Cinco

433 38 0
                                    

"O! DIYOS KO ANO BA NAMAN ITO 'DI BA TANGINA! NAGMUKHA AKONG TANGA PINAASA MO LANG AKOOO-"

"Lintek ka Lemon napakaligalig mo! Gabing-gabi ang lakas pa niyang speaker mo! Bingi ka ba?!" Agad akong napapunas ng basa kong mukha't pinatay ang speaker sabay tingin kay Mama na nasa pinto ko.

"Ano ba 'yang pag-iinarte mong 'yan at umiiyak ka pa?!" Gigil na sabi ni Mama. Sisinghot-singhot ko siyang sinagot.

"W-Wala, m-may exams lang kami. D-Dinadasalan ko lang. Ritwal ba," pagpapalusot ko pa sa kaniya.

"Ritwal ritwal ka pa diyan. Tignan mo ngongo ka na magsalita! Maghilamos ka riyan at dalahin mo 'yung sotanghon kina Julie!" Magtatantrums pa sana ako kaso binagsakan na ako ni mama ng pinto. Ang galing!

isang oversized shirt ulit ang suot ko at shorts sa ilalim. Agad akong nag-ayos ng mukha at lumabas na para ihatid ang sotanghon.

Naka-ilang katok lang ako nang bumungad sa akin si Tita Julie na nakapangtrabaho pa.

"Hello po Tita, pinapaabot po ni Mama." Nahihiyang sabi ko sa kaniya. Nakangiting kinuha niya iyon at nagpasalamat.

"Halika pasok ka muna, may niluluto rin ako e. Malapit nang matapos, magdala ka rin sa inyo." Pa-anyaya niya sa akin. Agad naman akong tumango at pumasok sa loob.

"Naglilinis din kasi ako, pasensya at medyo magulo."

"Okay lang po," inilibot ko ang tingin ko at nang mapansin kong mag-isa si Tita ay tinanong ko na agad siya.

"Si Miko po pala Tita... asan po?" Nice one Lemon. Tanga ka talaga.

"Ay nako! 'Yung batang 'yon, mamaya pa raw siya uuwi at may date daw sila ng boyfriend niya..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita. Tila may sumuntok sa puso ko nang marinig ko iyon.

"P-Po? B-Boyfriend po?" Naguguluhan kong tanong. Wala akong nabalitaang ganiyan! Tita, huwag kang fake news!

"Oo, hindi mo ba alam? Ay secret lang daw pala 'yon! Hala ka, ang daldal ko talaga!" Sabay palo ni tita sa bibig niya, "sorry, pero bayaan mo na, ikaw naman 'yan. Oo, boyfriend. Medyo matagal na sila, nakilala ko na nga 'yon e. Mabait na bata." Ika nga ni Tita habang naghahalo ng niluluto niya. Tila sumikip naman ang paghinga ko at naramdaman kong nag-iinit na ang mata ko. Pinuno ko ng hangin ang bibig ko at dahan-dahang nag-inhale exhale. Nang may tumulong luha ay agad kong pinunasan iyon.

"Ma kanino 'yung tsinelas sa-"

"Eto na luto na!" Saktong lumabas si Tita sa kusina at agad kong kinuha ang tupperware sa kaniya at tumalikod. Ayokong makita pa niya akong umiyak. Ramdam ko ang titig ni Miko sa akin pero 'di ko siya tinapunan ng tingin.

"S-Sige po Tita una na po ako! Thank you po!" Mabilis pa sa alas kuwatro akong lumabas ng bahay nila.

"Lemon!"

Lemon Where stories live. Discover now