Chapter 31

70.6K 3.9K 11.3K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet/post about this story. You may also tag me @cailameneses on twitter and instagram.

Chapter 31

Stage

"Oh... Here's my friend. You may go na," I told Jax.

"Lah! Kaibigan mo 'yan?" naguguluhang tanong ni Jax. Gulat na gulat pa rin siya.

Hindi ako umimik at sinubukan nang tumayo pero nang makaramdam ng sakit ay agad din akong napaupo.

Jax and Grant both rushed to help me.

"Hey," Grant held my shoulder for balance.

Jax held my arm. "Okay ka lang?"

Hindi ko siya pinansin at hinila paalis iyong braso kong hawak niya. Humarap ako kay Grant. "Let's go to the Pad."

Inalalayan ako ni Grant para makatayo ng maayos. He draped his arm around my shoulder.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang inatake si Jax ng ubo pero hindi ko na siya pinansin pa. Nasa clinic naman na kami, he should make hingi some medicine na lang there!

I held onto Grant's waist for support. Inaalalayan ako ni Grant pero nahihirapan pa rin ako. Ang sakit talaga ng paa ko! The nurse told me that the swelling will heal by tomorrow, sana nga dahil Sophomore Party bukas!

Cartoon characters ang theme ng party. The Star Sapphire Class decided na Spongebob iyong amin. Si Gelo na ang bahala sa costumes. He said that he will bring it by tomorrow.

"Hindi mo ba ako bubuhatin?" I asked bato.

Jax carried me... He can carry me to, right? My foot really hurts!

"Feeling mo magaan ka?"

I glared at him. Injured na nga ako, ganyan pa rin iyong bunganga niya!

"I am magaan!" giit ko.

"Tss," aniya at binitawan ako saglit. Lubos ang pagtataka ko no'ng lumapit siya sa isang Janitor. Ano ba ang gagawin niya?

Ilang saglit lang ay bumalik na siya at may hila-hilang push cart na para sa mga mineral water. Oh my God. And what is he gonna do with that?!

"Sakay," Grant said.

Agad na nanlaki ang mga mata ko roon. "What? Where?!"

Tinuro niya iyong push cart na dala niya kaya agad akong napailing.

"But it's dirty!" sabi ko.

At saka nakakahiya naman ata na sumakay doon? My gosh naman, Grant Saavedra!

"Arte pa," aniya at biglang may hinugot na basahan galing sa bulsa niya.

Umuwang ang bibig ko roon. "Are you serious? Do you always bring basahan with you?"

Lagi siyang may dalang rug tuwing magkasama kami! Tuwang-tuwa ba siya sa basahan at lagi siyang meron? I can't believe him!

Grant vowed down to wipe all the dirt on the push cart.

"Nagdala ako, just in case na umiiyak ka sa clinic."

Napahinto ako roon at walang masabi. Tinulungan niya akong makaupo sa push cart.

Tahimik lang kami pareho at walang umiimik. Nakakahiya pa kasi pinagtitinginan kami ng ibang students! My gosh talaga!

"You should've carried me instead!" reklamo ko. Hindi naman ako mabigat! "Kaya nga ako ni Jax." bukong ko pa.

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon