Albay 32

50 6 0
                                    

(Pagtingin by Ben&Ben)

Pagtingin

Hinihintay na lang na mag-umpisa ang concert ng Ben&Ben, alas-seis na ng gabi at ito ang pang apat na araw ng fiesta.

Medyo ayos na kami ni Joaquin dahil nakita kong medyo hindi na siya masyadong dumidikit kay Kate.

It was so stupid of me to get jealous because of Kate, because of her even though I know that I'm prettier and better than her.

Kung hindi lang 'yon ginawa ni Joaquin ay baka hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya dahil nagseselos ako, hindi ko alam kung bakit siguro ay dahil kaibigan ko siya at dapat ako ang lagi niyang kausap at kasama, pero kaibigan niya rin si Kate at mas close sila! Kaya ako nag seselos, grr.

"Oh Ice cream" May inabot si Joaquin sa akin na isang Chili Ice Cream na nasa cone bago tumabi sa aking tabi.

Masarap ang ice cream na medyo maanghang, syempre kaya nga Chili Ice cream ang tawag. Well, obviously Bicolanos like spicy foods kaya even Ice Cream ay may sili.

"Donut?" Alok sa akin ni Joaquin at may nilabas na isang paper bag ng donut!

"Wala ng tanong-tanong! Pahingi!" Abot hanggang tenga na naman ang aking ngiti dahil sa donut.

"Para sa'yo naman talaga 'yan" Aniya at inabot sa akin. Joaquin really knows my favorite.

"Masarap 'yan kapag may kape" Nilingon ko si JC sa aming gilid na may dalang coffee paper cup.

"Oh yes!" Tuwang-tuwa kong sabi at kinuha ang kape.

"Basta kape at donut talaga hindi mo kayang tumanggi" Iling ni Joaquin.

"Syempre! Favorite ko 'to eh!" Ani ko habang ngumunguya.

"Wait" Hinawakan ni Joaquin ang aking balikat at pinunasan ang gilid ng aking labi.

"Si Kate pala?" Tanong ko sa kanila.

"Hinatid na namin sa hotel, masama ang pakiramdam" Ani JC.

"Ahh" Sabi ko na parang wala lang.

"Dos, you want?" I asked Dos who's playing with Crisha on the other side of my chair.

"Salamat nalang po Ate MC, binilhan na po ako kanina ni Ate Crisha ng empanada" Ngiti niya sa akin at nag-usap muli sila ni Crisha.

Mukhang mas nagiging close ang aking pinsan at si Dos, kahit si JC ay natutuwa rin kay Dos, paano ba naman kasi ang bibo niyang bata, kabaliktaran ng kuya niyang pabibo.

Halos hindi ako makapaniwala nang makita ko ang banda ng Ben&Ben sa stage! Laglag ang panga ko dahil hindi ko alam na makakapunta ako sa ganitong mga concert nila, dati ay gustong-gusto ko kaso masyadong hectic ang aking schedule.

Nagtilian ang mga manonood kaya tinakpan ni Joaquin ang aking tenga, natatawa akong tinakpan din ang kanya kaya tumawa rin siya.

"Whoo! Ben and Ben!" Sigaw ni Joaquin kaya natawa ako.

"Fan ka rin pala?" Tanong ko sa kanya.

"Pasensya ka na~ sa bawat kathang isip kong ito~" Nagdemonstrate pa ang loko.

"Galing naman!" Tumatawa akong pumapalakpak.

"Miss Elle! Papicture naman po!" Nilingon ko ang dalawang babae na papalapit sa akin at may hawak na phone.

"Sure" Ngumiti ako sa camera.

"Miss Elle! Omg! Pinapakinggan ko lang ang mga music niyo noon, tapos ngayon nakita ko na kayo! Ahh!" Tili ng babae na umagaw ng atensyon ng mga taong malapit sa amin.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon