Chapter 5

3 0 0
                                    


Dumaan ang halos isang linggo ay hindi na muli sila nag kita pang muli ni Valentine. Minsan ay namamalayan niya ang sarili na pinagmamasdan lahat ng taong makikita niya sa campus. Tinitingnan niya if he will be able to see that weird Valentine again.

Nasa kwarto siya ngayon at kaharap ang malaking teddy bear. Matamlay niyang tiningnan ang laruan at bumuntong hininga,

"Kailan ko kaya uli makikita ang mommy mo?" pagtatanong niya sa stuffed toy, iniintay na bigla na lamang itong sumagot sa kanya.

Napahilamos siya nang mukha at mahinang napatawa, nang marealize niyang mukha pala siyang tanga na kinakausap ang laruan.

'Itutulog ko na nga lang 'to.' Nilagay niya ang teddy bear sa paanan niya at natulog na.

--

Kinabukasan ay sama sama silang apat na magt-tropa na kumain sa may kubo ng campus.

"Uy pre, asan na yung chicks na pinakasalan mo sa marriage booth noong Valentine's? Yung si Valentine ba 'yon?" Pagtatanong ni Harry sa kanya habang may pagkain pa sa bibig.

"Ang baboy mo pre, talsikan yung kanin." Nandidiring puna naman ni Rick.

"tae, pre may chicks ka?" Usyoso naman ni Wendell.

"Oo pre, ang ganda pa. Nag pakasal sila noon Valentine's day tapos best man ako." Pagsasabat na naman ni Harry.

"Hindi ko chicks si Valentine." Halos mapairap pa si Saint sa mga kaibigan.

"Ulol! 'Di daw chicks, tapos ikinasal sa marriage booth tapos hinalikan." mapanuyang sabi ni Harry.

"Uyyyy....Valentine!" Nagsabayan pa ang tatlo sa panunukso sa kanya.

"Una sa lahat, ikaw ang tumulak sa akin kaya nahalikan ko si Valentine!" Tinuro pa niya si Harry ng may pang aakusa.

"Good job pare hahaha." sabi ni Rick kay Harry at nag fist bump pa ang mga ito. Tuluyan na ngang napa irap si Saint.

"Pangalawa, pina huli ako no'n sa jailbooth, at blinack-mail ako sa pag papakasal sa marriage booth. Ninakaw din niya yung flash drive ko na may laman na thesis na'tin at wallet ko." Nagtawanan ang mga kaibigan niya dahil sa ikwinento niya.

"What a coincidence pare, nag pakasal ka kay Valentine sa araw ng Valentine's day. Hahaha iba talaga ang sumpa sayo ni St. Valentine." Pagkokomento pa ni Wendell.

"Tsaka pare, ito na siguro ang oras para mag move on ka kay Diana. Malay mo na si Valentine na pala ang mag papawala ng kamalasan mo." dagdag ni Harry habang sinisimot ang tira tirang butil ng kanin sa paper plate.

Napa ismid na lamang siya sa sinabi ng mga kaibigan. Matapos nang lahat ng sakit na naranasan niya mula kay Diana ay nadala na siya. Hinding hindi na siya mag kakagusto ulit, nakakadala ang mga experiences niya sa babae. Once is enough, ika nga niya.

Si Saint kasi angtipo ng tao na kapag nag fail sa unang try ay ititigil na niya agad. Ang tanging bagay na nag fail siya at 'di sumuko ay sa pagsasayaw. Dahil dito niya ibinubuhos ang galit, lungkot at saya niya. Pagsasayaw ang isa sa mga bagay na bumubuhay sa kanya.

Kaya kahit na ang unang competition niya ay palpak, hindi pa rin siya tumigil doon. Inisip na lamang niya na may sumpa lang talaga siya sa Valentine's day. Dahil ang mga sumunod niyang kompetisyon ay nananalo naman sila. Noong araw lang talaga ng Valentine's na iyon siya napahiya, na-injure at natalo. The rest ay 3rd or place, 2nd place na, hindi pa man sila nakaka grand champion ay kuntento at masaya na siya.

Napapailing na binuksan ni Saint ang water bottle niya habang patuloy pa rin ang mga gago niyang kaibigan sa pagdaldal at pag lamon. Nang akmang iinom na siya mula sa bote ay bigla siyang nabuwal dahil sa isang malakas na impact mula sa kanyang likuran. Ang kalahati ng tubig mula sa bote ay natapon sa lamesa at may isang pares ng mga bisig ang nakapulupot sa mga braso niya.

My Weirdest ValentineWhere stories live. Discover now