Chapter 7

2 0 0
                                    

For the past few days, Valentine always finds a way to join him for lunch. Kahit minsan ay wala itong pasok sa araw na iyon ay pero pumapasok pa rin ito kapag lunch time nila. Lagi din itong pumupunta tuwing may practice siya.

Minsan pa ay nagdadala ito ng packed lunch, dahil ayaw daw nitong nag sasayang siya ng pera para sa pagkaing 'di naman daw siya mabubusog.

Pabor naman ang mga gung gong niyang kaibigan dahil kapag nagdadala ng packed lunch si Valentine ay marami ito. Kaya naman nakakalamon din sila ng pagkain na dapat ay para sa kanya.

Nahihirapan kasi siyang tanggihan si Valentine at baka maulit na naman ang pag ngangawa nito. Ayaw pa naman niya ang nakakakita ng naiyak na babae. Naaalala niya ang mukha ng kaniyang ina noong pumanaw ang kanyang ama.

Tila may pumipiga sa kaniyang dibdib kapag ganoon. Kaya isinumpa niyang hindi siya mag papaiyak at mananakit ng damdamin ng babae. Kaso nga lang, siya naman ang pinaiyak at sinaktan ng mga ito. How ironic, that the very least he wants to do to a girl was the thing he experienced from them.

Nandito uli ngayon sila sa usual eating spot nila. Nilabas ni Valentine ang tupperware mula sa bag nito at inihain sa kanya. Naglabas pa ito ng disposable utensils para sa kanya.

Dinaig pa nito ang nanay niya kung pag handaan siya. Nahihiya na siya sa ginagawa nitong effort pero kapag tumatanggi naman siya ay manunubig na naman ang mga mata nito. Ayaw na niya maulit pang muli ang nangyari noong tinanggihan niya ito.

"Here hubby, I cooked beef teriyaki. Enjoy."sabi nito pag tapos buksan ang tupperware. Naamoy niya ang masarap na aroma nito at hindi siya tatanggi na mukha at amoy itong masarap.

"Naks naman pare, sana all pinaglulutuan. Pahingi ha, salamat." pag singit naman ni Harry at kinuha na ang tupper na naglalaman ng beef teriyaki.

Mabilis na nilantakan ito ng tatlo niyang kaibigan at hindi man lang siya naka angal. Gusto niya sanang isigaw sa kanila na kaniya iyon at gawa iyon ng asawa kuno niya. Pero nahihiya siyang mag sabi nito.

"Harry! Tirhan mo naman si hubby. I cooked that teriyaki beef for him at hindi para sa inyong tatlo! Ano ba--! Ibalik iyo sabi ehhh!!" Inis na sabi ni Valentine habang nakikipag hilahan ng tupperware.

"Pahingi lang naman!" pag dedepense naman ni Rick habang ngumunguya ng ulam.

"Oo nga! Penge pare ha." segunda naman ni Wendell.

Nang makita ni Saint na parang mangangalahati na ang beef teriyaki ay hindi na niya napigilan ang sarili at inagaw mula sa kanila ang baunan.

"May pagkain na kayo 'di ba? Para sa akin 'to at hindi sa inyo." masungit niyang sabi sa mga kaibigan at sinimulan nang kainin ang beef teriyaki. Ayaw na ayaw niyang inaagaw mula sa kanya ang mga bagay na dapat naman ay para sa kanya.

Niluto iyon ni Valentine para sa kanya, kaya siya lamang ang may karapatang kumain nito.

Napatulala lamang ang tatlo sa kanya samantalang matamis ang ngiti ni Valentine sa kanya nang kuhanin nito kusa ang pagkain.

Tahimik lamang siya habang sunod-sunod ang pag subo sa pag kain. Hindi niya binigyan ng pagakataong makahingi pa muli ang tatlo. Maya-maya pa ay nasaid na nito ang pag kain.

"Thanks for the food, but you don't always have to cook for me." He said as he wipe his lips with his hanky. Pero ang totoo ay parang gusto niyang araw-araw na paglutuan siya nito

"Pre kung ayaw mong pag lutuan ka ni Valentine ay kami na lang ang kakain para sayo." pag singit naman ni Wendell, kaya naman sinamaan niya ito ng tingin.

"Oo nga Valentine, paglutuan mo na lang kami. Ansarap kaya ng mga dala mong pagkain lagi." dagdag pa ni Harry. Aba't nag request pa talagang sila na lang ang lutuan nito.

My Weirdest ValentineWhere stories live. Discover now