Albay 25

46 7 0
                                    

Sorry

Umikot ako ng higa bago minulat ang aking mga mata, mahapdi pa rin ang gilit sa aking leeg pero bearable pa naman.

Halos mahulog ako sa kama dahil sa gulat nang si Joaquin ang katabi ko sa kama at mahimbing ang tulog. How did that happen? May nangyari ba? Anong ginawa niya? Namin? Hindi ko na maalala. Wala akong maalala!

Tinignan ko ang aking katawan kung may saplot at oo meron, naka-shorts pa naman ako at simpleng puting T-shirt.

"You are awake" Nilingon ko ang aking paahana kung saan nandoon si Zakki at sumisimsim ng kape. What the? Nilingon ko ang labas at nakitang umaga na.

"Anong ginagawa niyo rito?" Kunot noong tanong ko sa kanya at bumangon.

"Binabantayan ka" Aniya at tumayo mula sa paahan ng kama.

"Bakit? Why do you need to watch over me?" Tanong ko sa kanya.

"How's the cut on your neck?" Tanong niya at nilapitan ako para i-angat ang aking leeg at tignan ang sugat.

"Gago talaga 'yong dating boyfriend ng Fontanilla'ng 'yon" Masamang tumingin sa labas ng bintana si Zakki.

"Sino? Si Inigo?" Tanong ko at nag-unat ng katawan.

"Hindi, 'yong adik" Tugon niya.

Ibig sabihin ay ex ni Mara 'yong adik? Siya ba 'yong kinikita ni Mara noon habang sila pa ni Inigo? What? Pumatol siya sa adik at niloko ang isang mayaman at gwapo na katulad ni Inigo? Eww.

I heard Joaquin groaned kaya napalingon ako sa kanya na dumapa sa kama,
. I closed my eyes.

Oh, please not now Joaquin. His body is indeed hot and his shoulders are broad. Sakop na sakop ang buong kama nang dumapa siya, pakiramdam ko ay masisira na ang kanyang T-shirt dahil sa laki at ganda ng hubog ng kanyang katawan. Hindi na siya naawa sa kanyang shirt na fit na fit sa kanya dahil sa kanyang mga muscles.

"Bakit nandito 'to?" Tanong ko kay Zakki at nilingon si Joaquin.

"Ayaw kang iwan, natatakot na baka tuluyan ka ng gagong Iking" Aniya at ngumiwi.

I looked at Joaquin and he looked sleepless. Kawawa naman ang kupal kong kaibigan.

"Nasaan si Inigo?" Halos idura ni Zakki ang iniinom na kape.

"Seryoso MC? Pagtapos mong iwan kagabi hahanapin mo ngayon? Ayos ka lang?" Tawa niya.

Huminga ako ng malalim, parang may kirot sa aking puso nang maalala ang mga nangyari kagabi, dahil sa alak, dahil sa isang adik, dahil sa isang ex, dahil sa pagkalunod pakiramdam ko ay nagbuhol-buhol na ang relasyon namin ni Inigo.

"Zak, anong gagawin ko? Paano kung makipaghiwalay siya?" Bumuntong hininga ako at nag-aalala.

"Pumayag ka lang" He chuckled and I rolled my eyes.

"Paano kung umalis siya?" Tanong ko ulit at hinilot ang sentido.

"Edi ihatid mo" He laughed.

"Nandyan naman si Joaquin para sa'yo, hindi mo na kailangan ng Inigo" Aniya at nilapag ang tasa ng kape sa side table.

"Gago" Ani Joaquin kaya't nilingon ko siya at nakitang nakadirty finger kay Zakki.

"Fuck you too, pare" Ani Zakki at humalakhak.

Nawala ang tawa ko nang may kumatok sa pinto at binuksan 'yon, pinabangon ko si Joaquin at buti naman ay may suot siyang T-shirt at hindi topless. Bumangon siya at tumayo sa gilid ni Zakki bago bumukas ang pinto.

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon