Albay 21

79 8 0
                                    

Flirt

"Zakki?" Kunot noo kong sabi nang may pamilyar na lalaki akong nakita na nakahiga sa isang sun lounger sa gilid ng swimming pool.

Inangat ko ang aking shades at tinitigan mabuti ang isang morenong lalaki na nakahiga sa sun lounger.

"Wait babe" Paalam ko kay Inigo at bumitaw sa pagkakahawak sa kanyang kamay at tumakbo sa loungers galing sa clubhouse.

"Zak!" Masayang sigaw ko ng makumpirmang si Zakki nga 'yon, ang aking kababata.

Tinanggal niya ang kanyang shades at tumayo mula sa lounger, nakatopless siya at nakaboard shorts lang.

Nakangiti niya akong sinalubong at niyakap, I missed him so much! Ang tagal naming hindi nagkita, hindi ko rin alam na nakauwi na pala siya ng Pilipinas.

"MC!" Maligayang bati niya sa akin at sinalubong ako.

"Kailan ka umuwi? Why you didn't tell me?" Nakangiti kong tanong sa kanya at niyakap siya ulit.

"Last week lang, I'm sorry hindi na kita na sabihan kasi mukhang busy ka" Ngisi niya.

"I'm not busy! Sana man lang ay nagsabi ka para kahit papaano ay nagkita tayo!" Ani ko at ngumiti lang siya.

Since my parents worked here in the Philippines si Zakki na aking kababata, ang nakasama ko mag-aral sa America, kilalang-kilala namin ang isa't isa at sobrang close namin, hindi na nga lang kami masyadong nagkakausap at nagkikita simula nang umuwi ako ng Pilipinas at nagsenior high.

"I heard that you are in a relationship with Inigo Imperial? Nice catch!" He chuckled.

"Baliw!" Hinampas ko ang kanyang bisig.

"Kumusta ka na? Namiss kita! Ang tagal nating hindi nagkita!" Niyakap ko siya ulit.

"Namiss din kita, ikaw kasi iniwan mo ako mag-isa sa U.S." He chuckled and wore his shades.

"Because my parents want me to study here, ano ka ba!" Tawa ko.

"You must be Zakki Rusueño, my girlfriend's childhood friend" Nilingon ko ang aking likuran kung nasaan si Inigo na naglalakad habang nakapamulsa at nakashades.

"Inigo Imperial" Ngiwi ni Zakki.

"Nice to meet you!" Nakipagkamay si Zakki kay Inigo na agad namang tinaggap nito.

"Babe, si Zakki kababata ko, kasama ko rin siyang mag-aral noon sa states" Ani ko kay Inigo na tumango lang.

"Zak, si Inigo pala boyfriend ko" I bit my lower lips, nakita kong nakatitig lang si Zakki kay Inigo at ganon din ito sa kanya.

"Hoping that you will not hurt my best friend" Si Zakki na pilit ang ngiti.

"I won't" Nagbigay din ng pekeng ngiti si Inigo.

I feel some tension between them, nakita ko ang mga titig nila sa isa't isa na hindi ka aya-aya, may nangyari ba sa kanila noon?

"Is there a problem, guys?" I looked at them.

"Walang problema" Si Inigo at inayos ang kanyang beach polo.

"I will accompany your family, maiwan ko muna kayo" Ani Inigo at seryosong tinignan si Zakki bago umalis.

Hinayaan ko na para naman magkaroon sila ng bonding ng aking pamilya since botong-boto ang mga ito sa kanya.

Sa laki ng water sports complex ay hindi ko na alam kung nasaang lupalop ng lugar ang aking mga pinsan at tiyahin, malamang ay nagwakeboarding na o 'di kaya ay nagrelax muna.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon