Diyes

688 54 6
                                    

"Nagsisisi ka ba?" Umaga na. Agad akong napalingon kay Miko na nakasandal sa headboard. Naka-upo't hawak ang comforter na nakabalot sa dibdib ko siyang sinagot.

"Hindi," walang alinlangan kong sagot, "ikaw? Nagsisisi ka ba?" May halong takot ko siyang tinignan. Tinignan niya ako sa mata sandali bago kunin ang kamay kong libre. Parang bata niya itong pinaglaruan habang unti-unting pumoporma ang ngiti sa kaniyang labi.

"Hindi rin." Walang bakas ng pagsisisi niyang sabi sa akin. Pigil ngiti ko siyang tinignan habang pinaksasaklop niya ang dalawang kamay namin.

"Tagal ko na rin inisip 'to," out of nowhere niyang sinabi, "hindi ko alam 'kung ako parin, o may puwang pa ba ako riyan sa puso mo." Nahihiya siyang tumingin sa akin.

"Alam kong sobrang late na rin," kumagat muna siya sa ibabang labi niya bago ako tignan sa mata.

"Lemon, gusto kita- no, mahal kita." Parang sumabog ang puso ko sa sinabi niya. Tila nabingi ako nang hindi oras sa mga rebelasyon niya. Talagang 'kung kailan hubad kami?!

"Talagang 'kung kailan hubad tayo?" Pagtataray ko sa kaniya. Nakita ko naman na kinabahan siya sa inakto ko.

"Joke," pahabol kong sabi na ikinatawa namin.

Ilang minuto ang tinagal ng katahimikan bago ako umimik.

"Hindi ka naman late..." mahinang sabi ko sa kaniya.

"Ha?" Naguguluhan niyang tanong.

"Sabi ko hindi ka naman late." Nilakasan ko na ang boses ko para mas rinig niya. Malakas na loob ko. 11 years kong tinago 'to.

"Panong hindi late?" Takang tanong niya.

"Hindi ka pa late kasi simula't sapul, ikaw parin naman laman nito," sabay turo sa bandang puso. Nakita ko namang natigilan siya bago namula ang kaniyang pisngi at tenga.

"Uy kinikilig!" Pang-aasar ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

"Che! E ano naman?" Panlalaban niya. Tumigil ako sa pagtawa at nginitian siya.

"Wala, ang cute mo." Puno ng admirasyon kong sabi sa kaniya. Nahihiyang ngumiti siya sa akin habang kumakagat sa ibabang labi niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang mga kamay ko at kinulong sa kaniyang mga kamay sabay halik dito.




"Let's make this work."







fin.

Lemon Where stories live. Discover now