Dos

516 38 5
                                    

"Sa'ng booth ba uunahin natin? Naeexcite ako! Akala ko pagkatapos 'nung surprise ni Lemon e hindi na siya single!" May tuwang sabi ni Kim sa tabi namin. Nandito kami ngayon sa canteen. Pagkatapos kong umiyak nang umiyak ay dumiretso kami ni Apple sa canteen dahil nagtext sina Kim na nandito raw sila.

Mugto ang mata kong nilibot ang tingin ko. May ibang mga nakatingin sa akin na parang naawa pero hindi ko sila pinapansin. Sino ba sila? Si Miko ba sila?

"Bunganga mo Kim!" Sabay mahinang batok ni Chelsea na nasa tabi niya.

"Totoo lang naman sinabi ko. Bayaan niyong marinig ni Lemon nang matauhan! Sabi naman kasi sa'yo bes, Miko is no good for you." Pagbibigay payo niya sakin habang ang isang kamay ay nakapatong sa kamay kong nakahawak sa tinidor ko. Isa pa 'tong desisyon na 'to.

"Alam mo, marami ka nang nalalaman. Dapat sa'yo pinapatahimik." Pananakot ni Chelsea sabay duro ng tinidor kay Kim.

"Tigilan mo, BH pa 'yan. 'Pag 'yan natauhan ikaw ang kawawa." Pagbabanta ni Apple kay Kim. Umirap lang si Kim at nagpatuloy na kami sa pagkain namin. Ako naman ay palibot-libot parin ang tingin sa buong canteen. Hinahanap ko si Miko.

As if sinabihan, biglang pumasok ng canteen si Miko kasama ang mga friends niya habang malandi silang nagtatawanan. Kekendeng-kendeng na naglakad sila sa may pila at umorder ng pagkain nila. Saktong paglingon niya ay nagtama ang tingin namin. Agad akong umiwas at yumuko. Ayokong makita niyang mugto ang mga mata ko. As if may pake si Miko?

"Anong nangyari sa'yo? Subsob ka na diyan sa kinakain mo." Nag-aalalang tanong ni Chelsea na naka-upo sa tapat ko.

"Sina Miko nandiyan..." pabulong kong sabi sa kanila.

"Sus! As if naman hinahanap ka niya! Bayaan mo na 'yon. Bilisan mong ubusin 'yan para makaalis na tayo." Tumango naman ako sa kanila at nagpatuloy sa kain.

Sunod-sunod ang subong ginawa ko sa pagkain ko. Punong-puno ang bibig kong niyakag sila palabas ng canteen.

"Tanga ka mabubulunan ka sa pinaggagagawa mo e! Eto tubig!" Gigil na sabi ni Kim sa akin habang hinihimas ang likod ko. Agad kong kinuha ang water bottle niya at ininom lahat ng laman. Hingal kong inubos ang tubig. Sakit sa dibdib!

"Ayan kasi, wala ka naman kaagawa sa pagkain mo, daig mo pa hindi nakakain ng isang taon."

"Nandon kasi si Miko!" Natataranta kong sabi. Agad naman akong binatukan ni Chelsea.

"Sa tingin mo, anong pake ni Miko?" Aray. Walang preno amputa.

"Baka kasi mailang siya sa akin." Nahihiyang sabi ko. Naglilibot na kami ngayon sa school.

"Ikaw na talaga Lemon. Ikaw na martyr, ikaw na rin selfless!" Pagmamalaki ni Apple sa akin. Inipit ko naman ang hiblang buhok ko sa likod ng tenga.

"Maliit na bagay." Pabebe kong sagot. Umirap naman siya sa akin.

"Umay sa'yo, lods." Pagsingit ni Kim sa usapan.

Lemon Where stories live. Discover now