12

2.5K 159 4
                                    

Mew's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Sobrang galit ni daddy ng inamin ko sa kanyang may boyfriend ako. Akala nila nagloloko lang ako,  pero ng pinakita ko na picture namin ni Gulf ilang beses ako nasikmurahan ni daddy. Siyempre hindi niya ko tatamaan sa mukha, masisira kasi pangalan niya kapag nalaman ng tao na nananakit siya ng anak. Pinipigilan na lang siya ni mommy.

Dalawang araw na lang dadalhin ko na dito si Gulf para ipakilala kaya dapat mapilit ko na si daddy na tanggapin na may boyfriend ako. Alam kong hindi pumasok sa isipan ni dad na magkakaganito ako, kahit na ako, pero ng dumating si Gulf naalog talaga mundo ko. Para bang siya na naging sentro nito na dapat palagi ko siya nakikita. Isa siya sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Alam ko na kapag ipinakilala ko si Gulf sa kanila maiintindihan nila bakit nagbago pananaw ko. Sana lang wag nila pagsalitaan si Gulf ng masama, kasi magkakagulo talaga kami.

Hinayaan ko lang si daddy na saktan ako kung kapalit nito yung pagtanggap sa amin.

Sa sobrang bait ni Gulf, baka pag nalaman niyang nagkakagulo kami sa bahay dahil sa relasyon naming dalawa sigurado akong pipiliin niya na makipaghiwalay.

Tinitingnan ko picture naming dalawa sa phone ko. I'll do everything for this guy.

~~~~~~

Nandito kami sa classroom namin dahil vacant namin ngayon. Naghihintay na lang kami ng afternoon class namin. Itetext ko naman sana si Gulf ng bigla ko siyang nakita sa labas ng room namin. Ngayon niya lang ako pinunantahan dito.Madalas ako pumupunta sa kanya.

"Bakit baby? May problema ba?" Bungad ko sa kanya sa labas.

"Uhm, nalowbat kasi ako,baka itext mo ko. I forgot my powerbank." Ang sweet talaga ng boses niya. Mas lalo akong naiinlove.

Sinabi niya din na wala siyang class kaya sinabihan ko siya na dito muna sa room namin tumambay. Halatang nahihiya siya sa mga classmates ko.

"Don't mind them baby.just focus on me" hinila ko naman siya para umupo sa lap ko.

"Hey,wag dito" Nakita ko na naman na namumula siya.

"Wala silang pakialam baby" Mas yinakap ko pa siya para di siya makatayo. "Ang gaan mo"

Ayaw niya na magsalita kasi nahihiya siya. I just let him sit on my lap.

Pinahiram ko siya ng powerbank kaya ginagamit niya na lang phone niya. Hindi siya tumitingin sa mga classmates ko.

"Baby tuloy ba tayo sa weekend sa bahay niyo?" Tanong niya sa akin.

"Tuloy tayo. Ako bahala" Kung alam niya lang gaano karaming pasa inabot ko kay dad.

Kapag hindi sila pumayag,ipipilit ko pa rin hanggang sa tanggapin nila.

"I'm scared, paano kapag ayaw nila sa akin?"

"Baby trust me, lahat ng mabibigyan ng chance na makilala ka  magugustuhan ka so don't worry.. kung ayaw nila sayo eh di wala sila magagawa kasi gusto kita. Ako pa rin masusunod, so put your hundred percent trust in me. Ok?"

"Okay. I'll try"

~~~~
Pagdating sa bahay kinausap ko ulit si dad.

"Dad I'll bring him here. Be the judge. I know you'll like him for sure. "

"Yes maybe I'll like him but it doesn't mean that I'll like him for you. You're just confused son. Wake up."

"I'm really sure about this dad. You can beat me all you want but please don't ever try talking to him rudely. Hindi ako sigurado kung matitiis ko pa." Pagkasabi ko nun ay umakyat na ako ulit ng kwarto.
~~~~
Sumunod na araw ..

Lunch break ng may maramdaman kong yumakap sa akin mula sa likod. Amoy pa lang alam ko na. Sobrang bango. Sobrang lakas ng pagkayakap niya sa akin na tinamaan yung pinaka malaking pasa ko.

"Ouch!" Bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"What happened baby. Did I hurt you?"
Bakas sa kanya yung pag-alala.

"Masakit lang tiyan ko. Nalipasan ata ng gutom" Napa-aray naman ako  ng hinampas niya ulit yung tiyan ko.

"See? Your lying." Nagulat ako ng tinaas niya shirt ko sa loob ng cafeteria. "What happened to that?" Hindi ko alam pano sasabihin sa kanya baka kasi matakot siya kay dad. "Don't dare lie."

"Si daddy babe, nagalit siya. He told me na confused lang ako. Pero don't worry okay lang ako."

"I'm not okay with this."

"I know kaya ayaw ko sabihin, at alam ko pag nakilala ka nila mababago din tingin nila satin. Matatanggap din tayo"

He hugged me tightly. So sweet. Tapos chineck niya ulit mga pasa ko

"See baby? Isang yakap lang okay na ko ulit." Hinihintay ko naman ibaba niya yung shirt ko.

"Baby pwede pababa na?marami ng nakatingin"

Bigla niya naman tinakpan mata niya. So ngayon niya lang narealize kung ano yung kanina niya pa tinitingnan at kinakapa.

"Nakakahiya baby baka sabihin nila manyak ako"

Natawa naman ako. How can this guy be so hot and cute at the same time.

My Sweet Gulf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon