My Student Duty

113 29 1
                                    

Monday came after the 9th episode of I-land. Hindi ko trabaho ang magising ng maaga pero dahil magsisimula na ang klase ay napilitan ako.

Naghihikab pa nga ako eh. Sinabihan pa ako nina mommy at daddy na matulog muna ulit kung inaantok pa ako. Since maghapon din lang naman nakatambay sa bahay. Hindi makalabas dahil sa quarantine. Pero dahil nahihiya naman ako sa parents ko ay tinanggihan ko ang suggestion nila matulog pa ulit ako.

Holiday actually, pero dahil may mga gagawin pa ko before the online class starts ay minabuti ko na gawin na ang mga dapat gawin. Yun nga pala!  May gagawin ako. Hahahaha.

I opened my phone after doing all my morning rituals. Naka-indian sit ako sa kama ko while scrolling my phone looking for some updates. Tapos na din naman akong magbreakfast at tumulong sa ilang maids namin sa paglilinis sa kusina.

Sa dami ng mga groups na sinalihan ko at pages na pina-follow ko, hindi na ako nagtaka na all about i-land's last episode ang nakikita at nababasa ko. After magcheck ng newsfeeds ko ay binuksan ko naman ang messenger ko.

As usual, sandamakmak ang mga message request. Bukod sa mga nagpapaaccept sa GCs related sa I-land ay meron din naman about subjects sa school. Wahhh.. sumasakit ang ulo ko. I chose not to read muna yung mga chats sa GCs na for i-land updates lang.

from Leanne: Girl, accept mo si classmate natin na pogi ah. new commers,, transferee, from an elite school. Gwapo.

natawa ako sa chat ni Leanne. Inaasahan ko na naman na magkakaroon kami ng mga bagong classmates thid school year, sobrang nakakalungkot lang kasi hindi namin sila makikilala personally and vice versa.

To Leanne: Name?

From Leanne: Gerald Adamson name nya sa fb. Nastalk ko na. ang gwapo ng mga posts nyang pics.

I even laugh harder. Naghahanap din naman ako ng gwapo pero hindi kasing baliw ng kaibigan ko. I mean, hindi lang basta itsura ang pinagbabasehan ko. Mas na-a-attract ako or mas nagiging crush ko yung mga lalaki na well-mannered kahit hindi kagwapuhan unlike sa mga gwapo nga pero pinagmulan yata ng isandaang bagyo sa lakas ng hangin sa sobrang bilib sa sarili.

I searched his name. In-screenshot ko muna at sinend kay Leanne. Baka kasi hindi iyon yun so mapapahiya ako. She said yes so I immediately added him to the GCs of our every subjects plus on our section's GC.

Nakakainis kasi. Hindi naman dapat ako ang admin ng mga GC na 'to. Sila lang ang mapilit eh hindi ko naman crush yung adviser namin. Gwapo daw. Gwapo nga , bading naman. So pabor sa mga kaklase kong boys na may itsura. Malas lang nitong Adam na to kasi di naman maitatanggi na gwapo din naman sya. well, goodluck.

"Omg... girl, as in. I stalked  him and ghaddd.. ang wafuuuu" natatawa ako kay ate Jane, nahawa na sya kay Leanne. Kanina pa sya naglalabas ng kilig feels nya about that Gerald Adamson guy, na nalaman kong Gerald Adamson Clyde Legaspi pala ang full name.—Nabanggit kasi ni Leanne sa kanya ang tungkol kay Adam.—Hindi pa kasama ang middle name ha. Infairness. Super sipag naman ng parents nya na mag-isip ng pangalan. Tapos yung anak ang pinapahirapan. Heheh. Kung may time limit ang pagsusulat ng pangalan, baka hindi siya makaabot sa last second. Hahaha

"Ate Jane, he's mine na eh. Mang-aagaw ka talagang babae ka. " reklamo ni Leanne. Ang tirador ng mga guwapo. Hahahahah

"Ewan ko sa inyo. Kanina pa kayo. Yung guy lang naman na yun ang pinag uusapan nyo. Dapat talaga hindi nyo na ako isinama sa GC na to. Nag-PM na lang sana kayo" sabi ko. Nagdecide na mag-VC pero sila lang naman nag uusap. Hello, tatlo kami dito.

"Sorry.... anyways Leanne na tirador ng pogs, hindi tayo magugustuhan nun. Kahit na magpapansin tayo. Andito kasi ang ating pretty friend eh" nanlaki naman ang mata ko. "Plus hindi ako punapatol sa bata. Na-appreciate ko lang naman ang kanyang feslak." depensa ni ate Jane

"Bakit kasama ako dyan?" tanong ko at itinuro ko pa ang sarili ko.

"Like duh, sa ating magkakaklase ikaw yung beauty and brain. Kami nga brain lang kokonti pa ang laman" sagot ni Leanne.

"Hahaha. Mga baliw. Ang ba-bata nyo pa ang lalandi nyo na. Sige na, ibababa ko na to. may gagawin pa ako. Miss you na, Love you girls" hindi ko na sila hinintay na makasagot dahil for sure at hindi na naman matatapos sila sa awayan. Sobrang gwapo ba ng guy na yun para pag awayan nila? At talaga naman na i-dinamay pa nila ako. Nakakatawa sila.










————————————————
————————————————
——————CLICK⭐——————
————————————————
————————————————
My story is not as its best compared to other FanFic sories but can I atleast have some support. 😁

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Where stories live. Discover now