GROUNDER

366 45 3
                                    

A/N:

The picture above is like the blueprint of the GROUND

GROUND-sya yung place na tinutuluyan ng mga contestants na na-i-eliminate sa I-LAND. Pero unlike sa mga nasa I-LAND na dun na na nag-stay, every day lang sila mag i-stay dun for trainings and preparations. end every end of the week nagaganap ang competition. May different chances na ibinibigay para malaman kung sino ang mananatili sa I-LAND at kung sino ang papalitan ng mula sa GROUND. Basta 12 I-LANDERS every week, the rest ay nasa GROUND/GROUNDERS na






_

Tutok na tutok na naman ako sa mga nangyayari. At dahil nga chinika ako ni mommy last week ay hindi ko na napanood yung mga last part happenings. Di ko na din naman napanood sa YT kasi inabala ko yung sarili ko sa pagpi-prepare para sa nalalapit na school class. Mahirap na kasi this time dahil mag-o-online class ako.

I-kinagulat ko yung result nung first test nila. Grabeh as in...

What?! wahhhhhh.. di ko na talaga keri.

Naiinis na ako. kasalanan kasi nila. hindi nila binigyan ng maganda at mahabang exposure si Jay. Ayan tuloy, napababa sya. nakakainis naman eh.. Kinakawawa nila ang bestie ko. wahhhh.

Kung pwede lang lumusot sa screen ng laptop ko diretso sa I-Land ay ginawa ko na. Kaso napaka imposible. Kahit pa yata sobrang high-Tech na ng mga gudgets. Tsk. Ngayon ko yata kailangan ng time machine.

Haist!!!  Kung ano-ano na naman ang nasa isip ko eh.

Lumipat kaya ako ng STEM this school year? Aish. Luka na ako. Kung ano-ano na nga talaga ang naiisip ko.

" Anak, anong nangyayari sayo? OK ka lang ba?" naguguluhan na naman na nakatingin sakin si Mommy.

Last week ganyan din yan eh. Love na love ako.

"Mommy.... papano na yan?! si bestie nandun na sa tinatawag nilang ground. wahhhhhh. Naiinis ako." reklamo ko kay Mommy. As usual, natawa na lang sya.

"Ewan ko sayo'ng bata ka. Hayaan mo na. I'm sure gagalingan na nya next time para mapabilang ulit sya dyan sa competition" sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Ghad! Hirap magsuklay ng buhok na hanggang siko ah.

" Eiiiihhhh.. naman kasi. Sana nakuha nya yung lines from 1- 7. madaming exposure.." reklamo ko pa.

"Naku 'nak, hayaan na natin. tatawanan ka lang din nya'ng kaibigan mo pag nalaman nya ang mga nagiging reaksiyon mo." sabi ni Mommy. "Contest 'yan anak, kaya hindi lahat pa-pabor sa iisang contestants o iisang tao. May su-swerte-hin sa isang pagkakataon, meron naman na wala. Pero pwede pa naman mabago yun. Galingan lang nya lalo sa susunod. " paliwanag sakin ni Mommy, kahit papano ay nawala ang inis sa dibdib ko.

"Hindi nya ako pag tatawanan. first fan nya kaya ako." pagmamalaki ko sa kanya. "ako ang president ng president ng lahat ng magiging future fanclub nya. Ako ang pinakang admin. Magiging spazzer din nila ako." proud na sabi ko. Ini-ipon ko na nga yung mga pictures namin dati eh.

Nasa laptop ko iyon na bihira ko na lang gamitin ngayon kasi first laptop ko iyon at luma na. Incase na di ko na ma-open yung laptop ko ay may copy ako sa Flash Drive at mayroon din sa phone ko. Hihi.

" Di kita maintindihan pero, sige. susuportahan ka namin dyan ng Daddy mo" nagliwanag naman ang mukha at awra ko dahil sa sinabi ng mama ko.

Yiieee. Supportive sila. Grabe. Kaya naman super thankful talaga ako na sa dinami-rami ng kapitbahay nila noon, sa tapat ng bahay nila ako i-nilagay ng totoong magulang ko. Imbes na magtampo o magalit ako ay hindi ko na nararamdaman yun, sino ba naman ang manghihinayang pa kung bukod sa mayaman silang um-ampon sakin ay mabait pa. Apakasupportive.

"Speaking of 'Daddy' pala. Kelan po sya uuwi from Brunei? Masyado na syang nawiwili dun mommy, na-mi-miss ko na ang bonding nating tatlo. " tanong ko.

Bakit naman kasi Koreano-Americano yung CEO ng Sinar Tours pero nasa Brunei?! Gulo nya!

Char.

Love na love ko yun si tito James. Kahit pa manang-mana sa kanya si Jay na suplado pero deep inside mabait naman. Haist, miss ko na ang pamilya Parke-—I mean Park Family-— Hahaha.

"Mabuti natanong mo, yan talaga ang sasabihin ko sa'yo kaya kita pinuntahan dito sa kwarto mo. Kaya lang, busy ka na naman sa panonood dyan sa kaibigan mo." Tsss, si mommy kunwari naman nagtatampo. "Anyway, ka-ta-tawag lang ng daddy mo, within this week uuwi na sya. And guess what? Tinatanong ka nya kung ano daw ang gusto mong debut gift?" masayang balita ni mama.

Abot langit naman ang ngiti ko nang sabihin nya yun. Matagal ko na kasi gustong umuwi ang Papa ko plus yung tanungin nila ako kung ano ang gusto kong gift sa debut or kung papano ko ba isi-celebrate ang 18th birthday ko.

Naalala ko. Agad akong napatungo.

"Bakit? May problema ba?" tanong ni Mommy.

"Eh kasi 'My, nagpromise ako kay Jay na dapat andun sya pag nagcelebrate ako mg birthday ko. Papano yan ngayon? Nasa contest sya na hindi ko alam kung kelan matatapos plus, may pandemic naman. Gusto ko po sana na magtravel tayo sa Korea" sabi ko.

Simula kasi nung nagkakilala kami ni Jay ay madami na syang nakwento about Korea. although hindi buong buhay nya ay dun sya nakatira. Gusto kong mapuntahan yung mga historikal places dun plus islands.

And there came one time na sinabi nyang ipapasyal nya ako sa Korea sa araw ng 18th birthday ko. Hindi ko naman alam na ganito ang estado ng paligid ngayon. Tapos wala naman nga kaming komunikasyon. Ewan ko kung naalala nya yun.

"Malay mo naman sa birthday mo tapos na yung contest nya tapos wala na din ang pandemic." pagtataas ni Mommy sa pag asa ko. sana nga.

"Well, yun. Gusto ko yun. Travel tayo sa Korea kahit ilang araw lang. kung ano yung kaya ng budget, ok na po ako dun. Kung hindi pa talaga pwede, simpleng dinner na lang nating pamilya. Ok na po ako dun" sagot ko sa kanya. Napangiti si mommy at niyakap ako.

"Pag usapan natin lahat ng tungkol dyan pagdating ng Papa mo" sabi na lang ni Mama. Nagpaalam na din sya at pumunta na sa sarili nyang kwarto. inaantok na din ako. almost 12 midnight na din kasi.

—CLICK⭐—

Nasimulan ko ang story na to ay ilang episodes na ng i-land ang lumipas. Kaya nahirapan ako na alalahanin yung mga nangyari for the past episodes.

Sana nagustuhan nyo kahit simple yung fanfiction story ko

💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜

Here's a pic of Park Jeong Song

Here's a pic of Park Jeong Song

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Where stories live. Discover now