Aftermath

104 26 1
                                    

☝☝☝The photo above is just an edited pic. Napagtrip-an ko lang po. Bagay naman siguro yung mej pink na buhok 'no? Nagtry lang ako mag-edit. Heheheh







Nagising ako kinabukasan na para na akong zombie. grabe yung kapal ng eyebags ko. Maleta na nga eh. hahaha. Sana na-gets nyo.

Groggy ako habang bumaba nghagdan at pumunta sa kusina kung nasaan na ang parents ko.

"Ok ka lang? May sakit ka ba 'nak?" matamlay akong tumingin kay mommy. Ini-abot nya pa sakin ang hot chocolate na paborito kong inumin tuwing umaga.

"Ok lang po ako" sagot ko. But knowing my parents hindi sila kaagad maniniwala.

"Nagpuyat ka na naman kagabi? Sinabi ko naman sayo, ok lang samin na manood ka pero after nun matutulog ka na" sabi ni mommy sakin. "Ang aga mo pa nagbreakfast pero hindi ka oa din nakatulog ng maaga?" hindi naman sya galit. Tono'ng nag-aalala pa nga

"Mommy, matutulog naman na dapat ako kagabi eh. mga 10:30... pero kasi...." shocks!! Sasabihin ko ba? Hindi ko kasi kayang maglihim sa kanya.

"tumawagpokasisijayandbasedsamga sinabinyaIthinkhelikesme" nangunot ang noo ni mommy at napaawang ang labi. For sure di nya naintindihan ang mga sinabi ko. Ang bilis kasi ng pagkakasabi ko.

"Ha? Ano?" see? di nga nya naintindihan

"Kasi mommy... si ano po... si Jay... tumawag... kagabi... nagulat nga po ako eh.... tapos.... tapos.... sinabi nya na ako daw yung dahilan kung bakit natupad yung pangarap nya" nag aalangan pa ako sa magiging reaction ni mommy. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nya.

"Edi mabuti. Masaya ako na good influence ka sa mga nagiging kaibigan mo." sabi naman ni Daddy.

" 'My.... 'Dy... hindi kasi.... yun yung issue..." sabi ko pa. Hindi nagsalita ni-isa sa kanila at naghihintay lang sa susunod kong sasabihin. "Ano kasi... nung nasa Amerika pa tayo... may napag usapan kami nun. Kasi nman crush na crush ko talaga si V. kaya nasabi ko yun" sabi ko

" Normal lang naman ang maging crush ang mga ganoong tao. Pero... ano naman yung sinabi mo sa kanya? At parang bothered na bothered ka. Kanina ka pa. Baka naman gusto mong sabihin na sakin. Samin. " napangiti na lang ako. Halata kasing gustong gusto na nilang malaman ang mga susunod na sasabihin ko.

"So... yun nga po. Sabi ko sa kanya nuon na kapag nasa tamang edad na ako at kung ok sa inyo. I want to... to... I want to marry an idol. KPop idol. or kahit jowa lang. ganun. hihi" sabi ko.

Kinikilig ako kapag naiisip ko yung ka-adikan ko sa KPop. Nasabi ko pala talaga yung pagiging asawa ng idol in the near future. Jusko!

Napangiti na lang si Mommy. Weird kasi ng anak nya eh.

"Ok. Nakukuha ko na. So kaya sya nagpursue na bumalik ng Korea, maging trainee, at sumali sa survival show na yun, para kapag natupad yung goal nya dun eh sya yung piliin mo? kasi diba, idol na sya. KPop idol, sabi mo nga. Hindi ba masyado pa kayong bata para dun?" sabi ni Mommy.

"Yun nga po ang sinabi ko. Ewan. di ko na lang iisipin. Aral muna ako." sabi ko at nag isip ng way para maiwasan na'ng pag usapan ang tungkol sa bagay na iyon. "Sige mommy, aakyat na po ako sa room ko. May tatapusin pa akong school works. Hanggang ngayon n lang po iyon ipapasa thru email." Paalam ko.. Whew! feeling ko nahotseat ako sa part na yun. Wala naman silang masyadong inalam pero kinabahan pa din ako.





WAHHHHH, inaantok pa talaga ako. 3 hours lang yata ang tagal ng tulog ko. Kung hindi ko pa pinilit na matulog ay hindi ako makakatulog. Nagpa-Flashback kasi yung mga napag usapan namin kagabi. Although sandali lang yun pero grabe yung impact sakin. Nakakainis naman kasi ang lalaki'ng yun. Bigla biglang tatawag tapos ganun pa ang sasabihin. wahhhhhh.... ayoko na... nagugulo ang batang puso ko ng dahil sa kanya.....

Ang sabi ko sa sarili ko ay matutulog ako ulit dahil wala naman ginagawa, pero hindi nangyari. Paulit ulit kasi na may nagnonotif sa'kin sa mga social media accounts ko regarding Enhypen. Na-tempt naman ako kaya tinitingnan ko ang mga iyon at binabasa.

So, ito pala yung mga ganap na sinasabi nya kagabi. They even had thier first V-live. Nanood lang ako kahit gustong gusto ko nang magcomment at magpashout out. He looks handsome as ever.

ANO BA PARK JONG SEONG?! NAIINIS NA AKO.

A/N:

so yun, new update na naman. sana naman may sumusuporta sakin 'no? hahaha.

Kahit konti lang. Mga lima, ganun. hahaha.

Anyways, here's an update. Sana all na lang sa mga character dito sa story ko. hahaha

Dahil updated or medyo naedit ko na ito. Happy ako na madami na yung reads kahit papa'no.

Salamat sa nakakapansin ng story ko at nagbibigay ng konting Time para basahin ito.

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Where stories live. Discover now