Kuwatro

467 44 1
                                    

"Seryoso ba? Baka jokings ka lang!" Hindi makapaniwalang tanong ni Kim sa akin. Kinuwento ko kasi sa kanila 'yung nangyari kagabi.

"Baka pinapaasa ka lang niyan Mon?" Concern na sabi ni Chelsea.

"Alam mo niyo ang nega niyo! Malay niyo naman." Pagkampi ni Apple sa akin sabay kindat. Kinikilig kaming nagtawanan na dalawa.

"Aray!" Daing ni Apple nang batukan siya ni Kim.

"Ikaw kunsintidor ka rin e ano? Hindi ba't ikaw ang nagrequest na layuan muna ni Lemon si Miko? Tapos 'kung kiligin ka diyan para kang uod na inasinan." Panenermon ni Kim kay Apple.

"Eto naman, support na lang! Tsaka friends lang naman daw? Walang masama 'ron!"

"Meron!"

"Ano naman?"

"Para namang hindi mo kilala 'yang si Lemon? Basta Miko saksakan ng rupok 'yan! Baka mas mahulog 'yan kay Miko tapos ang mas malalang sakit matamo niya." Hindi ko naman masisisi si Kim na medyo OA ang reaksyon niya. Sa tatlong taon kong pasunod-sunod kay Miko, alam na alam na nila ang galawan ko.

"Kim anong year na nga ulit tayo?"

"3rd year!"

"Ilang taon na?"

"21,"

"O edi matanda na 'yang si Lemon para magdesisyon sa sarili niya." Pag-apura ni Apple.

"Alam mo naman 'yang si Lemon madalas patanga-tanga sa desisyon!"

"Hay nako ang ligalig niyo! Pasalamat nalang talaga at may vacant hours!" Naiingayang sambit ni Chelsea.

"Masyado naman kayong nagpanic, gets ko naman e. Malinaw sa akin na friendship lang ang kaya niyang i-offer." Sabi ko habang nagsusulat ako sa notebook ko.

"Putaena ang ligalig niyo naman e!" Saway ni Apple sa mga ka-block namin. Natahimik silang saglit at tinignan siya. Pero bumalik din sila sa kani-kanilang business.

"Nag-aalala lang naman kami Lemon. Hindi namna namin malaman sa'yo, 'kung bakit sa dami-rami ng lalaki sa school, si Miko pa." Hindi ko rin naman alam!

"Pero ikaw bahala, basta nandito lang kami para bigyan ka ng mga advice. Desisyon mo 'yan. Sabi nga ni Apple, matanda ka na. Huwag mo lang sana sirain tiwala namin. Gamitin ang utak ha?! Huwag puro puso." Tatango-tango naman ako sa kanilang tumingin.

"Swerte ko talaga sa inyo."

"Ano ka ba, kami lang 'to." Pagpapa-humble ni Kim na ikinatawa namin.

Natapos ang klase ay nagka-ayaan kaming apat na mag-Mcdo. Busy kaming nag-uusap usap habang naglalakad papunta sa Mcdo.

Buong araw ay hindi ko pa nakikita si Miko. Magka-iba kasi kami ng building. Matanglawin lang talaga ako kaya madalas nakikita ko parin siya. Pero ngayong araw ay hindi siya nahagilap ng mata ko.

"Nagutom ako sa tinuro ni Sir Rom, feeling ko natuyot ang utak ko sa Chem." Problemadong sabi ni Chelsea.

"True, ginamit ko ang isang braincell ko para ron. Tangina ang sakit tuloy ng ulo ko." Inda ni Kim.

"Buti na lang medyo nagets ko, turo ko na lanv sa inyo mamaya." Pagvolunteer ni Apple.

"Wow Apple, himala." Pang-aasar ko sa kaniya. Saktong papasok na kami sa Mcdo ay biglang lumabas si Miko kasama mga kaibigan niya. Automatic namang gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko at inangat ko ang kamay ko para kumaway sa kaniya.

Nakita naman nina Apple ang ginawa ko kaya napatingin sila kay Miko. Si Miko naman ay tila naramdaman niyang nakatingin kami kaya napagawi sa amin ang tingin niya.

"O bhie, 'yung manliligaw mo nandiyan na."

"Nagpasundo ka ba?"

"Gaga kayo ang ingay niyo." Sabay-sabay silang nagtawanan pero ako nakaway parin kay Miko. Umaasang kumaway din siya pabalik.

"Mga lukaret! Tara na nga," pag-anyaya niya sa mga kaibigan niya at nilagpasan na kami. 'Ni hindi man lang tumugon sa bati ko. Nawala ang ngiti ko sa labi at unti-unting bumaba ang kamay ko. Ang sakit! Akala ko friends na kami?!

"Ay puta ano 'yon?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kim.

"Gago akala ko friends na kayo?" Nagtatakang tanong ni Chelsea.

"Gaga ka bakit ganon?" Gulat na sabi ni Apple.

Unti-unti kong nasaramdaman na naluluha na ako kaya medyo umabante ako para hindi ko sila makapantay sa paglalakad.

"I-Issa prank!"


Paasa ka, Miko!

Lemon Where stories live. Discover now