Tres

463 41 4
                                    

Lumipas ang ilang araw ay hindi ko parin pinapansin si Miko. As if naman kinukulit niya ako e 'no? Hindi, I mean, hindi ko na siya nilalapitan. Grabe nga ang pigil ko! Paano sina Kim bantay sarado.

Hindi maiwasang mabiyak ng puso ko sa tuwing nagkakasalubong kami ng tingin tapos nakikipag chismisan siya sa mga tropa niya, nawawala ang ngiti niya. Para bang ayaw na ayaw talaga sa akin?! Ang sakit ha! Alam ko naman 'yon. Hindi ko naman ipagkakaila na ang motto ko ay:

Kung hindi tayo pwede, ipilit natin.

Ang tanga 'di ba? Kaya galit tropa ko sakin e!

"Lemon! Lumabas ka diyan sa kuwarto! Dalahin mo 'tong kaldereta sa Tita Julie mo." Tita Julie?! Hanips ka 'Ma!

"Po?! Bakit ako pa? Wala akong bra ma!"

"Edi magsuot ka?! Wala ang kuya mo! Ano gusto mo ako pa ang magbigay?"

"Sabi ko nga po, magbabra na." Kahit naka-bra naman talaga ako.

Nakasuot ng super oversized tshirt akong lumabas ng kuwarto at kinuha ang ulam.

"Ano ba 'yan suot mo? Nakashorts ka ba?"

"Opo,"

"O siya, bilisan mo na. Baka naghahapunan na sila," tumango na lang ako kay Mama at lumabas na ako ng bahay.

Ilang katok lang ay bumukas na ang pintuan nina Tita Julie. Bumungad sa akin si Miko na nakasuot ng cotton shorts at oversized shirt. Ang puti ng legs! May suot din siyang headband na pang skin care. Ang aga naman? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Ang cute niya.

"Bakit?" Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko ang ipit niyang boses. Nahihiyang inabot ko sa kaniya ang mangkok ng kaldereta. Kita kong nagulat siya at nagsalita.

"D-Diba sabi ko sa'yo-"

"Ay hindi! Hala, pinapaabot ni mama 'to. Pandagdag sa hapunan niyo." Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Nakita kong medyo namula siya sa hiya at tinanggap ang mangkok.

"Teka lang, antayin mo na 'tong mangkok. Pasok ka muna." Sabi niya sa akin at binuka ng malaki ang pinto.

Kaya hirap 'din akong magmove-on e! Bakit kasi kapitbahay namin sila?

"Asan sina Tita?" Pagsisimula ko ng topic. Napansin ko kasing walang tao maliban sa kaniya.

"Nag-OT si Mama, mamaya pa siya uuwi." Tumango naman ako at hindi na nagsalita. Nakakahiya! Ilang araw ko siyang iniiwasan tapos nang dahil sa kaldereta ni Mama nandito ako ngayon sa bahay nila?!

"Eto na o, hinugasan ko na 'yan. Pasabi kay Tita, thank you. Mukhang masarap 'yung gawa niya." Gawa rin naman ako ni Mama at mukhang masarap din naman ako?! Bakit ayaw mo sakin?

"Sige, thank you rin!" Sabi ko sa kaniya at hinatid na niya ako palabas. Akmang aalis na ako nang tawagin niya ako.

"Bakit?" Nakangiti kong sabi sa kaniya. Nahihiya na ako!

"S-Sorry nga pala 'ron sa sinabi ko noong foundation week..." ha?

"Medyo naging harsh ako 'non. K-Kung gusto mo, pwede parin naman tayong maging f-friends!" Lito ko siyang tinignan. Ha? Hindi nagsisink-in sa akin ang sinasabi niya! Ano raw friends?!

"Ha?" Nakita ko namang parang napahiya siya ng sabihin ko iyon. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"A-Ayaw mo ba? Okay lang din naman 'kung ayaw mo. Ilang beses ba naman kitang tinaboy..." nahihiyang sabi niya sa akin. Tila natauhan naman ako sa sinabi niya.

"Ay! Oo! Friends! Sige, okay lang! Pwedeng pwede! Ay sorry ba't ba ako nasigaw? Oo pwede," natataranta kong sabi sa kaniya. Tinawanan naman niya ako kaya natawa na rin ako.

"Sige na, baka matraffic ka pa pauwi, charot!" Pagbibiro niya sa akin na kahit corny ay natawa pa rin ako.

"Sige na, see you sa school!" Pagpapaalam ko sa kaniya at kumaway sa kaniya paalis.

Sabihin mo Lemon,


Salamat, kaldereta ni Mama!

Lemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon