Albay 24

44 8 0
                                    

Drown

"Don't touch me I said!" Iwas ko kay Inigo.

"What is your damn problem?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"You are my problem! You and your ex girlfriend!" I looked away so that he can't see my tears.

"I already said that it was strictly business, Chantelle! Ano ang hindi mo naintindihan-" I cut him off.

"Hindi 'yon ang problema ko! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko at hindi mo alam ang nangyari sa akin!" I sobbed.

Panay ang aking paghikbi at ang pagpipigil sa sarili na kainin ng takot dahil sa nangyari at dahil sa napanaginpan ko.

"I'm sorry baby, I don't know-" Lumapit siya sa akin at akmang yayakapin ako pero tinulak ko lang siya.

"Wala kang alam so shut the fuck up!" I said full of frustration and walked away.

"Chantelle!" Sigaw ni Inigo at hinabol ako, nilingon ko ang villa at nakita sa kama si Crisha na nakahilata na.

Tumakbo ako papunta sa kahit saan at nagtago para hindi mahabol ni Inigo.

Nagtago ako sa isang madilim na gilid ng mga tiki hut kung saan walang ilaw.

Sapo ko ang aking noo dahil naisip ko na baka makita ko ulit 'yong adik na lalaki kanina.

Umurong pa ako patalikod nang makitang tumakbo si Inigo sa pathway sa tapat ng tiki hut na aking tinataguan.

Nang makalagpas siya ay dinungaw ko kung nakalayo na ba siya sa lugar na pinagtaguan ko. Nang makitang malayo na siya habang hinahanap ako ay nilingon ko muna ang paligid bago lumabas.

Sa kabilang banda ng aking pinagtataguan ay napalunok ako nang makita ang lalaking gumilit sa akin kanina. Nakatayo siya sa aking tapat at may hawak na papel na may nakasulat na Nasa pool si Mara.

Nilingon ko ang swimming pool na tanaw mula rito sa mga tiki hut at nakita ko si Mara na nakahiga sa isang lounger.

Tinignan ko ang isa pa niyang hawak na papel na may nakasulat na Oras na, kinabahan ako lalo na nang tumango siya sa akin.

Dahan-dahan akong lumabas mula sa gilid ng tiki hut at umarteng ayos lang ako at normal na naglakad papunta sa swimming pool.

Hindi ko alam kung kaya ko ang naiisip kong tanging paraan para ma-satisfy ang lalaki kanina. He wants Mara back and he hates Inigo because Mara still loves him? Putragis hindi ko maintindihan ang gulo ng love triangle nila!

Kahit mukha akong ewan na naka-jogger at T-shirt ay pumunta pa rin ako sa pool at tumabi sa lounger ni Mara na nakabikini.

I think she didn't notice my presence so she stayed cool and chill on her lounger.

I feel insecure with my clothes right now, tapos makikipag-away ako sa nakabikini na si Mara? Like mukha akong kawawa rito.

Hindi naman sa makapal ang mukha ko pero dahil parang ganon na nga ay may na isip akong paraan para hindi magmukhang ewan.

I removed my clothes and just left my underwear and brassiere, well in this case I didn't feel insecure about my body kahit panloob lang ang suot ko. Plus, maganda ang design at expensive naman ang undergarments ko. Hello?

Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon