Albay 31

44 7 0
                                    

Selos

"Gising na misis ko" Umikot ako ng higa nang marinig ang mga salitang 'yon.

"Gising na raw misis ni Joaquin" That was Crisha's voice. Kinusot ko ang aking mga mata bago nag mulat.

Bumungad sa aking harapan si Joaquin na nakahalukipkip, si Crisha na karga si Dos at si Kate at JC na nag-uusap sa tabi ng bintana.

Nilingon ko ang kama at naka-ayos na ang lahat, pati sila ay bihis na, parang ako nalang yata ang hinihintay nilang magising.

"Anong oras?" Tanong ko at humikab.

"Alas-seis ng umaga, misis ko" Sagot ni Joaquin, kumunot agad ang aking noo.

"Shut up, Uno! Ang aga-aga!" Kunot noo kong sabi at nagkamot.

"Dare ni Dos, eh!" Si Crisha habang nilalaro si Dos na hawak si pikachu.

"Bakit hindi mo niyo ako ginising?" Tanong ko sa kanila at bumangon na para mag hilamos.

"Ayaw kang pa gising ng mister mo" Tawa ni Crisha.

"Crisha!" Iritado kong sabi at pumasok sa banyo para maghilamos.

Paglabas ko ay nakita kong nag-aayos na ng gamit ni Dos si Crisha habang si Joaquin ay nagliligpit ng hinigaan ko.

Kumuha ako ng damit para makaligo, bihis na silang lahat at ako nalang yata ang hinihintay.

Nang makatapos maligo ay nag-ayos naman ako ng mukha at hindi masyadong nag lagay ng makapal na kolerete, 'yong simple lang at nude.

"Tara na?" Si JC.

"Nag-umagahan na kayo?" Tanong ko sa kanila habang nag susuot ng sandalyas.

"Hindi pa, doon nalang" Sagot ni JC at lumabas na sila ni Kate ng kwarto.

Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa, kahapon ko pa napansin na laging silang magkausap.

Pagtapos kong mag-ayos ng sarili ay si Dos naman ang hinarap ko, tinignan ko kung ayos na ang damit niya o ang gamit niya, buti nalang at na asikaso na ni Crisha.

"Tara na, Dos?" Kumapit ako sa kamay ni Dos at sa kabila ay si Crisha.

"MC, phone mo" Nilingon ko si Joaquin habang naglalakad ng hallway.

Inabot niya sa akin ang aking phone na nakalimutan ko yata sa loob ng suite, siya ang huling lumabas kasi chineck niya pa kung may nakasaksak pa o bukas na appliances.

"Thank you" Ani ko at nilagay sa loob ng aking sling bag at kinamusta na si Dos.

"How's your sleep?" I asked him.

"Okay naman po, katabi ko kasi kayo ni Kuya!" He smiled at me widely.

"Mamaya tayo naman ang tabi ha?" Ngumiti si Crisha.

"Sige, Ate Crisha!" Masayang sagot ni Dos sa aking pinsan na kinurot ang kanyang pisngi.

"Ang cute mo talaga!" Pinanggigilan siya ni Crisha.

"Ikaw ate ang ganda mo naman" Bibo niyang sabi kay Crisha.

"Thank you, baby!" Ginulo ni Crisha ang buhok ni Dos.

"Paano naman si Ate MC? Maganda rin ba ako?" Singit ko sa kanila habang papasok kami ng elevator.

"Kahit hindi mo na tanungin maganda ka naman talaga" Nilingon ko si Joaquin sa aking likuran at nakapamulsa habang nakahilig sa elevator.

He's wearing white polo shirt and shorts tapos naka-tsinelas lang napaka simpleng tao talaga ni Joaquin, in fairness hindi rin siya mukhang dukha ngayon dahil sa ayos ng damit at itusra niya.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon