Albay 17

47 9 0
                                    

Cheat

Kabang-kaba ako nang pumasok si Manang dahil baka ang tangang si Joaquin ay lumikha ng ingay sa loob ng closet ko.

"Sinong kausap mo, hija?" Tanong sa akin ni Manang at luminga-linga pa sa paligid ng kwarto ko.

"W-wala po, Manang" I tried to act normal and calm but it didn't work.

"Ayos ka lang ba, hija?" Kunot noong tanong sa akin ni Manang at lumapit pa.

"Opo ayos lang po ako" Sagot ko at nilingon ang pintuan ng closet ko.

Binaba ni Manang ng bahagya ang kanyang salamin at nilapit ang mukha sa akin upang suriin ang aking itsura.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at nakakatakot ang kanyang mga tingin, tila ba binabasa niya rin ang aking isipan at tinitignan kung saan ako nakatingin.

Joaquin! You stupid! Mapapagalitan tayo nito kapag nahuli tayo! Maakusahan ka pa ng trespassing! Ugh!

"Hmm..." Ani Manang kaya mas lalo akong kinabahan, ano na naman ang tinitignan ni Manang sa aking mukha?

"May isang tigyawat ka sa taas ng iyong kilay at tatlong lalabas palang sa bandang ilong, baba at pisngi" Aniya at umalis na sa aking harapan.

What? She looked at my pimples? That's all? That's what she's staring at? God! I was about to passed out because of nervous and that's it? She just noticed these damn pimples? Manang?

Nag-ikot-ikot siya sa loob ng aking kwarto at binuksan isa-isa ang mga pinto rito maging ang sa kasilyas at sa aking mga aparador.

Napakagat ako ng labi lalo na nang naglalakad na siya patungo sa pinto ng aking walk-in closet kung nasaan ang baliw na si Joaquin.

"Manang!" Pigil ko kaya't napalingon siya sa akin habang hawak ang doorknob.

"Huwag niyo pong bubuksan! May ano po dyan!" Hindi ko na alam ang isusunod ko, shuta! Naubusan na ako ng salita.

"May ano, hija?" Tinaasan ako ng kilay ni Manang, anong sasabihin ko? Anong idadahilan ko?

"May p-patay na d-daga po d-dyan... mabaho po kaya huwag niyong bubuksan" Nauutal kong sabi at tinuro ang aking closet.

"Ganon ba? Sige, ipapalinis ko na lamang" Aniya at binitawan na ang doorknob.

Kabado bente ako dahil akala ko ay bubuksan pa rin ni Manang ang pintuan at yari ako kapag tumambad doon si Joaquin.

"Matulog ka na at may klase ka pa bukas, tapos na maghapunan ang iyong pamilya... maiwan na kita" Aniya at lumabas sa aking kwarto.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag na parang nabunutan ng tinik, panay-panay ang aking buntong hininga dahil sa kaba kanina, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nakita ni Manang si Joaquin at malaman nila Papa na nandito siya sa aking kwarto.

Nagmamadali akong binuksan ang aking walk-in closet at natigil nang makita ko ng bukas na ang mga ilaw at nandoon si Joaquin na nakatayo sa tapat ng aking drawer at may nakasabit sa kanyang dalawang hintuturo na isang panty at bra ng aking bikini! At ang kupal ay parang tinitimbang pa ang swimsuit ko!

"God damn it Joaquin! Walang hiya ka talaga! Akin na 'yan!" Sabay hablot ko sa aking bikini at tinago sa drawer nito.

"Pati ang walang kamalay-malay kong panty at bra pagnanaasan mo! Mahiya ka nga, Uno!" Singhap ko at tinukod ang aking kanang kamay sa aking Vanity mirror.

"I got bored" He shrugged and wandered around my closet.

Ang walanghiya ay pinasadahan pa ng kanyang mga daliri ang aking mga dress na nasa isang mamahaling white and gold cabinet.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon