Syete

427 44 1
                                    

"Syet! Totoo ba 'yon?!" Gulat na tanong nina Kim sa akin nang batiin ako ni Miko sa corridor. Pigil ngiti akong umiiwas ng tingin sa kanila.

"May hindi ka kinukwento!" Pag-uungkat ni Apple.

"Baka kasi magsawa na kayo, paulit-ulit na lang." Sabi ko sa kanila sabay nguso.

"Ngi! Alam naman naming paulit-ulit may pagnguso ka pa diyan." May diring sabi ni Chelsea sa tabi ko. Inirapan ko naman siya.

"Basta masaya ka." Sabi na lang ni Kim at hindi na ako kinulit pa.



"Okay, class dismiss." Sabi ni Ma'am at isa-isa na kaming nagsitayuan.

"Saan tayo?" Tanong ni Kim sa amin habang nag-aayos kami ng bag.

"Jabi! Miss ko na manok ng Jollibee, last week pa ako nagkecrave." Sabi ni Chelsea sa amin.

"Sige go lang, arat na." Sabi namin at lumabas na kami.

Laking gulat ko nang makita ko si Miko sa labas.

"Hi!" Bati niya sa akin. Napahawak naman ako sa bag ko at binati siya pabalik.

"Hello, may inaantay ka rito?" Mukhang tapos na rin klase niya, naka-sukbit na rin bag niya e.

"Oo, inaantay kita." Ramdam ko namang namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Luh? Yieee,"

"Hoy Lemon talande,"

"A-Ah hehe, taena niyo tumigil nga kayo," pagsasaway ko sa tatlo na kanina pa nang-aasar, "may plano na kasi kami..." nahihiya kong sabi kay Miko.

"Ay hindi Miko! Wala kaming plano. Sige, sa'yo na 'yan."

"Oo nga," sabi ng tatlo at sabay sabay pa akong tinulak kay Miko kaya napalapit tuloy ako sa kaniya.

"Sige, una na kami." Sabi nilang tatlo at iniwan na kaming dalawa.

Naiwan kaming dalawa sa hallway ni Miko. May mga estudyanteng naglalabasan na rin sa classroom. Ang iba ay tumitingin pa sa amin.

"Tara na?" Aya niya sa akin. Nahihiyang tumango ako at nagsimula na kaming maglakad.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Parehas na nahihiya. Mga walanghiya kasi kaibigan ko, talagang ipinamigay ako!

"San nga pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman kasi pwedeng puro lakad lang kami, walang patutunguhan 'to.

"Hmm, balak ko sana sabay tayo uwi. Kain muna tayo?" Sabi niya sabay sulyap sa relo niya, "maaga pa naman." Tumango naman ako sa kaniya.

"Sige, saan tayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Mcdo?"

"Okay."

Pagkatapos namin mag-order ay naupo na kami sa pangdalawahan na upuan.

"Asan nga pala mga kaibigan mo?" Panimula ko ng usapan.

"Nagpaiwan na ako sa kanila." Sabi niya sa akin.

"Huh? Bakit naman?"

"Para sabay tayo." Pagpapaalala niya sa akin. Mahina naman akong natawa.

"Tange ka," mahinang sabi ko sa kaniya.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Kapag ako, mas nahulog sa'yo, hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabay kagat sa burger ko.

Lemon Onde histórias criam vida. Descubra agora