Tutor and the Tutee

108 28 1
                                    

Adam's POV

A/N: Gusto ko lang syang bigyan ng POV. hehehehe.






Sumasakit na ang ulo ko dahil sa pagmemorize ng napakadaming dates sa history ng Philippine Literature.

Hindi ko maintindihan kung bakit pati dates ay kailangan pang pag-aralan, hindi ba pwedeng yung mga kaganapan na lang at excluded na ang dates. Haist!! Basta!

I hate numbers, really. Mas ok pa kung magsasaulo ako ng mga chords ng piano or guitar. I'm into music rather than literature or some sort of things related to it. Although writing songs is still a Lit. Pero iba kasi yun, may tono, may beat.

No choice naman ako kundi ang pag aralan ito kasi kailangan ko na makatapos ng pag aaral para wala ng masabing negative tungkol sakin ang pamilya ko.

Mahirap, hindi ko nagi-gets minsan pero paulit ulit kong pinag aaralan. In the end, natututunan ko naman but it really takes a lot of time and effort.

"May online class ka pa diba? Just do it first and finish it. You couldn't hold that guitar hangga't hindi mo inaayos ang pag aaral mo" wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang.

Hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Kailangan ko din naman yun. Hindi din naman sa lahat ng oras ay uubra ang talento ko sa musika.

But my mom? Masyado siyang nagpapahalaga sa talino ng tao when it comes on academics. Yung tipong kailangan na mag aral para magkaroon ng magandang buhay in the near future. Pero diba may tinatawag tayong street smart? That person will surely succeed even without having proper schooling. Just let them do what they could do and eventually they will succeed. I envy those kind of person.

Nagagawa nila yung gusto nila tapos nagagawa pa nilang magpayaman. Or kahit hindi na sobrang yaman, basta maitawid mo ang isang araw na tatlong beses nakakain at yung masasabi mo at proud ka na pinaghirapan mo talaga ang bawat sentimo ng pera na ginagastos mo.

Samantalang ako, nasanay sa buhay na sinusunod lang ang gusto ng parents ko. In the end, hindi ko tuloy alam kung papano tatayo sa sarili kong mga paa para yung musika na gusto ko ang mapagtuunan ko ng pansin.

I get my phone and dialled Mycah's number. I've been asking her help everytime I need it. And when I say everytime, araw araw na yata tinutulungan nya ako.

"Sorry sa abala. Nahihirapan kasi akong magmemorize about sa dates ng mga Filipino's Literary pieces" sabi ko sa kanya.

Pati mga awards ng bawat piece or gawa nila ay kailangan din namin alamin. Kaya madaming kailangan i-memorize.

"Ahm ano pa ba ang hindi mo na-memorize, I could help" sagot naman nya. Napangiti ako. Sobrang matulungin nya.

"The dates... I got mixed up. Hindi ko kasi naitatama yung dates dun sa mga award shows or events" paliwanag ko sa kanya.

"Ahmm. try to make some codes or like patterns. It could help. Just for example there's a word or thing you'll associate on a given dates and events. Then kapag naisip mo yung certain word na yun ma-aalala mo na kung anong event yun with the dates. Pero syempre kailangan mo pa din magmemorize but it could help" pag i-explain nya sakin.

Hindi ko masyado nakuha pero susubukan ko. Try and try until I die. Hahaha. Joke.

"Ok. sige. Salamat ng marami. I hope na hindi ka naiinis sa paghingi ko ng tulong sayo?" sabi ko pa and I heard her laughed a little.

Kahit ang tawa nya maganda. Hindi ko pa sya nakikita ng personal pero base sa mga pictures nya sa fb at insta ay maganda sya. Beauty and brain.

"No prob. I'm happy that I'm helping you. Just work hard. Huwag aasa ng aasa although hindi ka naman umaasa. nagpapatulong lang..... Anything else?" sabi nya

"Ahm. Nothing as of now. Itutuloy ko na lang muna yung pag memorize ng mga dates... Salamat ulit" sagot ko sa tanong nya.

Gusto ko pa syang makausap at marinig ang boses nya kaya lang ay baka nakakaabala na ako sa kanya at ayaw lang umamin. Aaminin ko, I have this little crush on her. Wala naman sigurong masama. Crush lang naman. Paghanga.

"Try to rest and relax. Mas makakatulong. Wag mo masyado i-pressure ang sarili mo." payo pa nya.

"Ok. Salamat." sabi ko. She's the one who ended the call at ako naman ay ipinagpatuloy na ang pag aaral.. haist. sumasakit talaga ang ulo ko...









A/N:

Don't forget to support Jay and please... kindly click the star for vote on my story. thank you😘


As of March, 2021 ay edited ko na ito. Hindi ko na dinelete yung mga nauna kong Author's Note. Wala din naman akong ipapalit. Hahaha.

EN- Series 1: Loving Mr. Park (Completed And Edited)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt