18 // A Whiff of Forever

570 44 104
                                    

A Whiff of Forever

"Tonette, buti pa iyong mga halaman mo sagana sa dilig, ikaw hindi."

Wala ako sa sarili habang pinapanood ko siyang magdilig ng mga bagong-lagay na halaman dito sa rooftop.

"Ikaw bata ka!"

Humihip ang hangin at lalo lang akong inantok. Humikab ako habang nakatingin sa malalayong buildings, tapos nagtanong pa ako ng isa kay Auntie.

"Auntie, minsan ka na po bang nalungkot na mas angat pa iyong mga halaman dito kaysa sa bulaklak po ng pagkatao n'yo?"

Hihikab pa sana ako ulit, pero nakita kong hahagarin na ako ni Auntie habang may hawak na gardening scissors. What?! The last time I checked, she was holding a watering pot!

My eyes widened as I prepped to run. I should remind myself again later not to mess with an old maiden whose flower was close to being withered.

Ginawa kong panangga ang braso ko nang maabutan ako ni Auntie. Damn, for an old lady she sure ran fast!

"Joke lang po! Syempre sasagana na 'yan sa dilig, nandyan na po si Uncle Be—aw!"

Kinurot ni Auntie ang singit ko, napatalon tuloy ako. "Gusto ko pang magkaanak with Archer, Auntie!" I bawled. Buti hindi iyong gunting ang ginamit!

"Eh, gusto ba niyang magkaanak sa iyo?" balik na tanong ni Auntie. Ah, ganyan, magsasakitan tayo, Tonette?

Pumangibabaw ang power at confidence sa 'kin kaya't ginantihan ko ng kurot sa singit si Auntie. Pero very subtle lang, kasi may hawak pa rin siyang gunting.

Napatalon nang paatras si Auntie at 'di ko na napigilan ang tawa ko. "Pick someone your age, man!"

Umismid lang si Auntie at saka bumalik sa pagdidilig ng halaman. I walked beside her after a while, when I was sure she won't bite me anymore. I fixed her messed-up hair caused by a strong puff of wind.

Apparently bored, we're here because Tonette figured she wanted to water her rooftop plants while we waited for Archer. Siya kasi ang maghahatid kay Auntie sa zumba, e maagang nakapag-ready si Auntie kaya ngayon ay naghihintay na lang kami. Sasama ako sa paghatid, so that after we dropped Auntie off at the studio, I'd be alone with Archer. See, naisip ko 'yan kasi lalandi ako. Char!

Nakarinig ako ng busina, kaya in-assume ko na si Archer na 'yon. Dumungaw ako sa railings para tingnan. Nandoon nga siya sa baba. Nakasandal sa itim na sasakyan habang nakatungo sa phone niya.

I squealed and jumped a little as I turned to my motherflower boss.

"Let's go, Auntie! Nasa baba na po ang aking makisig na tagahanga," I said, then I flipped my hair with my eyes closed and my lips formed into a smirk.

"Snooki, ako ang ihahatid ni Archer. Ako ang sadya niya rito," pambabasag ni motherflower. Gusto yata talaga ni Auntie na magkasakitan kami ng feelings!

My shoulders reflexively slumped. Nakangiwi ako at tinatamad na nagmulat. Tapos ginaya ko ang sinabi niya, "Ako ang sadya niya rito. Nye nye nye."

Umiling si Auntie. Nagtanggal na siya ng apron at saka kinuha ang bag niya. Humabol ako sa kanya bago siya makapasok sa loob ng building. I hooked my arms on hers, then I inclined my head on her shoulder.

Ngumuso ako at nagreklamo, "Wala naman po sanang sapawan, Antonette. Sa 'yo na nga po 'yong tiyuhin, e."

Hindi napigilan ni Auntie na mangiti kasabay ang irap. Hinampas niya ang puwet ko habang bumababa kami sa hagdan. Hindi tuloy nawala ang mahaba kong nguso. Kasi bakit ako napalo, e umiibig lang naman ang aking puso?

Something That GlittersWhere stories live. Discover now