Chapter 4

95.8K 4.9K 5.6K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet about this story so that I could see it. Thank you!

Chapter 4

Greenhouse

Jax Pereira: Sorry, ang kulit ni Theo!

Naningkit ang mga mata ko sa sunod niyang chat sa akin. Ah, so, kasama niya pala si Theo kaya ganoon...

I immediately sent Theo a chat dahil ang dami niyang alam!

Cali Gonzalez: Dami mong alam, Theodore Galenn!!!

Nagawa naman namin ni Jax iyong assignment kahit medyo nagyayabangan kami kung sino sa amin ang mas magaling. Well, ako 'yon!

Patulog na sana ako nang makatanggap ng chat from Theo.

Theo Monforte: Been reading consti all evening here in my room. Anyare?

What? Ano ba talaga? Akala ko ba magkasama sila ni Jax? Ang gulo! Bahala sila riyan!

The next day, may announcement daw si Prof. Somero kaya maaga niya kaming pinapapunta sa class.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ni Xuri kay Gelo.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa Class A office.

"Oo nga!" si Cat iyon.

"Eh, kasi naman 'yong kapatid ko! Nag-send ba naman ng isang buong listahan ng mga pogi sa Garnet! Ang dami! Eh, syempre nilalaban ko ang Sapphire, kaya ito nag-lilista rin ako!" sagot ni Gelo.

Natawa naman kami nina Xuri at Cat.

"May Kairon ba riyan?" biro ko pa.

Nanlaki ang mga mata ni Gelo. "Oo, siz! Ano ka ba? Number 1 pa nga, eh!"

Natawa naman ako roon. Magmamayabang na naman 'yan si Kuya! Gusto laging escort siya, eh!

"Sino ang ilalagay mong Number 1 dito sa 'tin?" tanong pa ni Xuri.

"Kaya nga ako nahihirapan! 'Di ko alam kung si Theo, Grant, Chance, o Jax ba!" saad ni Gelo.

I rolled my eyes. "Naku, ilagay mo sa last 'yong Jaxith!" sabi ko pa.

Pati sa pogi list number 1 din siya? Aba! Sinusuwerte!

And speaking of Kuya Kairon, he's calling me now! Agad ko naman sinagot iyon.

"Good morning, Cali!" masayang bati niya na akala mo'y kung sinong nanalo sa lotto?

"Good morning, Kuya! Why are you so happy?" I asked him.

"Well, I got the Servitoare that I like," aniya at agad naningkit ang mga mata ko.

I already knew about the practice of having Servitoares in their academy, what's new to me is him liking someone!

"You like? As in like?!" I asked. He never liked anyone!

"N-No! I don't like her!" giit pa niya at natawa na lang ako roon. At least it's not Stephanie!

"Kuya, I heard you're the pogiest there..." I said and alam ko na agad na magyayabang siya.

"Wow? Really? Well, alam ko naman..." aniya kaya naman natawa ako.

"So mayabang! Alam mo rin ba na dapat Prutensyo Edgar ang pangalan mo?" Mas lalo akong natawa nang maalala ang kwento ni Daddy. Si Grandma kasi ang lala raw magbigay ng mga pangalan! Kairon Pierce who?

Hindi pa rin matanggap ni Kuya hanggang ngayon kaya naman laging nagtatampo pag pinapaala iyon. Akala mo talaga ipinangalan sa kanya, eh!

"Good Morning, Class!" bati ni Prof. Somero. "Before we start, I'd like to announce who will be our Master Sergeant this semester... Congratulations, Mr. Pereira!"

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon