Chapter 2

3 1 3
                                    


Unti-unting luminaw ang paningin niya at nakita niya muli ang magandang mukha ng babaeng kaharap niya. Ngumiti ito sa kanya ng matamis. Tsaka lang niya narealize ang sinabi nito ng makita niyang nasa tapat pala siya ng marriage booth.

Naudlot na naman ang pag sasalita niya ng bigla itong sumigaw.

"Girls! Bihisan niyo na ang groom ko, chop chop!" Ngumiti mula ito sa akin at umalis na sa harapan ko.

"wai-! Teka 'wag niyo kong hilain!" Nakaposas pa rin siya hanggang sa mahila siya ng tatlong babae sa isang make shift dressing room.

Tinanggal ng isa ang posas niya at tatakbo na sana nang biglang nag salita ang isa sa kanila.

"Subukan mo lang tumakas, ipapahuli ka uli namin sa jail booth and this time 100 pesos na ang piyansa mo." Naka ngisi nitong sabi. Napa buntong hininga na lang si Saint at hinayaan silang ayusan siya.

Gulong-gulo si Saint ngayon sa mga nangyayari habang inaayusan nila. Hindi na ito pumiglas dahil napapagod na siyang makipag hilahan. Tsaka saan ito uutang ng 100 kapag pinahuli ulit siya sa mga taga jail booth. Ipahuli ulit ang sabi nila, meaning sila ang may pakana ng pagkahuli niya sa jail booth kanina?

Ugh! Gulong gulo na talaga siya, sumasakit na talaga ang ulo niya sa mga pangyayaring naganap at magaganap pa.

Naka suot na si Saint ngayon ng white tuxedo at dark blue long sleeve polo sa loob, na nilagyan ng bow tie na itim. Naka black slack and black shoes naman na ito pag pasok kaya hindi na nila pinalitan.

Ang isang babae ay kinakabitan siya ng bulaklak sa tuxedo habang ang isa naman ay inaayusan ang buhok niya. Naka brush up ang style ng kanyang buhok at nilagyan siya ng konting polbo. Mabango pa naman siya kahit napawisan na ng kaunti kaya ayos lang.

Sinipat niya ang sarili sa salamin, he looks good. May hitsura naman kasi talaga si Saint. Hindi yung tipong pang campus heartthrob, medyo above average naman siya. Sakto lang ang hubog ng katawan niya, nagfoform na ang abs niya sa tiyan, broad din ang balikat niya at may katangkaran din. Kayumanggi ang complexion nito, hindi sobrang itim kun'di sakto lang.

Dinala na siya nito sa venue mismo ng kasal, sa isa itong tent at dinekorasyonan lang na parang sa simbahan. Pag pasok niya doon ay nagulat siya ng makita ang gago niyang kaibigan na si Harry.

"Pre, tangina ikakasal ka na pala. 'Di mo man lang ako ininform, best man mo ako 'di ba?" Sinipat siya ng tingin nito at tumango tango.

"Gago ka, sabi ko puntahan mo ako sa jail booth at piyansahan, pero inuna mong lumandi." Sinuntok niya si Harry sa balikat at napa-aray naman ito.

"Pasensya na, nagpakasal din kasi ako eh." Pinakita nito ang sing-sing na mukhang tig-sasampu sa baratilyo at itinuro ang isang babae na kalalabas lang sa kabilang dressing room.

"Ikaw, kanino ka ikakasal?" tanong nito sa kanya.

"Napikot ako pre, basta na lang ako hinila dito habang nakaposas nung babaeng nag piyansa sa'kin." Napabuntong hininga na lang ulit siya ng maalala ang mga pangyayari.

"Maganda naman ba yung babae?"Pang iintriga nito, ngunit hindi ko na siya nasagot dahil pinapunta na kami sa altar noong lalaking staff ata sa marriage booth.

Napansin niyang medyo madami ang taong nanonood sa loob ng tent, naroon din ang mga taga jail booth at naka bantay. Binabantayan siguro ako ng mga ito at baka tumakas. Huwag sila mag alala, naka suot na siya ng pangkasal. Might as well get hitched.

Ang lokong si Harry ay pinanindigan ang pagiging best man niya at sumama sa kanya ngayon sa altar. Pumwesto na ang pari at nag patugtog na sila sa speaker ng Canon D.

My Weirdest ValentineWhere stories live. Discover now