Otso

443 39 1
                                    

"Ilang taon na tayong magkaibigan Lemon, wala ka paring pinapakilala sa akin na boyfriend mo." May himig ng tampong sabi ni Miko.

Nandito kami ngayon sa balkonahe ng condo ko. Parehas na naka-upo sa sahig habang nakatingin sa mga mumunting ilaw na galing sa mga building. Ilang taon na nga ba ang lumipas? Parehas na kaming successful sa buhay. Sina Kim, Apple at Chelsea, busy na. May kaniya-kaniya na ring pamilya.

"Ilang taon na tayo, baka tumanda kang dalaga, sis! Gusto ko pa magkaron ng inaanak sa'yo!" Inaanak? Pede namang anak. Sabay inom ng hawak niyang beer.

"Magtetrenta ka na rin Miko, pero 'di ka pa nakakaget-over sa huling ex mo. Ilang years na rin 'yon!" Umirap siya sa akin sabay abot ng canned beer.

"Alam mo naman kwento namin 'non. Kahit gago 'yon, saksi ka 'kung gaano ko minahal 'yon." Seryosong sabi niya sa akin. Bakit hindi na lang kasi ako? Miko, 11 year na! Ikaw parin tinitibok nito.

"Sorry," nakonsensya kong sabi sa kaniya. Bad joke ata. Natatawa siyang tumingin sa akin.

"Sira! Bakit ka nag-sosorry? Hindi naman ikaw nanakit sakin." Natatawa niyang sabi. Napangiti naman ako sabay turo sa kaniya ng beer.

"Dito ka ba matutulog?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango.

"Ang boring sa unit ko. Wala akong kausap." Sabi niya sa akin.

"Sus! Miss mo lang ako e." Pang-aasar ko sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Luh? Bakit naman kita mamimiss?" Pang-aasar niya pabalik sa akin.

"Tangina mo, ang corny mo ka-bonding. Umuwi ka na nga!" Pikon kong sabi sa kaniya. Agad naman niya ako niyakap patagilid.

"Eto naman pikon! Lakas mang-asar, pikon-talo naman. Lukaret ka talaga e," gigil niyang sabi habang pinipisil ako ng yakap.

"A-Aray 'di ako makahinga! Dede ko naiipit gaga!" Natatawa naman siyang humiwalay.

"Yuck!" Kunwaring nandidiri niyang sabi. Natawa naman kaming dalawa hanggang sa tumahimik ang paligid. Parehas kaming nakatingin sa buwan habang nainom.

"Ang hina naman nitong San mig. Dapat pala nag The Bar na tayo." Out of nowhere niyang sabi. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ayoko maglinis ng suka mo 'no." Sabi ko sa kaniya na nakapagpatahimik saming dalawa.

Napa-inom ako sa canned beer na hawak ko at napapangiti. Bigla kong naalala ang mga ginagawa ko noon. Maging ang mga kalokohan naming dalawa ni Miko.

"Congrats!" Agad ko siyang sinalubong ng yakap at halik sa pisngi. Finally! Graduate na kami!

"Congrats din sa'yo girl!" Sabi niya sa akin. Kakatapos lang ng graduating ceremony namin.

"Halika na anak, uy Miko! Congrats pala ha?" Sabi ni Mama sa amin.

"Thank you po Tita! Kakain po kayo sa labas?" Tanong ni Miko kay Mama.

"Oo e, kayo rin ba?"

"Opo,"

"Ay ganon? Sige ingat kayo ha? Kunin ko muna itong si Lemon." Sabi ni Mama sabay hatak sa akin.

"Sige Miko, kitakits na lang mamaya!" Sabi ko sa kaniya at kumaway.

Natapos ang gala namin nina Mama at umuwi na rin kami agad.

"Ma, alis na ko." Sabi ko kay Mama habang sukbit ang bag ko.

"San ba kayo pupunta ni Miko?"

"Wala ma diyan lang. Nagreserve lang kami hotel." Sabi ko sa kaniya.

"Ay suskopo Lemon ha! 'Yang si Miko kahit malambot pa sa'yo 'yan lalaki parin 'yan!" Paalala ni Mama sa akin.

"Ma ang OA! Kasama namin sina Kim!" Natatawa kong sabi sa kaniya. Tila nakahinga naman siya ng maluwang.

"Sige mag-ingat kayo 'ron!"






"CONGRATS SATIN!"

"CHEERS!" Naka-ilang bote na kami ng alak pare-parehas kaming nandito ngayon sa lapag ng hotel room na inoccupy namin.

"Ang corny naman! Puro tayo baraha walang thrill. Spin the bottle naman tayo!" Pagpresinta ni Kim. Agad naman kaming pumayag at nagsimula na kaming maglaro. Nagpaikot-ikot ang bote, unang tinapatan si Apple, sunod si Chelsea, hanggang sa akin tumapat.

"Dare!" Sabi ko sa kanila.

"Sige! 7 mins in heaven kayo ni Miko!" Sabi ni Apple na para bang pinlano na talaga nila.

"Mga gaga kayo! Bakit kasama ako? Si Lemon lang naman natapatan." Pang-angal ni Miko.

"Okay lang 'yon Miko! Sige na sis, pasok na kayo sa banyo." Sabi ni Kim sa kaniya. Hindi na kami umangal at pumasok na kami sa banyo para tapos na.

"Parang mga tanga talaga sina Kim." Natatawa kong sabi sa kaniya. Natawa na rin si Miko, sa ilang buwan naming magkaibigan, naging kaibigan na rin niya sina Kim.

"Bayaan mo na, akala mo naman may mapapala sila!" Natatawang sabi ni Miko. Napatingin naman ako sa kaniya. Kita kong namumula na ang mukha niya sa lasing. Naka-suot pala kami ng black dolphin shorts at oversized shirt. Sinadya namin na mag matchy kami.

"Miko..." mahinang tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Lingon niya sa akin. Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko nang tumingin siya sa akin. Grabe, parehas parin ang epekto mo sa akin. Napadako ang tingin ko sa mapupula niyang labi na mamasa-masa pa dahil sa pagkagat niya rito.

"Sorry," agad kong pinagdikit ang labi namin.

Lemon Where stories live. Discover now