Six

197 38 35
                                    

When we entered Micah's house, I only observed a few individuals sitting in the living room, and some of them were expressing their sympathies in front of Micah's coffin.

Nakasarado ang kaniyang kabaong marahil ay dahil sa pagkakataob ng kaniyang katawan sa lupa, kaya hindi na ipinakita ang kaniyang mukha.

Habang nakatingin kami roon ay lumapit sa amin ang isang babae. May katandaan na ang mukha nito at pumuputi na rin ang buhok. Namumugto mula sa pag-iyak ang kaniyang mga mata at kung hindi ako nagkakamali, siya ang ina ni Micah.

"P-Pasok po kayo," sabi niya at ngumiti sa akin.

Nang lumipat ang kaniyang tingin kay Karim, muling bumadya ang mga luha sa kaniyang mga mata. Lumapit siya upang yakapin ang lalaki.

"Wala n-na si Micah, Karim. Wala na a-ang anak ko," rinig kong iyak ng matanda.

My chest tightened from what I've heard. I've been in that situation as well, losing someone you've known your entire life. It was an awful thing to experience and it was an unexpected event for everyone.

Nag-iwan iyon ng sugat sa buhay ko na kahit kailan ay hindi gumaling.

"I'm sorry, Tita. I'm so sorry for what happened." Sabi ni Karim at marahang hinaplos ang likod ng matanda.

"She was hurting, Karim. She should h-have told me her problem. Hindi solusyon a-ang pagpapakamatay!"

Tita Priscilla, Micah's mother, continued to cry and I found myself hugging her after a while. Nagulat siya sa ginawa ko, ngunit kalaunan ay hinayaan niya akong yakapin siya at muli siyang napaiyak.

"Your daughter would not be happy to see you like this, Tita, wherever she may be right now," I said, recalling how Tita Zelda uttered those words to me when I was in despair for the same reason.

"A-Are you Micah's friend, hija?" Tanong niya nang humiwalay siya mula sa pagkakayakap.

Dahan-dahan akong tumango. "I was with her in the library this morning. Condolences, Tita,"

She smiled sadly at me. Her only idea was that her daughter had committed suicide. I was afraid to tell her that a vampire might be involved in the incident because I didn't have proof.

Makalipas ang ilang minuto ay lumapit kami sa kabaong ni Micah. As I stared at it, I felt my heart break into smaller pieces.

She was wearing her clothing this morning, but she was now inside a coffin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makaramdam ng init sa gilid ng mga mata ko.

Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Wala man lang akong nagawa para mailigtas siya. Pero alam kong kahit anong klaseng tulong ang ibigay ko, hindi ko siya matutulungan. Hindi ko kayang labanan ang isang bampira.

After a short while, the horse carrying the bier on which Micah's coffin will be placed later arrived at their residence.

Binigyan pa nang kaunting oras ang pamilya para magluksa sa labi ng anak bago inilipat ang kabaong sa bier at saka ito itinali sa kabayo.

Sa unahang kalesa sumakay ang pamilya ni Micah. Sumakay naman ang iba pang taong naroon sa mga kalesang nakahilera sa harap ng bahay. Ganoon din ang ginawa namin ni Karim.

When all of the horses began to move forward slowly, some people walked outside their houses to pay their respects to the dead by bowing their heads.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko man lang iyon naranasan noong sila Papa at Kuya ang namatay.

Not that I wanted to experience it totally.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nakikita ang mga labi ng katawan nila.

BloodluneDär berättelser lever. Upptäck nu