Seven

193 29 24
                                    

Nagising ako nang maramdaman ang sunod-sunod na pagsipa ng kung sino sa balikat ko. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang sariling nakahiga sa malamig na sahig at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang isang pamilyar na babae.

She was the vampire I saw on the fourth floor of the library. The one that I suspected to be involved with Micah's death.

What was she doing here?

"Eat or you'll starve," she said, pushing a tray of food towards me.

As the tray scraped the rough surface of the floor, water spilled from the glass and food from the plate scattered.

Napakuyom ang kamao ko sa ginawa niya. Pwede naman niyang iabot nang maayos iyon sa akin.

Despite my blurred vision, I tried to stand. But as I moved, a searing pain ripped through my body, particularly my waist where Karim had hit me.

"Nasaan si Karim?" I asked, my voice was seething with anger.

She smirked. Isiniklop niya ang kaniyang mga braso bago nagsalita.

"He was being rewarded for his hard work," she uttered with an eerie calmness.

"For what? For bringing me here?"

Magiliw siyang tumango.

"You made our work a lot easier, lady," she paused before a chuckle escaped her lips. "Finish your food before Karim gets here. You might get surprised by what he has to say later."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad siya papunta sa rehas na pintuan at marahan iyong isinarado.

I stood frozen as she quickly glanced at me with her bloodshoot eyes before disappearing into the darkness.

Unti-unting nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig habang nag-iinit ang aking mga mata.

Sa tulong ng kaunting liwanag na pumapasok sa maliit na bintana ng kulungang kinalalagyan ko, tiningnan ko ang aking sarili. Puno ng mga sugat at pasa ang aking balat.

Naaawa ako sa sarili ko.

What had he done to me?

Kumuyom ang kamao ko nang maalala kung paano niya ako trinato.

He hit me not just once, but twice. Malakas. Masakit. Parang hindi siya ang lalaking nakilala ko noong ginagawa niya sa akin iyon.

Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit kinamumuhian ni Papa ang mga bampira. Makasarili sila. Hindi sila lumalaban nang patas. Patuloy pa rin sila sa pagtratrato nang hindi tama sa aming mga tao.

I trusted Karim. I believed that he was different from other vampires, but I guessed they were all the same. His words were nothing but deceit.

Kung nandito lamang si Papa ay paniguradong pagagalitan niya na ako dahil sa katangahan ko.

Nang makaramdam ako ng gutom at pagkauhaw ay napatingin ako sa bandeha. Mayroong isang basong tubig doon at plato na naglalaman ng hindi pamilyar na pagkain. Ang ilang pirasong laman niyon ay natapon sa sahig dahil sa paraan nang pagtulak noong babae kanina.

Ininom ko ang tubig na naroon at hindi ginalaw ang pagkain na nasa plato.

I can't afford to be reckless with my decisions again, especially since it was a vampire who gave me that food. Who knows if that food has a poison?

Huminga ako nang malalim at muling nahiga sa malamig na sahig. Saglit akong napatulala sa kisame bago ko inilipat ang tingin sa kaharap na selda. Bakante iyon dahil walang tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BloodluneWhere stories live. Discover now