8

3.1K 169 12
                                    

Gulf's POV

"I don't know anymore and I don't care.. Please let me court you for real"..

He is very serious. Ito yung matagal ko ng gusto pero natatakot ako.

"Mew, why me? Madami naman iba jan. Hindi porket sinabi ko na gusto kita required ka na din magkagusto sa akin."

"Hindi ko din alam, bago pa tayo mag-usap kagabi nalilito na din ako sa feelings ko for you. Never ako nagkagusto sa lalaki. So help me" Seryosong sagot ni Mew.

"How can I help you?"

"Just let me like you okay. I'll prove it to you. Kaya itago mo na yan,dahil magla-lunch tayong dalawa."

Sinunod ko naman siya. This is an answered prayer for me.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa Cafe mo. Bring me there"

"Okay. Doon na tayo sa likod dumaan. Baka makita tayo nila Ohm" Baka ano na lang sabihin sa amin ng mga kaibigan niya.

"So ano kung makita? I told you I'm serious about you.. malalaman din nila eventually na nililigawan kita" Seryosong sagot ni Mew sa akin. Parang hindi siya yung Mew na kilala ko.

Hindi sa ayaw ko malaman nila pero parang too good to be true.

Sumunod lang ako sa kanya habang naglalakad at hindi nga ko nagkamali nakasalubong namin sila. Nakita ko yung mga ngiti nila. "Lunch lang kami" Paalam ni Mew sa kanila.

"Lakad lang tayo ha para matagal tayo magkasama?" Kung alam mo lang Mew yun din iniisip ko.

Nang dumating naman kami sa cafe,medyo madaming estudyante. Binati naman ako ng mga empleyado. Minsan lang ako pumupunta dito, pinsan ko kasi pinagma-manage ko.

Sinalubong niya ko. "Oh, hindi si Ohm kasama mo.. must be special..I know you.. you're Mew right?" Humarap naman sakin si Nine. "Boyfriend?"

Naunang sumagot si Mew. "Yes I'm Mew, not his boyfriend pero malapit na." Naramdaman ko namang namula pisngi ko sa sinabi niya. Ngumiti lang ang pinsan ko.

Umorder lang kami ng pasta and orange juice, kasi walang rice meals dito.

"Can you always reply to me?" He asked me.Bakit kasi siya nagtetext during class?

"Of course Mew, except if may class ako"

"Why? Ako nga pinalabas kanina dahil nagtetext ako sayo eh" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"You're really cute Gulf. Sorry, I said I will court you but I really can't wait. Pwede bang tayo na?" Why is he like this. Parang lumambot tuhod ko tapos parang may mga gumagalaw sa tiyan ko. Napakadiretso niya talaga magsalita.

"Mew,are you not afraid? Ano na lang sasabihin nila sayo?"

"As I said earlier, I don't care about others.I really love everything about you"

"This will be my first" Never akong nagkaroon ng boyfriend. Natatakot kasi ako baka lokohin lang ako.

"Trust me.. just say yes and I'll make you the happiest man on Earth" Pinipigilan ko yung kilig ko dito. Kagabi lang ng mag-usap kami tapos ngayon magiging kami na. "Say yes please?please"

"Yes" nahihiya kong sagot. I'll try if this will work, if not then it will be a lesson for me.

Nakita ko naman pano ngumiti si Mew. He looks so sincerely happy. "So tayo na ha?" Tanong niya pa ulit and I just nodded.

Nang pabalik kami ng campus,magkahawak lang kami ng kamay. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil hindi ako makapaniwala. Hinatid niya pa ko sa classroom kaya medyo agaw pansin. Siguro iniisip nila bakit kami magkasama. Pero nakikita ko naman na wala talagang pakialam si Mew sa iniisip ng iba. Nang nakaalis na siya,nagtext siya agad.

M: you don't know how much you made me happy.

I just replied.

G: same feeling here. Now focus on your class 😊

Nagstart na yung class namin pero nararamdaman ko pa rin yung phone ko na maya maya nagva-vibrate. Natatawa na lang ako sa isip ko. Ang kulit niya talaga.

Pagkababa ko pa lang ng building, nakita ko na silang apat na nakatambay.

Lumapit agad sa akin si Ohm.

"Ano samahan ba kita?" Tanong ni Ohm sa akin. Usapan kasi namin nakaraan na may bibilhin ako sa grocery ngayon.

"Saan yan dude?" Si Boun yung nagtanong

"Mall." Maikling sagot ni Ohm.

Nakita ko naman nakasimangot yung boyfriend ko. Kahit sa isip ko ata hindi pa rin ako makapaniwala.

"No, ako sasama sa boyfriend ko"

Nakita ko naman yung gulat nila. Hindi ko rin akalain na masasabi niya yun na parang wala lang. Walang nakapagsalita sa amin.

"Why? What's wrong? May mali ba kong sinabi?...Gulf sabihin mo sa kanila"

Sobrang nahihiya ako. "Ohm,samahan na muna ako ni Mew this time" mahina kong sabi.

"Anong this time baby? Ako na palagi kasama mo starting now"

Wala talaga siyang filter, kung ano nararamdaman niya nasasabi niya ng diretsahan.

Tumatawa naman si Ohm ng tiningnan ko siya.

Hinawakan ako ni Mew sa kamay. Nagpaalam siya sa kanila tapos dumiretso kami sa parking.

"Bakit ang lamig ng kamay mo baby?"

"Wait Mew, its really awkward to call me baby you know?" Hindi ako sanay pero parang gusto ko pag tinatawag niya ko nito.

"But I like it,ayaw mo ba?"

"Hindi lang ako sanay. Sorry"

"Sasanayin kita. Okay? Ako bahala"

Ngayon ko lang narealize na mahilig si Mew makipag holding hands. Habang naggrocery kami ng mga ingredients ko for baking, hindi niya binibitawan kamay ko. Ang dami tuloy tumitingin sa amin especially sa kanya.

"Stop blushing, you're making me fall for you more" Then he kissed me on the cheek.

"Mew, maraming tao"

"I don't care baby...after this sasama ako sa bahay niyo. Okay?"

This is too fast for me. I just hope we're doing the right thing.

My Sweet Gulf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon