Chapter 8

2 0 0
                                    

Eto na yung update dapat sa dati kong account so yeah, enjoyyyy!!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Days passed and ganoon pa rin ang routine nila, pero ngayong araw ay wala silang prof. Kaya naman nasa usual tamabay spot ang apat na magkakaibigan habang naglalaro ng ML sa kanilang mobile phones.

"Gago! Push na!" Sigaw ni Rick.

"Ikaw ipush ko diyan eh, may dalawang naatake sa tore sa top! Saint, samahan mo ko." sabi naman ni Wendell habang gigil na pinipindot ang screen ng cellphone nito.

"Bobo ng kalaban ampota!" hiyaw naman ni Harry.

"Tanga, 'wag ka nang mang trashtalk." Natatawang saway ni saint kay Harry.

Ito kasi ang mahilig mang trashtalk sa kanila. Minsan nga ay pati kakampi nito ay tinatrashtalk din nito.

Nagpatuloy lamang sila sa pagpipindot ng kanilang mobile phones, nagtatawanan at nag mumurahan. Kaya naman hindi napansin ni Saint ang pagdating ni Valentine.

Dahan-dahang dumukwang si Valentine sa tainga si Saint at biglang sumigaw.

"PORN BA 'YAN?!!!" gulat na napalingon si Saint kay Valentine. Ngunit ang tatlong ugok ay patuloy lang sa pagdutdot sa kanilang mga cellphones.

"Mukha ba 'tong porn? Oi Saint, push na ampota mamaya ka na lumandi" sabi ni Rick.

"Eto na, eto na." Sagot naman nito at tahimik na nagpipindot.

Unlike his three friends, hindi maingay mag laro si Saint. Pero pag nagsosolo siya ay nangtatrashtalk din ito.

Hindi na muling tinapunan ng tingin ni Saint at ng iba pa si Valentine. Nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagdudutdot ng telepono. Kaya naman napanguso si Valentine.

Maya-maya na lamang ay may naramdaman si Saint na brasong pumulupot sa kaniyang baywang. Nalanghap na naman niya ang mabangong amoy nito. Natigilan siya saglit at nanigas dahil sa gulat. Hindi niya alam kung iiwas ba siya o pababayaan na lang ito at mag busy-busy-han sa paglalaro. Naramdaman na naman niya ang tiyan niyang tila kinikiliti ng mga bulate.

Naka-upo si Valentine sa gilid niya pero ang katawan nito ay nakaharap sa kaniya. Ang Braso nito ay Nakapulupot sa baywang niya at ang ulo ay nakahilig sa kanang bahagi niya.

Hindi na siya makapag focus sa laro nila. Ngunit lalo lamang siyang nayanig nang inilapit nito ang bibig sa kaniyang tainga at huminga. Tila nangisay ang buo niyang katawan dahil dito.

"Hubby, I feel so neglected. Notice me please." nagtatampong bulong nito sa kaniyang tainga at isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg.

Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok dahil nararamdaman niya ang hininga nito sa kaniyang leeg. Napamura na lamang siya sa kaniyang isipan at pinipilit na mag concentrate sa laro.

Ibinuhos na lamang niya ang mga nararamdaman sa pag dutdot sa kaniyang cellphone. Kung ano-anong skill na lamang ang napipindot niya.

"Oi pota Saint! Bakit ka ng SS sa minion?!HAHAHAHA" rinig niyang kantyaw ni Harry.

Nagtawanan din ang dalawa pa dahil sa katangahan niya. Nahihiya siya ngunit hindi na lamang siya nagsalita. Bahala na kung naong mapindot niya sa cellphone niya, hindi niya maitatanggi na nag eenjoy siya sa pag yakap sa kaniya nito.

Hanggang sa matapos siya sa laro ay hindi umalis si Valentine sa pagkakayakap sa kaniya.

"Victory!" Sigaw ni Wendel matapos ang laro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Weirdest ValentineWhere stories live. Discover now