The Twist

105 31 0
                                    

Mycah's POV

Sobrang sama ng panaginip ko kaya gusto ko ng magising.

Pero kahit anong pilit ko ay hindi ko magawa. Yung tipong parang may bangin na kung saan ay mahuhulog ka pero biglang nawawala.

Habol ko na ang hininga ko at any moment ay parang tuluyan na akong kukunin ng kadiliman. No. Hindi ako pwedeng mamatay. Hindi ngayon. Hindi pwede!!!!

"ANAK! GISING NA! NANANAGINIP KA NA NAMAN!!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni mommy.

"Mommy?!" nangunot ang noo ko. Hindi sakin galing ang boses na yun kundi sa isang batang lalaki.

Pinakatitigan ko sya and at some point ay may isa akong tao na naalala base sa itsura nya. May kamukha sya. Malaking pagkakahawig.

"Mommy?! Mom– a-ako?" naguguluhang tanong ko.

Imbes na sumagot ang bata sa tanong ko ay kay mommy ito tumingin na parang nagtatanong at humihingi ng tulong na ipaliwanag sa akin ang lahat.

"Anak, bumangon ka na muna. Mag uusap tayo mamaya" si mommy ang nagsalita pagkatapos ay hinawakan ang maliliit na kamay ng batang lalaki. Palabas na sila ng kwarto ko nang magsalita ako.

"Mom, sino ang bata'ng yan? Bakit mommy ang tawag nya sakin?" naguguluhang tanong ko.

"Mamaya ko na sayo sasabihin. Mag ayos ka na muna ng sarili mo. May ihahanda lang ako. Kami ng anak mo" sabi nya at tuluyan na kong iniwan sa kwarto ko na naguguluhan pa din.

And did she just said ANAK KO?!

Papano?

Madali akong nag ayos ng sarili. konting hilamos at mumog lang since nakasanayan ko nang magkape tuwing umaga. Kung magtotoothbrush ako kaagad ay sasama ang lasa ng kape.






Mycah's MOM POV

Nakasanayan na namin na gawin ang naturang gawain tuwing umaga. Hindi namin alam kung hanggang kailan namin ito gagawin pero masaya kami at nakakasama pa namin sya araw araw. Ang buong akala namin ay kukunin na sya samin ng tuluyan.

" Grandma, we're doing this again for mommy?" napalingon ako sa apo na kasama ko dito sa sala. Mukha kaming magmomovie marathon pero hindi.

"Yes apo. Hindi pa din kasi ok si mommy eh. Love mo naman si mommy kaya gagawin mo ito palagi, diba?" sabi ko sa kanya. Ngumiti sya ng sobrang tamis at magiliw na tumango. Napangiti na din ako.

Natapos na namin ang ginagawa namin at sakto naman ang pagbaba nya.

"Sit here mommy." napangiti ako sa paraan ng pag aasikaso sya sa kanyang ina.

Nagtataka man ay sumunod din sya sa pinapagawa ng bata. Nakasanayan na namin kaya hindi na kami magtataka kung ganoon ang araw-araw na reaksiyon nya

We played the video.

It all started from the day she got out from the hospital at sa bawat araw na lumilipas ay nadadagdagan ang mga video compilations na iyon.

Sobrang laki ng naging epekto ng aksidente sa taxi na iyon. She got this kind of amnesia na ang huli nyang naalala ay iyong bago mangyari ang aksidente.

Ok naman sya kung titingnan pero sa sa bawat araw na lumilipas ay nakakalimutan nya ang mga bagay na nangyari sa kanya ng mga nagdaang araw.

Kaya naisip namin ang ganito. Nakagawian na namin ang pagkocompile ng mga videos sa bawat araw na lumilipas then the next day ay ipapanood namin iyon lahat sa kanya.

"Nak, ok ka lang?" as usual umiiyak na naman sya ng matapos ang videos. Halos ilang oras din iyon at hinahayaan lang namin sya na mapanood iyon lahat.

"Papano ko po naging asawa si Jay, di po ba nagpakasal sya?" tanong nya.

Napangiti ako ng mapait. Iisa ang tanong nya bawat araw na matatapos nyang panoodin ang mga videos.

Hindi kami magsasawa na magkwento sa kanya araw araw. kung ang magiging bunga nun ay ang unti unti nyang paggaling.








A/N:

so yun, credits sa movie na '50 First Dates'. Yung nangyari dun sa bidang babae dun sa movie na yun ang nangyari kay Mycah dito sa story.

Super ganda nung movie na yun.

Sa mga susunod na iilan na lang na chapters ay ipapaliwanag ko ang mga nangyari after the accident.

SANA GUMALING NA SI MYCAH.

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Where stories live. Discover now