15 // Doctor Daisy is In

637 52 71
                                    

Doctor Daisy is In

"Say maganda, yes, yes correct... si Snook—oh, don't you dare camouflaging on me now! Cornelia!"

Kahit nag-iba na ang kulay ng butiking 'to ay nakita ko pa ring dumila siya at inikot ang ulo sa kabilang banda. Wow ang sassy, ha?

"What are you doing?" asked Archer.

Nilingon ko siya. I hadn't noticed he entered the shop. I forgot he had a tendency to turn into a sneaky prince during lunch hours.

"Ah, tinuturuan kong mag-Tagalog si Cornelia," sagot ko.

"I think it's Nelia—"

"Ep ep ep!" I held up my index finger. With my eyes proudly closed and chin high up, I formally announced, "It is Cornelia now."

Pagkamulat ko ay wala na siya sa harap ko. Where has he gone to? Napahaplos ako sa tuktok ng ulo ko habang nagtataka. But then, I heard a distant sneezing and nose blowing.

Lumakad ako nang tahimik para silipin iyong gawi ng restroom. Nakaawang ang pinto at naroon nga siya sa loob. Nagtakip ako ng bibig. Was Archer sick? Hala!

"Hi, blooming morning!" bati ng bagong dating na customer sa shop.

"A blooming morning to you, too, Mrs. Danner!" I greeted back with a smile. Umayos ako ng postura. Nag-alangan pa ako kung saan tutungo nang marinig kong nahihirapang umubo si Archer.

I know he wasn't exactly dying, but...

"What's our occasion for today, Mrs. Danner?" I started for a casual chit-chat.

"Mrs. Danner, hi! Good morning!" natatarantang bati ni flower boss na siyang kalalabas lang mula sa cold room. "You're very early today."

Humalakhak si lady ma'am customer. Lumapit si Auntie sa amin at cue ko na ito para sumibat. Marahan akong naglakad paatras, ngunit nakangiti pa rin. When Auntie fully took over the conversation ay tinakbo ko na si Archer.

Saktong kalalabas lang niya ng restroom at nagpupunas ng mukha niyang bagong hilamos.

"Uy, okay ka lang ba?" nakangiwi kong tanong. Namumula ang ilong niya at ang magkabila niyang pisngi.

"Yeah, no. I shouldn't have gone here. Sorry," nakatungo niyang sabi habang inaayos ang cuffs sa braso niya. He truly looked sorry kaya't lumapit ako para tulungan siyang ayusin iyon. He seemed groggy, he couldn't do it properly.

"I don't think you should go near me, Snooks," nanghihina niyang sabi, pero hinayaan naman akong ayusin ang cuffs niya. Gusto rin! Yieee.

"Ayaw ko ng Snooks, ang gusto kong tinatawag mo sa 'kin ay Snooki," mahinhin kong reklamo kasabay ang pagnguso. "Kabila."

He stretched out his other arm as he chuckled. "Pwede ko bang malaman kung bakit?"

Napakagat ako ng labi. Dahil sa sipon ay nag-iba ang timbre ng boses niya, ngunit kinilabutan pa rin ako roon. Ang lalim kasi. Gusto ko na namang mahulog!

"Snooks is for friends and family only," I answered. Tinapos ko ang pag-aayos ng sleeves ng polo niya, then he's back to the Sir Archer that I always wanted to softly bite. Rawr!

"Am I not your friend?" nagtataka niyang tanong. Mas lumala ang pagkapula ng pisngi niya. Umiwas siya ng tingin nang makita ang mapang-asar kong ngiti.

"Ano ka ba! Friends naman!" Hindi ko na kinaya ang pagpipigil ng hagikhik. Tinampal ko na naman ang braso niya at saka nagpa-sway-sway ng katawan. "Pero ayaw ko ng hanggang friends lang."

Something That GlittersWhere stories live. Discover now