Four

296 53 40
                                    

"'Ma, 'Pa, biro lang naman 'yon. Sorry na," malambing na saad ni Evan sa mga magulang. Ngumuso pa siya habang kinukuskos ang dalawang palad sa harap nila.

"Hindi magandang biro 'yon, Evan," seryosong sabi ni Tito Julio.

Napapailing na lamang siya sa tinuran ni Evan. Ganoon din si Tita Zelda na humihikbi pa rin hanggang ngayon dala ng nangyari.

Evan made me want to choke him to death earlier. Paano ba kasi, pagkagising ay ganoon ang sinabi niya sa amin. Iyon pala ay binibiro lamang kami. Kung hindi lamang siya nanggaling sa sakit ay paniguradong kanina ko pa siya nasuntok.

"Sorry na, 'Pa. Kahit pa siguro mabagok ang ulo ko, hinding-hindi ko kayo malilimutan." Bawi ng lalaki sa ama.

Hanggang ngayon ay naaasar pa rin ako sa ginawa niya. I believed him! I took his words seriously!

Nalungkot ako dahil doon at pakiramdam ko'y nawalan na akong muli ng Kuya, tapos nang nalaman kong binibiro niya lamang kami ay mabilis na nag-init ang ulo ko.

"Hindi maganda ang ginawa mo, Evan. You had no idea how worried we were! Tapos ganoon?" naiinis na sabi ko.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at pinandilatan ako ng mata.

"You're making it worse, Riyo!" Singhal niya.

Inirapan ko na lamang siya at pinanood kung paano niya lambingin ang magulang. His parents scolded him but after a while, they hugged and expressed their longing for him.

It was a very emotional scene. My eyes saw how much they adore each other.

Muli kong naalala ang aking pamilya. If only we could still be together now.

Later on, the doctors checked Evan's status. They stated he was well now and only needed to rest. Pwede na rin siyang ma-discharge ngayong araw.

"Riyo, sorry ha," sabi ni Evan sa akin habang kumakain kami.

I rolled my eyes at him.

"Ang mahalaga ay naaalala mo pa rin ang kagandahan ko." panunukso ko.

Natigilan siya sa pagnguya at napatitig sa akon kaya tumawa ako nang malakas.

Just like that, he's back to himself again.

Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos na kami ng mga gamit sa loob ng silid. Lumabas saglit si Tita Zelda upang magbayad ng mga bayarin ni Evan.

Ilang minuto pa kaming naghintay doon hanggang sa pinahintulutan nang umuwi si Evan. Kaagad kaming lumabas ng gusali.

It's nine in the morning and as usual, our ears were filled with the murmurs of humans and vampires when we got outside. Kumikislap ang matatayog na gusali ng syudad pati ang mga magagarang lamp post sa bawat kanto. This place was bright and shining, unlike in Nolrich and Forwel where it's naturally dark because of lack of light.

The family decided to return home because Evan needed to rest. During my stay here, I had thought that I intended to stay in the city to visit a library where I could find books about Lunacia.

Sa ganitong paraan ay makakahanap ako ng impormasyon na maaaring makatulong sa akin at sa mga plano ko.

"Uuwi rin ako mamayang gabi, Tita, Tito," paniniguro ko sa mag-asawa.

Laking tuwa ko nang pumayag sila sa sinabi ko. Ilang beses akong pinaalalahanan ni Evan na mag-iingat at huwag basta-basta magtiwala sa mga tao rito, lalo na dahil ito ang unang beses ko sa syudad.

Pinanood ko sila hanggang sa makaalis sila sakay ng kalesa. When I was all alone, I slowly got frightened because I didn't know what to do.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala naman akong alam sa lugar na ito.

BloodluneWhere stories live. Discover now