One

570 119 64
                                    

Dahan-dahan akong nagising nang maramdamang may tumatapik sa braso ko. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang sariling nakahiga sa gilid ng kalsada habang yakap-yakap ang katawan dahil sa lamig ng isla.

Napahawak ako sa tyan ko nang makaramdam ng gutom. I didn't know how long it had been since I last had a decent meal. Ilang araw na akong naghahanap ng pagkain sa basurahan para maitawid lamang ang kagutuman.

Mabagal akong naupo sa gilid ng kalsadang pinagtulugan ko. Mula sa akin ay amoy na amoy ko ang masangsang na basurahan sa hindi kalayuan, ngunit pinigilan ko ang sarili na muling maghanap ng tira-tirang pagkain doon dahil sa tuwing ginagawa ko iyon ay sumasakit lang ang tyan ko.

I didn't know what to do anymore. Hindi ako handang mabuhay mag-isa. I didn't know how to cook. Not that I had any money to spend in the first place.

Hindi ko kayang tanggapin na wala na sina Papa at Kuya. Sila na lamang ang mayroon ako nang lisanin kami ni Mama, ngunit pati sila ay binawi na rin mula sa akin.

With all hope gone from my life, I left Forwel that day and I let my feet lead me wherever they would. Nagpalaboy-laboy ako sa gilid ng daan. Naghanap ako ng pagkain sa mga basurahan.

I stared at my body and I almost... didn't recognize myself. Marumi at nanlalagkit na ang aking katawan at maging ang aking suot na damit ay butas-butas na rin. Ang buhok ko ay nagkabuhol-buhol na at ang mga luha sa aking mukha ay tuyong-tuyo na. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tiisin ang lahat ng nangyayari.

Araw-araw, habang nakatingin ako sa buwan, isa lamang ang paulit-ulit kong ipinagdarasal.

I prayed that I should have died with my family.

Existence was pointless. I felt like I had to live just to suffer. And as days passed by, I felt weaker and weaker. Ilang araw na akong hindi kumakain dahil sumasakit ang tyan ko sa mga nakaraang kinain ko.

I sighed heavily as I wiped my tears from my eyes.

Muli kong naramdaman ang pagtapik ng isang matandang babae sa akin. Ang mahinhin niyang mga mata ang bumungad sa akin nang lingunin ko siya.

"Kumain ka na ba, hija?" tanong niya.

I was hesitant to answer, but I shook my head.

"Wala ka bang tirahan? Nasaan ang mga magulang mo?" I saw a glimmer of concern in her eyes.

I felt a firm grip around my chest as tears were streaming down my cheeks. A week had passed after the tragedy yet the pain I was experiencing remained intense.

Parang kahapon lang, yakap-yakap ko pa si Papa, nakikipag-asaran pa ako kay Kuya, at sabay-sabay pa kaming kumakain sa bahay.

"T-They... left me alone." I answered.

Pinalis ko ang mga luhang umagos sa aking mukha. It felt wrong to be crying in front of a total stranger.

"I'm sorry, hija," sabi ng matanda. "They certainly don't want their daughter to look like this, wherever they may be at the moment." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You looked like a mess."

"More than a mess." I clarified. Tumikhim ako at naglakas-loob magsalita. "Can you lend me some coins? Isang linggo na akong hindi kumakain."

"Do you want to come with us instead?"

Napatigil ako sa narinig. Ayaw kong maniwala. Sa ganitong kalagayan ko, hindi ba siya nandidiri sa akin?

"Malambot ang mahihigaan mo roon. Makakakain ka nang marami at maaayos mo ang sarili mo." She added.

I swallowed hard. For the first time since the tragedy, I was able to sketch a smile on my face, "P-Please... take me home."

Tita Zelda brought me to her house in Nolrich. Katabing bayan lamang ito ng Forwel at pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga tao rito.

BloodluneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon