Three

276 56 25
                                    

Kinaumagahan ay katulad ng palaging nakagawian, nagtinda kami sa pamilihan. Wala si Evan ngayong umaga dahil pumunta siya sa Tavern upang mag-alay ng dugo, ngunit dahil saglit lang naman iyon ay baka darating na rin siya mamaya.

Kakaunti lamang ang mga tao sa pamilihan ngayon kumpara kahapon kaya medyo matumal ang benta. Sumapit na ang tanghali ngunit halos hindi man lang nabawasan ang aming mga paninda.

"Riyo, kumain ka na muna," sabi ni Tita Zelda nang mapansing nakatunganga lang ako sa kawalan.

Binalingan ko siya at tipid na ngumiti. "Sabay-sabay na tayo mamaya kapag dating ni Evan, Tita." Sagot ko.

She gave me a nod. "Our blood giving is scheduled tomorrow, Riyo. You and Evan should both rest tomorrow also. Sa susunod na araw na lang ulit tayo magtinda."

Dahan-dahan akong ngumuso sa sinabi niya. Inilibot ko ang aking mga mata sa mga gulay sa stall na hindi pa gaanong nababawasan.

"Paano ang mga ito, Tita? Masisira ang mga ito kapag hindi naitinda." Saad ko. "Kaya ko naman po bukas kung sakali, kapag naubos ay uuwi na rin ako." Suhestiyon ko.

"Ipapamigay na lang natin ang iba sa mga kapitbahay, Riyo, tapos si Evan na ang bahalang magluto sa iba."

Sumang-ayon na lamang ako sa sinabi niya. Malaking tulong na rin iyon sa mga kapitbahay namin dahil walang sakahan ang iba at tumutulong lamang sila sa pag-aani ng mga gulay sa sakahan ng pamilya. Napangiti ako.

I always admired Tita Zelda. She always carries a humble attitude which makes her endearing. She's always thoughtful about others.

Bumuntonghininga ako. Nilaro ko ang aking mga daliri habang sumasagi sa isipan ang nangyari kagabi.

I had to start my plan now.

But I'm not sure where to start or what I should do first.

I can't move recklessly. Lahat dapat ay nakaplano dahil hindi ako maaaring magkamali. I couldn't make the same mistake my father did the previous time.

Maybe... I should first learn about Lunacia's past. Sa ganoong paraan ay magkakaroon ako nang malawak na kaalaman tungkol sa isla at mapapabilis no'n ang lahat.

However, there is no information to be obtained here in Nolrich. If I am not mistaken, all books containing knowledge about the island are located in Luna City. Therefore, I must go there.

I groaned as I realized this was more difficult than I imagined.

Malayo ang Luna City sa Nolrich. Aabutin ng tatlong oras ang byahe papunta roon kung sasakay ng kalesa. Iyon lamang ang natatanging transportasyon sa isla.

Dahil hindi naman kami magtitinda bukas sa pamilihan ay plano kong bukas na lang pumunta.

It would not be my first time in Luna City. Pangalawa na. Noong una, kasama ko pa sina Rico at Papa.

I became anxious just thinking about coming there alone. But I had to be brave.

As the hours passed, some of our regular customers came here to buy. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kahit papaano ay nangalahati na ang mga paninda.

BloodluneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant