Albay 37

56 6 0
                                    

(Stay by Cueshe) The best to read this chapter with this song!

Stay

"Ingrata!" Hinila ko ang buhok ni Kate palayo kay Joaquin, nag-aalab ang galit sa aking buong katawan, para akong kumukulong takure.

"You bitch!" Malutong kong mura at ibinalibag siya sa balde ng mga inipong tae ng kabayo.

"Malandi ka! Haliparot! Walanghiya!" Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kanyang buhok.

Wala akong ibang nararamdam kundi ang galit at pagkamuhi. Kung ipinagtanggol ko siya noon sa pamilya ko ngayon hindi ko na siya hahayaan na mang-ahas pa sa loob ng pamamahay namin.

"Wala kang utang na loob, ungrateful bitch! Binigyan kita ng matitirhan at trabaho tapos eto ang gagawin mo?!" Hinila ko ang kanyang buhok at inilampaso ang kanyang mukha sa sahig.

"Chantelle!" Sigaw ni Joaquin at hinawakan ang aking braso para pigilan pero kinagat ko ang kanyang kamay.

"Aray!" Daing niya at napabitaw sa aking braso.

"Isa kang hangal! Isa kang hampaslupa!" Malutong kong sabi at natawa sa mukha niyang may bahid ng tae ng kabayo.

"Masaya ba? Masaya mang-ahas sa loob ng teritoryo ko? Enjoy mo ba masyado?" Sarcastic kong sabi sa kanya at pinigilang i-umpog ang kanyang mukha sa kahoy ng kwadra.

"Aray! Aray tama na Chantelle!" Sigaw ni Kate at tinatanggal ang aking kamay na todo kapit sa kanyang buhok.

"Chantelle ano ba!" Sigaw ni Joaquin at akmang lalapit sa akin pero agad kong dinampot ang isang mahaba at matulis na horseshoe nail at tinutok kay Joaquin.

"Subukan mong lumapit mauuna kang mamamatay kaysa dito sa pinakamamahal mong kaibigan!" Sigaw ko at pinanlakihan siya ng mata.

"Chantelle!" Mahinahon niyang banggit sa aking pangalan at akmang papalapit muli sa akin.

Binato ko ang pako ng sapatos ng kabayo sa kung saan basta ayaw kong makapatay ng hindi oras. Hinawakan ko ang leeg ni Kate at sinandal sa isang pintuan ng kwadra kaya na gulantang ang kabayo na nasa loob.

"Kaibigan ba ang tawag sa naghahalikan!" Umalingawngaw sa buong kabalyerisa ang sigaw ko. Bakas na bakas ang galit at sakit sa tono ng aking boses at ekspresyon ng mukha.

"Joaquin ano 'yon?" Nanghihina kong tanong sa kanya habang hawak pa rin sa leeg si Kate.

"Bitawan mo muna si Kate!" Aniya pero mas hinigpitan ko ang sakal sa Kate niya.

"Bakit kayo naghalikan!" I desperately shouted.

"Bitawan mo muna siya!" Aniya at hinigit si Kate papunta sa kanyang likod.

Nanghihina ang aking buong katawan kaya madaling nahigit ni Joaquin si Kate na umiiyak ngayon mula sa akin.

"Sabi mo magtiwala ako kaya nagtiwala ako! Araw-araw nababawasan ang tiwala ko sa'yo pero nananalig pa rin ako na ako pa rin ang mahal mo! Pero bakit--" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bumubuhos lahat ng luha ko na kanina pa kumakawala.

"Pinatunayan mo lang sa akin ngayon na hindi ka naiiba kay Inigo" Pinunasan ko ang aking mga luha.

"Kayong dalawa niloko niyo ako! Nakipaghalikan kayo sa mga babae niyo habang ako nagtitiwala nang husto!" Sunod-sunod ang aking paghinga dahil sa sakit ng aking nararamdaman.

Tinataga ang aking puso sa mga nangyayari, panay ang aking hikbi at tila mapupunit na ang aking puso sa sobrang sakit, bawat parte nito ay pinipiga at hindi na makahinga.

"Si Kate ang humalik sa akin, Chantelle!" Nilingon ni Joaquin si Kate na mukhang inalila.

"Hung hang! Huwag niyo akong gawing tanga! Sa mga rason niyo laging babae nag-iinitiate!" Huminga ako ng malalim para naman makabawi.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon