Chapter 6

83.8K 4.5K 7.1K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet about this story. You may also tag me @cailameneses

Chapter 6

Ballroom

Pinatay ko ang phone ko sa inis. Sisimulan ko na lang itong project at napagdesisyunang 'wag nang magpaturo sa ulupong na 'yun.

Magtatanong na lang ako sa mga classmates ko tomorrow kung tama ba iyong ginagawa ko. Basta 'wag lang sa Jax na 'yon! Magsama sila ng Claire niya for all I care! Kahit magpaabot pa sila ng curfew hours!

Hindi na rin ako kumain dahil nawalan na ako ng gana. Nai-stress talaga ako sa project na 'to!

Hanggang sa pagtulog ay dala-dala ko ang pagkainis, ayan tuloy at napanaginipan ko pa! Gosh! I hate sunflowers from now on!

Buo ang loob ko na hindi pansinin si Jax ngayong araw. Sa totoo lang ay naguguluhan din ako sa sarili. Am I mad because of Claire? Dahil inuna siya ni Jax? Dahil tinuruan din siya? Hindi ko talaga alam sa akin. Basta kaaway ko si Claire at ngayon ay si Jax na rin!

Binuksan ko ang phone ko. Pinatay ko nga pala iyon kagabi. Agad nagsidatingan ang sangkatutak na notifications.

Messenger:

Cat Andrade: Dinner time na, Cali! Dami desserts ngayon! Nasa room ka pa?

Xuri Ocampo: Nandito na kaming lahat sa dining hall, teh! Kayo na lang ni Jax ang wala. Tara na!

Gelo Tan: Kainan na, sis! Kaso si Xuri iba ata ang gustong kainin, nag-omegle ang gaga!

Umuwang ang bibig ko. Si Xuri talaga! Naku, naalala ko tuloy nang mahuli ni Ate Ariyah na nag-omegle si Kuya Kairon at Kuya Shawn. May kausap silang foreigner na naka-bra lang! Gosh!

Nang makita ang maraming messages ni Jax ay parang bumilis ang tibok ng puso ko.

Jax Pereira: I've waited for 2 hours. Saan ka? Nalimutan mo? :(

Jax Pereira: Di ka kumain?

Jax Pereira: Okay ka lang, Cal?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Agad kong binatawan ang phone ko at ilang beses na huminga ng malalim.

I rolled my eyes. Neknek mo, Jaxith!

Pag bukas ko ng pintuan ay halos atakihin ako sa gulat nang bumungad siya sa akin. Tila ba matagal na siyang nandoon at inaantay ako. Agad akong nag-iwas ng tingin at naglakad na palayo.

"Cali!" Jax called but I did not stop.

Agad naman din siyang nakahabol dahil ang laki ng mga hakbang niya kumpara sa akin.

"Okay ka lang? May problema ka ba?" magkasunod iyong tanong niya.

Para hindi na siya mangulit ay umiling ako. "Wala."

What would I say anyway? That I felt bad? Well, news flash, Cali! You are not his responsibility!

"Tayo, may problema ba tayo?"

Napatigil ako roon sa tanong ni Jaxith.

"Wala namang tayo!" sabi ko at mas binilisan pa ang lakad dahil naiinis na naman ako.

I just really hope na may mall din here sa campus kasi kumakalma talaga ako tuwing nag-shoshopping. Lagi akong inaasar ni Kuya na spoiled daw ako, eh isa rin naman siya sa nang-iispoiled sa akin. How dare him?

Naiinis na ako pero parang si Jax ay nagpipigil lang ng tawa sa gilid ko. "Bakit? Gusto mo bang magkaroon?"

Ang kapal! Ang kapal kapal niya!

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon