Nuwebe

518 38 0
                                    

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Miko nang mapansin niyang pangiti-ngiti ako rito sa tabi niya.

"Ikaw." Sabay kindat ko sa kaniya. Mahina naman niya akong tinulak banggo tumungga ulit sa beer.

"Papansin ka," may inis niyang tingin sa akin. Natawa naman ako sa mukha niya.

"O bakit ka namumula?"

"Baka nag-iinom tayo?" Sabay irap sa akin. Dinanggi ko naman siya sa balikat ng balikat ko.

"Hindi ka namumula sa beer, huwag ako." Sabi ko sa kaniya at umiwas naman siyang tingin.

"Namumula na ko ngayon, huli ka na sa balita." Sabi niya na ikinatawa ko.

"Ano ba! Huwag ka nga tumawa na-aasiwa ako sa mukha mo." Inis niya akong tinignan pero tinawanan ko parin siya.

"Tumigil ka sabi ih!" Naiinis na niyang sabi pero mas nilakasan ko pa ang tawa ko, 'yung tipong kita na gilagid ko.

"Ayaw mo tumigil ha-" agad naputol ang tawa ko nang maramdaman kong sinakop na niya ang labi ko.

"Hmp!" Pigil ko sa kaniya pero kahit anong piglas ko ay walang kapantay 'yon sa lakas niya. Hanggang sa pati ang puso ko ay nasakop na niya.

Sa una ay lapat lang ang galaw hanggang unti-unti na siyang gumalaw. Tila nalunod naman ako sa mga binibigay niyang halik at unti-unti kong ibinaba ang hawak kong beer at ginapang ko ang kamay ko paakyat sa batok niya.

"Hmm," napalitan ng ungol ang kaninang pagpipiglas ko sa kaniya.

Naramdaman ko na una siyang tumayo kaya't sinundan ko ang galaw ng ulo niya. Lumalalim ang bawat halik na pinagsasaluhan naming dalawa.

Ramdam ko ang pagpasok ng dila niya at ganon din ang sa akin.

"T-Teka," pigil ko sa halikan naming dalawa. Kunot noo niya akong tinignan. Kita ang takot sa mukha niya na baka umayaw ako ano 'mang oras.

"Hinga muna ako," sabi ko sa kaniya kaya parehas kaming natawa. Agad siyang tumayo at binuhat ako, pinulupot ko ang mga binti ko sa palibot ng bewang niya at kaniyang nilakad ang daan papunta sa kama.

Parehas nakangiting magkasalubong ang titig namin. Napakagat ako ng labi ko, parang dati lang, iniimagine ko ang ganitong scenario sa utak ko. Ngayon, nasa harapan ko na talaga siya.

Nang ibagsak niya ako sa kama ay sumunod siyang natumba sa ibabaw ko.

Dahan-dahan ay ibinababa niya ang kaniyang ulo. Mula sa pagkakatitig sa mata ko, bumaba nang bumaba hanggang sa napako ang tingin niya sa labi ko.

Walang segundo siyang sinayang at agad niyang sinakop muli ang aking labi.

"Miko, virgin ka pa ba?" Wala sa huwisyo kong tanong sa kaniya habang nag-aaral kami. Parang naubo naman sa gulat si Miko sa tanong ko.

"Ano ba 'yan, bhe? Bakit ganiyan mga tanong mo?" Takang tanong niya sa akin.

"Wala lang, curious lang." Gusto ko rin kasing masaktan. Kaya sagutin mo na. Pinakatitigan niya muna ako bago sumagot. Kita sa mukha niya na tinatanong ako 'kung seryoso ba ako sa mga desisyon ko sa buhay.

"Hindi na," parang biniyak naman ang puso ko nang sinabi niya iyon.

"H-Hindi na?" Gulat ko siyang tinignan at agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin.

"Oo nga, hindi na." Pag-uulit pa niya. Awit lods, saet.

"S-Saan?"

"Anong saan? Saan kami nag-sex?" Walang pakundangan niyang sagot. Agad ko naman siyang pinalo.

"I mean saan? Sa lalaki? Sa babae?" Curious na curious kong tanong. Ayos pa kasi sana 'kung sa lalaki, pero babae? Iyak na ko.

"Both." Ay, hanips! Ang galing! Mapanakit.

"H-Ha?!" Gulat na gulat kong sabi sa kaniya.

"Bakit naman?!" Ulit ko pa.

"Nacurious lang din ako noon." Nahihiya niyang sabi.

"Anong mas masarap?" Sige saktan mo pa sarili mo, magaling ka diyan Lemon 'di ba?

"Sa lalaki." Ouch.

Lemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon