Kabanata 4

42 3 0
                                    


Hindi ko ininda ang tingin ng mga tao sa'kin. Naririnig ko rin ang mga bulung-bulungan nila tungkol sa ginawa ko. Alam kong isang kapangahasan sa panahong ito ang paghablot sa braso ng isang lalaki at ang paghaharap namin nang ilang segundo kanina.

Napa sign of the cross pa ang ilang mga madre na nakakita sa amin habang hawak ang kanilang rosaryo. Ang ilang mga magulang naman ay nagmamadaling tinakpan ang mata ng kanilang mga anak. Akala siguro nila ngayon ay desperada akong magkajowa at uhaw sa lalaki. Nakakairita namang gumalaw sa panahon na 'to. Niligtas ko lang naman 'yung kuting kanina dahil ang bilis maglakad nung lalaki at matatapakan niya ito kung hindi ko siya pipigilan.

Napahawak ako sa puso ko dahil sa hindi normal na pagtibok nito. Bigla kong naalala kung paano kami naistatwa nang magtama ang mga mata namin. Ngunit hindi ko pa rin makakalimutan kung paano siya nerbyosong napalunok nang makita niya ang hiwa sa leeg ko. Kasalukuyan ko siyang hinahanap ngunit nawala na ito na parang bula. Nakakainis! Dinaig niya pa ang snatcher sa kalsada sa sobrang bilis niyang maglaho.

"Binibini, bumalik na po tayo. Tiyak na hinahanap na kayo ng inyong mga magulang," hinihingal na saad ni Estela mula sa likod ko. Napahinga ako nang maluwag at stress na humarap sa kaniya. "Kilala mo ba 'yung mokong na 'yon?" iritable kong tanong kay Estela. Nagtaka ito sa sinabi ko at nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Mo-mokong??" napapikit na lang ako at hinayaan na lamang siyang mag-isip.

Maya-maya pa ay napatingin ako sa kaniya nang palihim itong ngumiti sa akin. "Iyon ba ang tawagan niyong dalawa ni Señor Nathaniel?" tanong sa akin ni Estela dahilan para manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong tawagan? Hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon at higit sa lahat, sa dinami-dami ng tawagan sa mundo, Mokong talaga? Seryoso ba siya?

Bumalik na kami sa kalesa at hindi mawala ang mapang-asar na ngiti sa akin ni Estela. Mabilis lamang ang naging takbo ng kutsero dahil hindi naman kami kalayuan sa bayan. Makikita mong napapatingin ang mga tao sa aming sinasakyan dahil naiiba ito sa mga ordinaryong kalesa.

Ilang minuto lang ang itinagal at nakarating na rin kami sa bahay. Bumaba na kami at agad akong nagpaalam kila ina bago hatakin sa loob si Estela at kausapin ito sa kwarto.

"Sabihin mo nga. Sino ba 'yung lalaking 'yon?" tanong ko sa kaniya nang maupo ako sa kama. Napalitan ang mapang-asar niyang mga ngiti nang may pagtataka. "Imposibleng hindi niyo siya matandaan, Binibini. Alam ng taong bayan na matagal na kayong may pagtingin kay Señor Nathaniel simula pagkabata," napanganga ako sa gulat dahil sa sinabi niya.

Napapikit na lang ako dahil sa inis. Ang harot naman ng totoong Soledad. Ako pa tuloy ang umaako sa pagkatao niya. Sa dinami-dami ng lalaki bakit sa killer pa siya magkakagusto? Muntik na akong mamatay dahil sa kaniya nang mapadpad ako dito. Malakas talaga ang kutob ko na siya ang lalaking nagtutok sa'kin ng patalim.

Muli akong napatingin kay Estela. "Effective nga," saad ko sa kaniya at muli nanaman itong nagtaka sa sinabi ko. "Ang ibig kong sabihin, epektibo nga ang paglimot ko sa kaniya nang manirahan ako sa Cavite," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Gusto kong humingi ng tawad kung sino man ang tunay na Soledad pero dapat mag thank you siya sa'kin dahil may matino akong taste sa lalaki. Atleast iniligtas ko siya sa mamamatay-tao.

"Kung gayon, ano ang inyong ginawa kanina kay Señor Nathaniel? Tiyak na magiging laman kayo ng usapin at agad din itong makakarating sa kaniyang mga magulang na si Don Federal at Donya Silvestre," pagbabanta ni Estela ngunit makikita mo ang ngiti nito na kanina pa nang-aasar sa'kin. "Ang issue naman nila masyado, parang ganun lang," pagrereklamo ko ngunit hindi na maawat sa pagngiti si Estela.

Lumapit ako kay Estela at hinawakan ang kamay nito upang kumbinsihin. "Hindi mo kilala si Nathaniel. May lihim ang mokong na 'yun kaya ekis siya sa'kin," saad ko ngunit ayaw pa rin niyang matigil sa pagngiti. Masyado namang supportive 'to si Estela. Kapag may ebidensya na talaga ako na ang lalaking 'yon ang nagtangka sa buhay ko, siya ang una kong sasabihan.

PahimakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon