Two

422 88 40
                                    

Kaagad akong napabalikwas sa higaan habang hinahabol ang aking hininga. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo at ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

I glanced at the door of my room... but I saw nothing.

Was it just a bad dream? B-But... why did it feel strange? Why did it seem as though I was really speaking with my father directly?

With the small amount of moonlight filtering through the window, I stared at my reflection in the mirror in front of my bed.

My hair was dishevelled and I had beads of sweat hanging from my temples. I still had my mouth slightly open from catching my breath.

Pulang-pula ang aking mga mata na hindi ko mawari kung dahil ba sa pag-iyak o marahil ay galing sa pagkakaidlip.

I've observed over the past few weeks that my features have grown more mature. It gained courage and ferocity. Lalo na ang aking mga mata na saksi sa lahat ng nangyari sa buhay ko.

Sobrang dami nang nangyari. Sobrang bilis ng mga pangyayari. How I wish things could slow down for a while.

Bahagya akong nagulat nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Nang lumingon ako ay nakita ko si Evan na nagpipigil ng tawa.

"Para kang timang habang nakatitig sa salamin, Riyo," panloloko niya.

I composed myself before letting out a deep sigh. Blangko ko siyang nilingon.

"Bakit mo ako tinitingnan? May gusto ka ba sa akin?" balik ko.

Nakita ko kung paano umawang ang mga labi niya sa sinabi ko.

"Napaka-assumera mo talaga, Riyo!" Naiinis na sabi niya at saka ako tinalikuran. "Kakain na, bilisan mo!" Habol pa niya bago naglakad palayo.

Tipid akong napangiti at napailing dahil sobrang bilis niyang mapikon.

Bumuntong-hiningi muna ako bago tumayo at nag-ayos ng sarili. Dahil basa ng pawis ang katawan ko ay saglit akong nag-shower bago lumabas sa kwarto.

"Kumusta naman ang pagtitinda sa pamilihan, Riyo? Hindi ka ba napapagod?" Usisa ni Tita Zelda habang kumakain kami sa kusina.

Nilunok ko muna iyong nginunguya ko bago ngumiti sa kaniya. "Nasasanay na ako, Tita,"

"Oo nga naman, 'Ma. Mag-iisang buwan na rin si Riyo sa atin." Singit ni Evan.

"Mukha ngang mas malakas pa si Riyo kaysa sa binata natin, Zelda." Si Tito Julio.

Hindi ko napigilang tumawa nang malakas. Nang lingunin ko si Evan ay kasing pula na ng kamatis ang mukha niya.

"Nako, Tito, ganiyan lang si Evan pero malakas 'yan," sabi ko at nag-thumbs-up sa lalaki.

Our stories and laughter filled the entire home as we continued to eat. Dati, inaasam ko lang na maranasang makasabay kumaing muli ang aking pamilya.

This evening fulfilled it in some way, somehow.

Hearing them talk about me, themselves, and life, has impacted my heart deeply. Isang buwan ko pa lamang silang kasama ngunit parang matagal ko na silang nakilala.

In the midst of our talk, I managed to thank them for the first time.

"Thank you, Tita Zelda... Tito Julio... Evan." I said as I look at them one by one. "Noong oras na gusto ko nang sumuko at wakasan ang buhay ko, dumating kayo. You didn't judge me despite the fact that I was full of dirt and rubbish. You treated me like your own daughter. I am more than grateful."

Pinalis ko ang maiinit na luhang kumawala sa aking mga mata. Bahagya akong yumuko upang itago ang aking pag-iyak.

Suddenly, I felt a warm embrace behind me. When I looked up, I saw Tita Zelda, smiling. Tumayo rin si Evan at dumalo upang yakapin ako.

BloodluneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα