kung paano nga ba pinapahalagahan ang mga kultura at tradisyon natin noon kumpara sa ngayon.

Sa mga nababasa kong nobela, mahirap mang mamuhay sa kamay ng mga Kastila, Hapones o Amerikano ay gusto ko pa ring maranasan ang maganda at simpleng pamumuhay doon. Ang pagsusuot ng kamiso, simpleng pantalon at salakot para sa mga kalalakihan. Ang pagsusuot naman ng baro't saya mula sa mga babae. Ang pagsakay sa kalesa. Ang pagtawag sa'yo ng Ginoo o Binibini bago ang iyong pangalan, ang magagandang tanawin na hindi pa nababalot ng usok at polusyon kumpara sa ngayon. Ang pagdiriwang sa mga pista, kasalan, at iba pang mahahalagang okasyon at higit sa lahat, ang sinseridad ng pag-ibig.

Napailing na lang ako sa sarili dahil sa mga huling salita na naisip ko. Hindi naman ako naghahanap ng makalumang lovelife. Curious lang talaga ako kung anong pakiramdam ng pinapadalhan ka ng liham, hinaharana, at mga palihim na pagtatagpo tuwing sasapit ang dilim.

Muli akong napailing sa mga naisip. "Ano sis, matagal ka pa ba? Nabasa mo na pala lahat eh, bumili na lang tayo ng bago sa National Book Store," suhestisyon ni Bea. Tanghalian na ngayon at alam kong naiinip at nagugutom na siya kakahintay sa'kin.

Tumango na ako at akmang susunod na sana kay Bea ngunit nahagip ng mata ko ang isang makapal na libro. Nababalot ito ng mga alikabok at mukhang luma na ngunit mapapansin mo pa rin ang tibay at ganda nito. "Wait lang, parang ngayon ko lang 'to nakita," sambit ko kay Bea habang nakapako pa rin ang mata ko sa libro. Naglakad ako papalapit dito at maingat itong kinuha kasama ng iba pang mga aklat na nakaipit. Pinagpagan ko ang harapan nito upang mabasa ang pamagat.

Pahimakas.

"Matagal na ba 'to sa inyo?" tanong ko kay Bea dahil ngayon ko lang napansin ang libro na hawak ko ngayon.

Lumapit siya sa'kin at sinuri rin ang hawak ko. "Ah 'yang librong 'yan. Sabi ng lolo ko, pamana raw sa kaniya 'yan ng lolo ng lolo ng lolo to the max and highest level niya. Gets mo? Basta sa kanunu-nunuan daw ng angkin namin 'yan galing. Huwag ko raw basahin at iligtas ang sarili ko," sagot ni Bea at napatingin na rin ito sa aklat.

"Iligtas saan?" tanong ko sa kaniya. Masyado akong nahihiwagaan na parang may kung ano sa libro na hawak ko ngayon. "Hindi ko rin alam. Basta huwag ko raw 'yan basahin at ipabasa sa iba kaya ibalik mo na 'yan at kumain na tayo. Nagkakagulo na 'yung small at large intestine ko kaya let's eat na," saad ni Bea sabay hatak sa'kin pero agad ko ring kinalas ang pagkakakapit niya sa braso ko.

"Mauna ka na, mag ccr lang ako," agad akong umalis at narinig ko pang sumigaw si Bea sa labas na hihintayin na lang daw niya ako sa kotse niya.

"Bakit ang tagal mo? may ritwal ka ba? kinulam mo 'yung ex mo no?" agad na tanong ni Bea nang makapasok ako sa kotse niya. Nasa likod niya ako ngayon at siya ang palaging nagda drive sa'min. "Gaga!" sagot ko sa kaniya at natawa naman ito.

Alam niya kasing mapipikon ako kapag pinag-usapan namin ang ex kong si Jansen. Nagtagal kami ng isang taon pero ginamit niya lang pala ako para mapalapit sa isa ko pang bestfriend na si Ivan. Hindi naman mapapansin ang kilos ni Jansen kaya sobra akong nasaktan at nagulat sa nalaman ko.

PahimakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon