Five

241 46 23
                                    

The crowd of people dispersed gradually as the cops arrived at the area. They surveyed the crime scene silently and I remained standing near them. Pinanood ko kung paano nila nilinis ang pinangyarihan ng insidente na parang walang nangyari. Inilagay nila ang katawan ni Micah sa body bag at inilagay iyon sa loob ng sasakyan.

"According to the witnesses, it was a suicide." Rinig kong sabi ng isang officer sa kasama. "Nahulog sa fourth floor ng library,"

Umigting ang kamao ko sa naring. Hindi kayang gawin ni Micah ang akusasyon nila!

Mabigat ang naging paghakbang ko palapit sa kanila. Nang lingunin nila ako ay hindi ko maiwasang kabahan dahil sa paraan ng pagtitig nila sa akin.

"Officer, it wasn't a suicide,"

Kumunot ang kanilang noo sa tinuran ko.

"It was a suicide, woman. We have witnesses who saw the girl jump off the fourth floor." Sagot ng isa sa kanila.

Marahas akong umiling. Kahit kakakilala ko pa lamang kay Micah ay masasabi kong hinding-hindi niya kayang gawin ang sinasabi nila. Plus, the fact that I saw someone—a vampire—on the floor where Micah had fallen, their accusation seemed nonsense.

"I was at the scene, Officer. I saw a vampire on the fourth floor of the library. Her eyes were burning as hell. P-Parang... gusto niya rin akong saktan." Sabi ko at tiningnan sila nang nangungusap.

Natigilan ako nang humalakhak nang malakas ang isa sa kanila.

"Nasa Tavern ang mga bampira ngayong araw, Miss. Kung ano man iyong nakita mo, kalimutan mo na iyon."

Umigting ang panga ko.

"Imposibleng nagkamali ako ng nakita, Officer. That moment was very clear to me. The vampire was a woman. She was wearing a black coat and a cap. Her hair was long—"

"Miss, hindi totoo ang nakita mo. Let's not involve vampires in the death of your friend. Hindi lahat ng pagkamatay ng tao ay kailangang isisi sa kanila."

Hindi na ako muling nakasagot nang maglakad na sila palayo at nilisan ang lugar. I was left dumbfounded and senseless about everything.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay Micah. Kung totoo man na nagpakamatay siya, dahil saan?

I saw no signs that she wanted to take her own life. She was in danger, and she begged me to help her. But I didn't even do anything.

Muli kong naalala ang huli niyang sinabi sa akin.

"They're here, Riyo. K-Kailangan ko ng umalis. Madadamay ka kapag n-naabutan nilang kasama kita."

It was as if she wanted to escape from something which only she knew about.

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa library. Pagpasok ay napansin kong wala na ang mga nagbabasa sa unang palapag kanina. Marahil ay natakot sila sa nangyari.

Kaagad akong naglakad paakyat sa pangalawang palapag at dumiretso sa puwesto namin ni Micah kanina. Naroon pa rin iyong librong kinuha ko.

Dinampot ko iyon at ibinalik sa kung saan ko ito kinuha. Dahil nakwento naman na ni Micah ang tungkol sa librong iyon ay naghanap na lang din ako ng iba pang mababasa.

Tiningnan ko ang hilera ng mga libro kung saan ko kinuha iyong Fangs and Fury. There were three books there. The first spot was empty since it was the book I handed to Micah. The next were Crimson on Chaos, Tales of Twilight, and Shadows Over Sanctuary.

I had a gut feeling that these stories were connected because they were in a separate column from other books.

Gusto ko man itong basahin ay hindi ko naman alam kung nasaan na iyong librong kinuha ni Micah. It was on the crime scene, but as far as I remember, it wasn't covered with blood. Ang hindi ko lang sigurado ay kung pati yon ay kinuha ng mga pulis.

BloodluneWhere stories live. Discover now