Later on

103 25 1
                                    

A/N: seryoso na talaga ako sa sinabi ko na hindi ko na i-ba-base sa kasalukuyang journey ng Enhypen or ni Jay ang update ko sa story ko. The following chapters are purely product of my imaginations so sana magustuhan nyo sya. Anyway, Filipino gagamitin ko dito. Mahirap kasi kung pure english or may hangul. Mahirap komunsulta kay Mr. Google. hihi


Jay's POV

Kakatapos lang ng event. We won the Artist of The Year Award for the 2nd time at sobrang saya sa feeling dahil worth it talaga lahat ng efforts namin. Our sunbaenims congratulated us na pinasalamatan naman namin kaagad.

"Excited?" Napatingin ako kay Jake. Busy ako sa paglalaro ng mobile games sa phone ko ng lumapit sya sakin. Nakarating na kasi kami sa mismong building namin. Yung iba nasa pantry siguro or nagpapahinga since may matutuluyan din naman kami dito.

"Yes. Ilang taon na ba akong hindi nakakauwi? Mabuti na lang pinagbigyan tayo." sagot ko sa kanya.

Last week kasi ay nagrequest kami sa management for a vacation. Kahit week lang ok na sa'min yun. And thankfully ay pinagbigyan kami. Dahil ayon na din sa mga older artists ng Company ay binibigyan naman talaga sila ng time para makapagpahinga after series of works and doing different scheduled commitments.

"Same here. Gusto ko ng umuwi ng Australia pero hussle kung babyahe pa. Kaya sina mommy na lang ang sinabihan ko na bumisita dito" sagot nya sakin.

We already met each others family at napatunayan ko na first fan ko ang kuya ni Heesung-hyung. Natatawa na lang kami kapag pinagkukumpara kami.

"Nakausap ko na ang mom ko and kasama ko syang pupunta sa Brunei to visit dad. Alam mo na, kung busy ako dito, mas busy ang daddy ko" sagot ko naman.

"Hindi ka pupunta sa Pilipinas?" nagtataka akong tiningnan sya. "Ei! don't tell me di mo alam kung ano or... sino ang tinutukoy ko. Sya nga yung madalas mong katawagan kumpara sa parents mo" sabi pa nya sakin. Nakangisi pa ang loko.

"We're friends. So it's just normal na magphone call or video call kami. Wag kang maissue" pagdepensa ko.

"Really? Eh iba nga ang ngiti mo kapag kausap sya. Don't lie on me Jay-hyung. Palagi kitang  ino-obserbahan. Kumpara sa mga reaksiyon mo kapag kausap mo ang parents mo, then sya? iba ang ngiti mo eh. Kulang na nga lang magblush ka." natatawang sabi nya.

"Inaantok na ko. Bahala ka na dyan!" sabi ko at tumayo na. Natalo na din naman ako sa nilalaro ko kasi ang daldal nya.

"Ayun! Iwas sa usapan. Ok lang yan. May bakasyon naman tayo. Try mo puntahan kahit isang araw lang. Miss na miss mo na yun eh. Six years mo na yata na hindi nakikita" pahabol pa nya.

"Seven years." pagtatama ko.

"See? Nabilang mo talaga. haha. Bistado ka na tinatanggi mo pa" sabi pa nya. Hindi ko na kaya ang pantitrip nya sakin kaya tumuloy na ako sa nagsisilbing kwarto ko.

Kinuha ko ulit ang phone ko at nagscroll sa gallery. I stopped as I found her photo. Gumawa pa ako ng fan account para lang i-stalk sya. Walang nakakaalam ng tungkol dun dahil for sure ay mapapagalitan ako ng management at mawawalan na din ako ng way para kahit papano ay makita ko ang mukha nya at makibalita na din. Haist.

"Hyung!!! pahiram ng sapatos mo ah. Para maiba naman!" nabitawan ko ang phone ko nag biglang pumasok ng kwarto si Jake at lumapit sakin. "Ohhhh... K. I get it. You made a fan account just to stalk you so-called friend. Sige na. Kunwari di ko nakita."natatawang sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi kita pahihiramin. Mayaman ka naman. Bumili ka ng sapatos mo" kunwari ay galit na sabi ko.

"Eto naman. Tayong dalawa nga lang ang makakaalam nyan. Hindi ko sasabihin sa iba. Kay na kay Sunghoon na bestfriend ko. Promise." itinaas pa nya ang kanang kamay nya. "Pero pahiram pa din ng sapatos mo. Maganda kasi taste mo sa mga brand at designs eh. Sige na. Vibes naman tayo" natatawang sabi nya.

"Pumili ka na lang dyan sa mga dala ko. Iniwan ko sa Condo ko yung iba eh." pagsuko ko na lang." basta wag yung nasa taas na rack" pahabol ko pa.

Napapadyak sya at napakamot sa kilay habang ang kamay ay nasa bewang.

"Iisa naman ito'ng nasa lower rack eh. No choice din pala ako?" sabi nya pa.

"Atleast pahihiramin kita. Kaya tuparin mo ying sinabi mo na wala ka'ng pagsasabihan na iba. And just to remind you, Jake. That shoes na sinabi mo no choice cost a million noong binili ko. What more pa kaya kung ngayon diba?" sabi ko pa.

"Fine. Salamat dito ah? Nangonsensya pa talaga"natatawang sabi nya at kinuha ang sapatos bago lumabas ng kwarto.









A/N:

habang nagsusulat ako may mga scenes na para sa next chapter ang tumatakbo sa isip ko.

vote and comment please

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Where stories live. Discover now