Back at 6

99 28 1
                                    

Gabing-gabi na pero hindi pa din ako natutulog. Naiinis ako. Iniisip ko pa din yung result. Eh kasi naman, hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot. Malulungkot kasi low rank na naman si Jay or matatawa kasi he's back on being top 6. Ewan.

Sobrang affected din ako sa pagka eliminate ni Hanbin. He got strong vocals pero siguro hindi pa sapat para humanga ang mga producers sa kanya.

More dancing skills din ang meron sya dahil he has this dance group na nagcocover ng mga sikat na kanta. Mostly K-Pop.

"Nak," bumaba ako mula sa kwarto ko papunta sa kitchen ng tawagin ako ni Mommy. Nagluluto yata sya at baka kailangan nya ng tulong ko.

"Mom... bakit po?" tanong ko sa kanya. Bahagya akong nakatungo dahil ayokong makita nya ang namamaga kong mga mata. Bukod sa puyat ay naiyak din ako dahil sa pagka eliminate ni hanbin. 2 or 3 hours lang yata akong natulog.

Sobrang affected ko ba? Oo. Kasi naman, idol ko din yun. Kahit na obvious na sa umpisa pa lang ng show ay underdog na sya pero support pa din ako. At nang ma-eliminate sya ng tuluyan ay sobra na talaga akong nalungkot.

Magsu-subscribe na lang ako sa yt channel ng group nya. Hihi.

"May sasabihin lang ako. Last week pa sana kaso ayaw ka naman namin i-spoil." sabi ni Mommy. Sabi ko na nagluluto sya eh.

"What is it?" takang tanong ko. Nakangiti kasi si Mommy. Ano naman kaya yun?

"Napanood mo naman na siguro kagabi yung episode ng i-Land diba? Nakita mo na kinausap nila ang family nila" tumango lang ako bilang patunay na nakikinig ako "Your Tita, Jay's mom... pinapasabi nya na pinapakumusta ka ng kaibigan mo. Hindi ka kasi pwedeng tawagan dahil one chance lang ang ibinigay sa kanya.. So, pinapasabi na lang nya." I pursed my lips into a thin line bago tumango lang kay mommy.

Hindi ko alam pero kinikilig ako. Sobra. Biglang nawala yung lungkot ko, knowing na naalala ako ng kaibigan ko. Ayieeee. Ahahahaha.

"Ok naman po ako. Pakisabi na lang din po. Ahmmm.. babalik na po ako sa room ko. May mga kailangan pa po akong aralin na lessons" paalam ko.

Ngumiti si Mommy at tumango bago ako bumalik na sa room ko.

Pagkasara ko pa lang ng pinto ay hindi ko na napigilan ang mapatili.

As in. Omhygashhhhhhhhh.. Lordddd... Kinikilig ako..... Kasi naman.. kasi.... wahhhhh.. I just can't contain these overwhelming feelings....

Why did he do that? wahhhh...

I mean, kaibigan nya ako. Pero kasi...

HINDI KO MAIWASAN ANG HINDI KILIGIN

AAAACCKKKKK!!!!

Ok, kalma ka lang. Baka mahimatay ka or worst di na ko magising.

Cause of death: too much kilig

Charrr. Wag naman Lord. Hindi pa nga ako nagkakajowa eh. Hahahah.

Mabilis akong nag open ng Phone ko at nagsearch sa youtube. Yung part na tinatawagan na nila yung mga family members nila. Emhegherd.. ini-imagine ko na ako yung kausap ni Jay at hindi si Tita. Kinikilig ako. Hindi ko naman kasi ini-expect.

Kaya pala, kapag nakikita ako ni Daddy or ni mommy na nakatingin sa kanila ngingitian nila ako ng makahulugan. shocks.. yun pala yun.

Pinapakumusta na pala ako ni Jay. ahhhhhh.. kinikilig talaga ako Nakakainis.

Pero masaya ako para sa kanya. kahit na nagtop 6 ulit sya. Atleast he got a badge again.

Abala ako sa panonood ng iba pang videos ng episodes ng iland kagabi nang mag pop up ang names ni Adam sa phone ko. He gave me a private message.

Isa lang nadiscover ko kay Adam, trying hard maging matalino kahit hindi na talaga kaya ng brain cells nya. I mean, hindi naman sa panlalait or pangmamaliit pero kasi, ako yung nahihirapan para sa kanya.

He keeps on chatting me para magpatulong or magpaturo regarding sa mga lessons namin this past weeks. Tinuturuan ko naman pero hindi nya agad nagigets yung explanation ko. or worst he didnt get it at all.

————————————————
————————————————
——————CLICK⭐——————
————————————————
————————————————

A/N:

Keep on supporting Jay.....

Don't forget to click the star for your vote on my story.
I need it😁😁

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz